CARRIE'S POV
Andito na kami sa mall ni Rein ngayon. Nakakatuwa lang talaga 'tong kapatid ni Jeric kasi halos parehas kami ng hilig at gusto. Ang rami na naming dalang shopping bags. Bumili kami ng mga dress, doll shoes at signature bags.
"Rein, pwede ba tayong dumaan sa Araneta Colliseum saglit? I want to surprise your kuya. Baka hindi pa kasi siya nakakapag-lunch." sabi ko kay Rein habang nagpapa-manicure at pedicure kami dito sa Posh Nail.
"Sure ate. Sobrang swerte talaga sayo ni kuya." nakangiti nyang sabi sa akin.
After namin sa Posh Nail, pumunta muna kami sa Max's Restaurant para mabilhan ko ng lunch ang mahal ko. After noon, dumiretso na kami sa Araneta Colliseum.
Sobrang busy ng mahal ko ng dumating kami. May katabi siyang magandang babae at parang seryoso yung pinag-uusapan nila. Siya siguro yung manager niya na kadadating lang galing Korea.
"Kuya!" nakangiting tawag sa kanya ni Rein.
Parang nagulat ang mahal ko ng nakita niya kami. Binitawan niya muna yung papel na hawak niya at nakangiti siyang lumapit sa amin.
"I miss you, kuya!" tsaka yumakap siya sa kapatid niya. Nakangiti naman nyang binaling yung atensyon niya sa akin, "Hey beautiful!" tsaka niya ako hinalikan sa noo.
"So kamusta ang lakad ninyo?" tanong niya sa aming dalawa ni Rein.
"It's good kuya. Ang sarap talaga kasama ni ate Carrie." sagot ni Rein.
"That's good. Ikaw mahal ko, kamusta?"
"Ok lang ako mahal. Kumain ka na ba ng lunch?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa mahal ko. Gutom na nga ako eh."
"Tama pala ang pagbili ko sayo ng lunch." tsaka ko pinakita sa kanya yung pasalubong ko. "Kain ka muna mahal ko."
"Ang sweet talaga ni ate Carrie nuh kuya?! Alam mo ba kanina ka pa iniisip nyan ni ate habang nasa mall palang kami." diri-diretsong kwento ni Rein. Medyo nahihiya tuloy ako.
"Swerte ko lang talaga sa mahal ko." hinawakan niya yung isang kamay ko at hinalikan. "Thank you, mahal ko!" nakangiti niyang sabi sa akin. "Oh, I almost forgot ipapakilala nga pala kita sa manager ko." binitawan niya agad yung kamay ko at lumapit sa sinasabi niyang manager. Ewan ko kung tama 'tong nararamdaman ko pero parang nakakaramdaman ako ng selos.
Lumapit na siya sa amin kasama yung manager niya, "Carrie, I'd like you to meet my hmm.. let me say my so-good manager, Sandy. Sandy, this is my girlfriend, Carrie." nakangiti niyang pagpapakilala sa manager niya.
"Loko ka. Mabait naman talaga ako." sabi nung Sandy at siniko niya si Jeric sa tiyan. Tawa naman ng tawa si Jeric. So kailangan meron pang sikuhan?
Nilahad niya yung kamay niya sa akin, "Nice to meet you." nakangiting sabi niya. Kahit medyo naiinis ako, pilit akong ngumiti at nakipagkamay sa kanya.
"And of course, kilala mo na naman si Rein di ba?" tanong ni Jeric dun sa manager niya.
"Ikaw na ba yan Rein?" parang namangha niyang sabi.
"Yes tita!" nakangiti namang sagot ni Rein.
"Dalagang-dalaga kana." muling sabi ni Sandy. Ok! So OP ako. Parang pinagsisisihan ko ang pagpunta dito ha. Alam ko ang childish ko pero nakakaramdam talaga ako ng selos. Kahit kasi may lumalapit na babaeng fans ni Jeric hindi naman ako nagseselos, siguro ngayon lang kasi sobrang close nitong Sandy na 'to sa mahal ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...