To Infinity and Beyond 22

41 3 0
                                    

JERIC'S POV

Yung gabing sinabi ko kay Carrie, hindi ko na siya napuntahan. Sobrang sakit ng ulo ko noon at hanggang ngayon, nilalagnat pa rin ako at nahihilo. Ang tanda ko lang na natext ko noon eh si Rein bago na lowbat ang cellphone ko. Hindi ko man makita-kita yung charger ko at wala naman akong mautusan ngayon dito sa bahay. Pinayagan kasi nila mommy mag 2 days-leave yung mga maids namin dahil last week hindi na nila nabigyan ng day-off. Si Rein, hindi naman makauwi kasi meron silang case study na tinatapos. Sila mommy at daddy naman, as usual busy sa business.

Sinong may sabing nasa akin na ang lahat di ba? Eh ngayon na kailangan ko ang pamilya, wala sila.

* * * Tok! Tok! Tok!

Tsk! Tsk! Sino naman kaya yun? Hay bakit ba naman kasi ang hirap mag-isa. Naiinis akong lumapit sa may pintuan at umalalay ako sa gilid ng hagdan kasi nahihilo pa rin ako.

Nagulat ako ng mabuksan ko ang pinto at agad niya akong niyakap. Niyakap ko naman din siya ng sobrang higpit. Feeling ko, swerte pa rin talaga ako. Hinalikan ko siya sa noo at marahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

Tinignan niya ako at may tumutulong luha sa mga mata niya. First time kong makitang umiyak si Carrie at ako ang may kasalanan nito, "Sorry, hindi na kita na sundo nu—" pagpapaliwanag ko sa kanya pero hindi na niya ako pinatapos at niyakap niya na ako ulit.

"I miss you" sabi niya sa akin. Napangiti tuloy ako. Nag-alala siya sa akin ng maigi. "Miss na miss na din kita, mahal ko." at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Inalalayan niya akong bumalik sa kama at kinumutan. "Rest for a while. Ipagluluto lang kita saglit." sabi niya sa akin. Tumango nalang ako sa kanya kasi nahihilo pa rin ako. Ang alam ko lang, safe na ako kasi nandito na ang mahal ko.



CARRIE'S POV

Kawawa naman si Jeric. Wala man lang nag-aasikaso sa kanya. Nalaman ko na may sakit siya kasi nagtext sa akin kanina si Rein. Oo nagtatampo ako kay Jeric pero ngayon kailangan ko muna siyang alagaan at intindihin.

Bumalik ako sa room niya pagkatapos kong magluto ng soup. Nilapag ko muna yung bowl ng soup sa may side table niya. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hinawakan ko yung noo niya at mainit pa rin ito. First time kong pagmasdan ng gantong kalapit yung mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Sobrang kinis ng mukha niya, matangos yung ilong niya tapos yung labi niya parang sobrang lambot. Naalala ko kapag ngumigiti siya. Yung killer smile niya na hindi ko malimut-limutan.

"You can stare as long as you want, mahal." napaigtad ako ng dumilat yung mga mata niya. Nag-init tuloy bigla yung mukha ko.

"Kapal." at mahina kong tinapik yung tiyan niya, kahit totoo naman na tumititig ako sa kanya. Napatawa naman siya ng bahagya, "Lika na, higupin mo na muna 'tong niluto ko sayong soup."

Tinulungan ko siyang makaupo at inayos ko yung unan sa likod niya. Pansin ko pa rin na nanghihina siya kaya ako na yung nagsubo sa kanya nung soup.

"Thank you so much mahal ko." sabi niya pagkatapos kumain at pina-inom ko na siya ng gamot.

"How did you know na may sakit ako?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hmm.. nagkatext kami kanina ni Rein. Then she told me everything."

"Uhmm." tsaka siya tumango. "Sorry hindi na kita na sundo at–"

Hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin niya. "Ssshh..... For now, you have to take a rest. We'll talk about it kapag ok kana ha?" Gusto ko lang na makapagpahinga siya at mabawi yung lakas niya. I know he can explain everything to me. Masyado lang akong negative at kung anu-ano ng inisip ko nung time na hindi siya nagpakita sa akin.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon