To Infinity and Beyond 6

60 4 2
                                    

JERIC'S POV

After noong meeting namin ng ka-business partner ni daddy kahapon, hindi na maalis sa isip ko si Carrie. Na love at first sight nga yata ako sa kanya. Ang simple lang niyang tignan pero sobrang ganda niya. Sa sobrang rami kong naging girlfriend, parang dito sa babae na 'to ako sobrang nag-isip kahit hindi pa kami.

Nandito ako ngayon sa bagong sportscar na pinangako sa akin ni dad kapalit nung business meeting na yun kahapon. Iba talaga sa pakiramdam kapag nasa loob ka ng bagong kotse. I'm on my way sa studio para makapagrecord ng bago kong CD to be release soon.

Pinag-aralan ko yung bagong kanta na kasama sa album ko entitled, "For the first time." Nung matapos kong pag-aralan yung kanta, agad ko na itong nirecord.

♫ For the first time I am looking in your eyes
For the first time I'm seein' who you are
I can't believe how much I see
When you're lookin back at me
Now I understand why love is...
Love is... For the first time... ♫

Habang kinakanta ko yung lyrics na yan, naalala ko na naman si Carrie. Hay grabe! Tinamaan nga yata talaga ako ng sobra sa kanya.

"Sir, good morning po!"

Nagulat ako ng binati ako ng personal assistant ko na si George Cheng.

"Kanina ka pa dyan?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Opo sir, kanina pa rin po ako kumakatok kaso hindi naman po ata ninyo naririnig kaya pumasok nalang po ako. Mukhang malalim ang iniisip ninyo sir ha?"

"Wala naman masyado." nasabi ko nalang sa kanya. Para kasing kaibigan na din ang trato ko dito kay George. Ever since siya na kasi ang personal assistant ko. "So, did you got it?" medyo excited kong tanong sa kanya.

"Absolutely sir." tsaka niya inabot yung brown envelope sa akin.

"Thank you, George!" Finally, I will know everything about her. Tapos umalis na sa harap ko si George. Excited na akong buksan yung brown envelope. Yes, I want to check her background and know everything about Carrie Geronimo. Anong magagawa ko, sobra akong naging attracted sa kanya. Carrie, hindi mo alam kung anong ginawa mo sa akin!

"Kuya!" excited at pasigaw na bati sa akin ng younger sister ko.

"Lower down your voice please." kasabay ng pag-irap ko sa kanya at tinago ko muna yung brown envelope na hawak ko dun sa drawer ng table ko.

"Sungit talaga" lumapit siya sa akin at niyakap ako, "I miss you, kuya!"

"Ang OA mo, Rein. Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita ha?" Pero minsan hindi talaga kami nagkikita ng kapatid kong 'to dahil hectic ang schedule ko at busy din kasi siya minsan sa school niya. She's a 2nd-year college student sa Ateneo Manila taking up Tourism. Pero kahit maingay, makulit at pasaway 'tong kapatid kong 'to, mahal na mahal ko 'to. Sobrang close kami ni Rein and she knows everything about me as I know everything about her too.

"Eh sa namiss kita kuya eh." humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin at nag-crossed ng arms.

"Ito naman, nagtampo agad. Come on, ililibre kita para makabawi naman ako sayo."

"Talaga kuya?" biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Oo nga. Ayaw mo ba?"

"Kuya naman. Hindi mabiro eh. Lika na kuya." sabay hila sa kamay ko.

"Wait." tsaka ko sinuot yung shades at cap ko. As usual, disguise mode para hindi pagkaguluhan ng mga fans.

"Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko sa kapatid ko habang nasa kotse na kami.

"I heard kuya may bagong bukas na restaurant sa Boulevard. Could we give it a try?"

"Sige, para maiba naman."

"Yes kuya, tsaka konti at class daw masyado yung mga tao dun so no need for you to disguise."

* * * * * * *

Nandito na kami sa The Kitchen, ito yung bagong bukas na restaurant na sinasabi sa akin ng kapatid ko. In fairness may taste ang may ari nito at ang elegant ng dating. Nakaka-enganyo din ang ambiance dito at parang sobrang nakaka-relax.

Tama din ang sinabi ni Rein kasi konti lang ang tao dito at sobrang formal kaya tinanggal ko na rin yung suot kong shades at cap.

Umorder na kami ng kapatid ko ng pagkain at grabe ang service nila. Sobrang bilis. Parang after five minutes na served na agad nila yung inorder namin.

Walang nagsasalita sa amin ni Rein habang kumakain. Sobrang sarap lahat ng inorder namin. Yung steak, yung fries and even yung dessert. Ibang klase! Parang ngayon lang talaga ako ginanahan kumain ng ganito.

"What do you think kuya?" nakangiting tanong sa akin ng kapatid ko.

"Heaven." yun nalang ang nasabi ko sa sobrang sarap.

"I agree kuya. Sobrang sarap talaga!" with full expression niyang sabi.

Nagkwentuhan muna kami ni Rein about sa school niya at tinanong niya din ako sa bagong album ko.

"Kuya naman eh! Nakikinig ka pa ba?"

Napabalik yung atensyon ko sa kapatid ko. May nakita kasi akong babaeng nakaupo sa dulo na kamukha ni Carrie. Ok! Siya na naman ang nasa isip ko. "I'm sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" pagbabalik ng atensyon ko kay Rein.

"Sabi ko kuya, meron kaming tour sa Tagaytay."

"Oh, so what's the problem? Sumama ka."

"Gusto sana kitang isama kuya eh. Kaso alam ko naman na it's impossible."

"Look Rein, alam mo na naman ang sagot di ba? Hayaan mo kapag nag-out of the country tayo, babawi sayo si kuya." pagchi-cheer- up ko sa kanya.

"Hay kuya, artista kana talaga. Hindi na kita makasama palagi. Namimiss ko na yung bonding natin tulad nito kuya. Tapos sila mommy at daddy palagi namang busy sa work. Nakakalungkot lang sa bahay tapos palagi ko lang kasama yung mga maids kasi gabi na kayo umuuwi."

"Nagtatampo na naman ang kapatid ko oh. Di bale, makaluwag lang ang schedule ko, magba-bonding ulit tayo and I'll try umuwi ng mas maaga."

"Promise yan kuya ha?"

"Oo, promise Rein."

"Kuya, comfort room lang ako saglit."

Tumango ako sa kanya at naglakad na siya agad pa punta sa comfort room. Pinagmasdam ko na naman yung babaeng nakaupo sa dulo at hindi ko mapigilang lumapit sa kanya para mapatunayan ko kung siya ba talaga si Carrie.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon