To Infinity and Beyond 47

32 1 0
                                    

JURIS' POV

"Bwisit kang lalaki ka! Mas pinili kita sa best friend ko tapos ganto ang gagawin mo sa akin! Bwisit! Bwisit!" at pinagsasampal ko siya sa mukha.

Nahuli ko kasing may kayakap siyang babae kaya hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sugurin siya.

"At ikaw babae, ang landi mo!" at sinabunutan ko yung babaeng kasama niya.

"Huwag ka ngang mag-eskandala dito, Juris!" awat sa akin ni Richard. "I don't really love you. It was just for a bet." sabi niya sa akin at umalis sila sa harap ko.

Hindi ko na mapigil ang sarili ko at panay na ang agos ng luha sa mukha ko.

Tama nga ang sabi ng best friend ko. Ang t*ng* ko kasi naniwala ako dun sa lalaking yun.

"Use this" at may nag-abot ng panyo sa akin. Nandito ako sa may park at nakaupo ako sa may bench.

Tumabi sa akin yung lalaki at pinahid yung luha sa pisngi ko, "Kung sino man yung lalaking nagpaiyak sayo, g*g* siya."

Hindi pa rin ako sumagot sa kanya at tinignan kong mabuti yung mukha niya. Para kasing nakita ko na siya kung saan eh.

"I'm Tyrone, nga pala." at nakangiti niyang nilahad yung kamay niya.

"Juris" at nakipagshake-hands ako sa kanya.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon