To Infinity and Beyond 1

361 12 13
                                    

CARRIE'S POV

Nang makarating ako sa garden, biglang nagbukas yung mga Christmas lights. Sobrang ganda! Habang naglalakad ako, nakita ko yung mga petals ng pulang roses sa dinadaanan ko. Namataan ko din ang dalawang upuan at may isang lamesa na nakaayos sa harapan. Yes, isang romantic candle light dinner!

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang sobrang gwapong mukha ng boyfriend ko. Nakasuot siya ng color blue na long sleeves at itim na suit. Maayos din nakasuklay ang kanyang short trimmed hair.

Hindi niya inaalis ang pagkakatingin niya sa akin. Grabe, ewan ko pero kitang-kita ko sa mga mapupungay niyang mga mata kung gaano niya ako kamahal.

"Hey!" nakangiti niyang bati sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Medyo natulala ako sa ginawa ng aking mahal. Hindi ko rin mapigil na amuyin siya. Sobrang bango!

"Hello!" nakangiting bati ko rin sa kanya.

"For you my beautiful lady." tsaka niya inabot ang bouquet ng red roses na tinago niya sa kanyang likod. Yung mga gantong bagay talaga ang lalong nagpapakilig sa akin eh.

"Thank you!" tsaka kinuha ko yung bouquet ng red roses sa kanya.

Hinawakan niya ang isang kamay ko habang hawak-hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang binigay niya.

Marahan niyang hinalikan ang likod ng kamay ko at dahan-dahang lumuhod sa harap ko. Gosh! Is he going to propose? Kinakabahan ako.

Of all the things I've ever done
Finding you will prove to be
The most important one

"Carrie!" naulinigan kong tawag ni mommy at sabay katok sa pinto ko. "Gising na at magprepare kana." dagdag pa niya.

Arggh! Yun na eh! Ang ganda na ng palaginip ko eh! Magpro-prose na sana siya sa akin.. Nabitin tuloy ako! "Ma, gising na ako." medyo disappointed kong sagot kay mommy.

"Sige, mag-ayos ka na anak ha. Aantayin kita sa baba." malambing niyang sabi sa akin at tumigil na sa pagkatok ng pinto ko.

Ok, I am totally awake. Nakaupo na ako sa kama ko. Hay sayang naman ang panaginip ko!

♫ I would never trade the tears
The conversation no-one hears
The learning how to walk before we run♫

Rinig kong tugtog. Ngingiti-ngiti na ako ng marinig ko yung boses na yun. Yung ganyan ang maririnig mong boses pagkagising mo. Tapos kasama mo pa siya sa palaginip mo kanina. Hay Jeric Tan lalo akong naiinlove sayo. This is life. Natatawa kong isip.

Teka, tama na nga ang pagde-daydream ko. Na saan na ba ng cellphone ko?

Tuloy pa rin ang pagtunog nito at tinaas ko na ang mga unan. Until gotcha! Nakita ko rin ito at agad kong pinindot yung answer button.

"Sis!" excited at malakas na bati ng kaibigan kong si Juris Velasco na nasa kabilang linya. "Kanina pa ako tumatawag sayo ha. Ang tagal-tagal mong sagutin."

"Chill! Ito na nga ako oh. Sinagot ko na. Sorry kagigising ko lang." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Sis naman, magtatanghalian na oh. Tapos ngayon ka lang nagising."

"Well, you won't believe it. Pero sobrang ganda ng palaginip ko."

"Malamang si Jeric na naman siguro ang napalaginipan mo?"

"You definitely know me. Bestfriend talaga kita!"

"Hay nako sis! Naririndi na nga ako kaka-Jeric mo eh." pabiro nyang sabi.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon