CARRIE'S POV
Wala na akong nagawa sa sinabi niya. Ang cute lang tignan na nasa kanya yung bag ko. Gentleman pala talaga ang crush ko. Dagdag pogi points na naman 'to sa akin.
Sumabay lang ako ng paglalakad sa kanya at ang weird lang kasi feeling ko lahat ng tao, napapatingin sa amin. Hala! Nakakahalata na ba sila na si Jeric ang kasama ko?
"Sorry, hindi kita madala sa exclusive mall kasi baka masyadong gabihin tayo ng uwi at hanapin ka sa inyo. Napapatingin lang sila kasi I'm wearing shades kahit nasa loob na ako ng mall." napapatawa nyang pag-explain sa akin.
"Kaya pala. Akala ko kasi nakakahalata sila sayo eh."
"Hindi yan. Basta act naturally." tsaka siya ngumiti ng sobrang lapad. Omo! Yung killer smile niya. Kinikilig na naman tuloy ako.
"Nga pala, how did you know na dun yung school ko?" pag-iiba ko ng topic. Curious kasi ako kanina pa.
"Hmmm.. let's just say, I have my ways." tapos nag-smirk siya. Hindi niya rin sinagot ang tanong ko eh.
Dito kami umupo ni Jeric sa may row na kami lang yung tao at pinili niya yung sa may gitna para hindi kami mapuna ng mga tao. Tinanggal niya na yung suot nyang shades at cap.
Kahit madilim, kitang-kita ko pa rin ang gwapong mukha ng lalaking 'to. Ang swerte ko lang talaga. Who would have thought na magugustuhan ako ng artistang pinapangarap ko?
"Sobrang hirap naman ng ginagawa mo." hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin sa kanya.
"Sa pagdisguise ko?" mahina nyan tanong sa akin.
"Uhm.."
"Disadvantage of being a celebrity." parang nakaramdam ako ng lungkot habang sinasabi niya yan.
"Pero ang rami mo namang napapasayang ibang tao dahil sa pagiging artista mo." mahina kong pagcheer-up ko sa kanya kasi baka marinig nung iba yung pinag-uusapan namin.
"Sana, kasi pangarap ko rin naman 'to."
Nanuod lang kami ng movie tapos after nun back to disguise mode na naman si Jeric at lumabas na kami sa sinehan.
"Kain muna tayo tapos after, hatid na kita sa inyo."
Tumango naman ako sa kanya at sinabayan siyang maglakad.
Humanap na kami ng table at siya yung umorder para sa amin. Ang sweet at ang gentleman talaga niya.
JERIC'S POV
Pabalik na ako sa table namin dala yung pagkain na inorder ko. It's really my pleasure na pagsilbihan ang prinsesa ko. Buti na nga lang hindi na siya medyo naiilang sa akin.
"Mas masarap talaga yung steak na kinain namin ni Rein sa The Kitchen." hindi ko mapigilang mag-comment dun sa kinakain ko kasi totoo naman. Yung kinain kong steak doon ang the best steak na natikman ko sa buong buhay ko.
"Really?" at medyo napangiti siya sa sinasabi ko. But I'm not kidding anyway.
"Absolutely." determinado kong sabi. "I guess they only have the best and gorgeous chef which is infront of me." tsaka ako ngumiti sa kanya.
Nanlaki yung mga mata niya at medyo nasamid siya. Uminom agad siya ng konting tubig. Pero kahit ganoon, ang elegante pa rin nyang gumalaw.
"Hey! How did you know that I'm the chef of that restaurant?" nagtataka nyang tanong sa akin.
"Not just the best and gorgeous chef of that restaurant but also a sexy, intelligent, running for Cum Laude, outstanding student and the owner of The Kitchen." dagdag ko pa.
Lalong nanlaki yung mata niya at nahihiya siya. Ang cute naman ng prinsesa ko.
"Hey mister! Did you investigated me?" tumaas yung kilay niya pero napapatawa siya.
"I've told you, I have my ways." nang-aasar kong sabi sa kanya.
Habang kumakain kami puro lang kwentuhan at asaran. Buti hindi na awkward at medyo nasasanay na siya sa akin. Ang cute niyang asarin at ang sarap-sarap nyan kausap. Napaka-clear at distinct ng boses niya and the way she laughs, kahit siguro walang nakakatawa.. marinig ko lang yung tawa niya, matatawa at mapapangiti na rin ako. Ilang araw pa lang kaming magkasama ni Carrie pero she's totally different from my previous girlfriends.
Buti hindi na kami na traffic pauwi at mabilis kaming nakarating sa bahay nila. As expected, nagulat siya kasi alam ko yung bahay nila. Hindi ko na suot yung shades ko kasi gabi na naman at private subdivision yung tinitirhan ng prinsesa ko.
"Masyado ka ng maraming alam tungkol sa akin, mister." nakataas na naman yung kilay niya sa akin. Kapag inaasar niya ako napaka-formal talaga niya akong i-address.
Ha, tignan natin ngayon, "I'm just only and very much attracted to you, misis." at kumindat ako sa kanya.
Namula talaga ang prinsesa ko sa sinabi ko sa kanya. "Hmmm.. uwi nako. Thank you so much. I really had fun." paalam ko sa kanya.
"Thank you rin, Jeric. Ingat sa pag-drive ha." Ako yung kinilig nung tinawag niya yung pangalan ko eh.
"I will, good night Carrie." nakangiti kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...