To Infinity and Beyond 12

42 3 0
                                    

CARRIE'S POV

"Bye, best!" paalam ko kay Juris. Buti nalang at uwian na namin. Wala kaming assignment ngayon kaya makakapag-focus ako magresearch ng mga recipe.

Palabas na ako ng gate nang makita ko yung eleganateng sports car na parang nakita ko na dati. Hindi ko masyadong makita pero parang may lalaking nakasandal doon.

Nang tuluyan na akong makalabas, "Sobrang gwapo naman niya!" bulong ng isang babaeng kasabay kong maglakad.

"Take note, naka-shades pa yan! What more kung wala siyang shades." sagot naman nung kausap niya.

Napatingin tuloy ako dun sa pinag-uusapan nila. Isang gwapong lalaking naka-shades at nakasandal doon sa sports car niya. Yung isang kamay niya nasa bulsa niya lang at ang cool-cool nyang tignan.

"Hi!" bahagya siyang kumaway at ngumiti sa akin. Omo! Yung killer smile na yun at ang husky voice na yun! Parang nag-iinit na naman yung buong mukha ko.

"Hala! Sobrang swerte naman ni ate!" narinig kong bulong nung babaeng nasa likod ko.

"Hey!" lumapit siya sa pwesto ko at ngumiti muli. "How's your day?" tanong niya sa akin. Hala! Spell tulala.. A-K-O.

"A-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ok! Buhol-buhol na naman ang dila ko.

"Bakit ayaw mo ba ako dito?" tsaka siya nag-pout. Ang cute niya, parang bata! "Come on." hinawakan niya yung isang kamay ko at kinuha niya yung mga books na dala ko.

Wala akong magawa kundi magpahila sa kanya. Tinignan ko lang yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Gosh! Kinikilig na talaga ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at umupo ako dun sa may passenger's seat. Pag-upo niya sa driver's seat, nilagay niya yung mga books ko doon sa likod ng upuan at tinanggal na niya yung cap at shades na suot niya. Black tinted naman yung mga salamin ng sports car niya kaya walang makakapansin sa kanya sa loob. Ang bilis-bilis lang talaga ng tibok ng puso ko.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon