To Infinity and Beyond 42

31 2 0
                                    

Sa kanya-kayang bahay kami nagcelebrate ng New Year. Nakakatuwa kasi ito yung New Year na magkakasama kami nila mommy, daddy at Rein.

* Carrie calling...

Pinindot ko agad yung answer button, "Mahal, thank you sa flowers at pizza. Tuwang-tuwa sila mommy eh." pinadalhan ko kasi siya ng boquet ng flowers at yung napakalaking size ng pizza.

"Always welcome, mahal ko."

Nagsimula na ding mag-countdown at magkausap pa rin kami ng mahal ko.

3...

2...

1...

"Happy New Year, mahal ko! I love you." sabi ko sa kanya.

"Mahal na mahal din kita, Jeric ko." and then we ended the call.



CARRIE'S POV

Nakakatuwa kasi kasama ng aking mahal ang parents niya ng New Year. Buti nalang nag-extend ng bakasyon sila tito at tita.

Tapos na ang Christmas vacation at balik school na naman ako. Nakakalungkot lang kasi hindi pa rin kami nagpapansinan ni Juris.

"Ms. Geronimo, you'll be partner with Mr. Richard for your narrative report about the dish." sabi nung teacher namin. Ito na yung final requirement namin para sa course na 'to. Sa wakas, konti nalang at makaka-graduate na din ako.

"Yes ma'am!" sagot ko sa kanya.

"Hello" umupo sa tabi ko si Tyrone Richard Pinagtabi na kasi ni ma'am yung mga magkakapartner.

"Hi!" mahinang tugon ko sa kanya. Si Tyrone pala, he's been my classmate for almost 2 years. Tahimik lang 'to sa klase kaya hindi kami nito nakakapag-usap pero feeling ko naman mabait siya.

Binigyan kami ng time para pag-usapan at planuhin yung gagawin naming mga dishes. Infairness, marami din palang idea 'tong partner ko. Ang creative lang din ng mga naisip niya kaya feeling ko, hindi ako mahihirapan na kapartner ko siya.

After ng klase ko, umuwi na din ako. Hindi ako nasundo ng mahal ko kasi nagrerecord siya ng kanta dun sa album niya. Natambakan siya ng trabaho dahil doon sa mga nakaraang holidays. Nakaka-awa naman ang aking mahal kaya nga mas hinahabaan ko yung pang-unawa at pasensya ko sa kanya. But I badly miss him.

Hindi ko naman siya tinitext kasi ayoko din naman siyang maistorbo sa trabaho niya. Instead, I'm waiting for his text hanggang sa makatulog ako.

* * * * * * *

Pagkagising ko, sinabi sa akin ni mommy na may padala sa akin si Jeric. Sobrang excited akong bumaba at nakita ko yung cute na white teddy bear. Nakakatuwa kasi may kasama na yung malaking teddy bear na binili niya sa akin dati nung nagpunta kami sa rest house nila sa Palawan. Naalala ba ninyo yun?

Hinawakan ko yung teddy bear at nung hinimas ko yung tiyan nito, nagulat ako kasi tumunog ito.

- I miss you, mahal! I miss you!-

Napangiti ako at pinindot ko ulit yung tiyan nito.

- I miss you, mahal! I miss you!- sabi ulit nito.

Pinaulit-ulit ko yung pagpindot sa tiyan ng teddy bear. Ang sarap ulit-ulitin. Nakakamiss ang boses ng mahal ko. Nakakamiss na siyang kausap. :(

Tinawagan ko siya para makapagpasalamat sa gift niya pero hindi ko siya ma-contact. Sobrang busy talaga ng mahal ko.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon