To Infinity and Beyond 30

45 3 0
                                    

Papunta na kami sa backstage nila Rein at Juris para i-wish ng good luck ang mahal ko. Sobrang excited na akong makita siya kasi hindi pa kami nagkikita simula kanina dahil sobrang busy siya para sa concert niya.

Nakatalikod siya ng pumasok kami sa dressing room niya at nag-aayos siya ng buhok niya. He's wearing a black suit. Likod pa lang ng mahal ko eh, gwapong-gwapo na ako, what more kapag humarap 'to! :)

"Kuya!" excited na tawag ni Rein sa kanya at ito na nga, humarap na ang mahal kong nakangiti sa amin. Omo! Kahit araw-araw kaming nagkikita nitong mahal ko, nakaka-star struck pa rin talaga.

"Glad that you're all here." nakangiti nyang sabi sa amin pero pakiramdam ko medyo kinakabahan siya.

"Good luck, kuya." tapos niyakap siya ni Rein.

"Thank you pala ulit sa ticket, Jeric. Galingan mo mamaya. Fighting!" parang cheer leader na pagkakasabi ni Juris.

Lumapit naman ako sa kanya at inayos ko yung buhok niya, "Don't be nervous, mahal ko." sabi ko sa kanya

Yumakap siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.

"Alam kong kayang-kaya mo yan, mahal ko. Nagpractice ka ng matagal para dito di ba?" hawak-hawak ko yung kamay niya habang sinasabi ko 'to.

"Uhm.." tapos tumango siya sa akin.

"I love you, mahal ko." tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.



JERIC'S POV

Talaga bang hinalikan ako sa pisngi ng mahal ko?!

"Ayie!!" kinikilig yung kapatid ko at si Juris.

So seryoso nga. First time akong hinalikan ng mahal ko. It sounds so gay pero kinikilig talaga ako. Parang nawala tuloy yung kaba ko.

"Mahal, isa pa nga. Para pantay." request ko sa kanya habang turo ko yung isang pisngi ko.

Siniko niya ako sa tiyan, "Abusado ka" tapos umirap siya sa akin. I'm sure she wouldn't do it. She's just my shy type girlfriend yet so possesive over me. I just like her the way she is and I'm damn in love with this girl.

Bago mag-start yung show, nagdasal muna kaming lahat. Pagkatapos noon lumabas na sila Carrie at pumunta na sa seats nila.

Lumabas ako ng stage gamit yung elevator, kasabay nung pagsindi ng mga fountains sa harap. Napuno ng sigawan at tilian ang mga tao. Punong-puno ng mga tao yung Araneta. Sold out yung concert ko at nakikita ko yung tarpaulin na hawak ng mga fans ko na may kasamang picture ko pa.

May mga pamilyar na mukha dito sa harapan, nandito yung ibang showbiz friends ko, mga nakasama ko sa gig dati, ang mga bigateng bosses ng VN Media, syempre ang manager ko na si Sandy Bum, ang mga record producers ng album ko at composers, nandito din pala sila Tito Fred at Tita Ariel, si Juris, ang kapatid ko at syempre ang magandang mahal ko.

Then the show started.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon