Maaga akong nagising at sobrang saya ko pa rin dahil sa mga nangyari kagabi.
Itinaas ko yung kamay ko at napangiti ako lalo na ng makita ko ang engagement ring na binigay sa akin ng mahal ko. Para pa rin akong nasa ulap ngayon. Hindi ko pa rin lubos maisip na malapit na akong ikasal kay Jeric.
Tapos na akong maligo at nakasuot na ako ng pambahay ng marinig ko ang tawag ni mommy.
Agad ko namang binuksan yung pinto.
"Good morning, anak! Pinabibigay daw ni Jeric 'to." nakangiting sabi ni mommy at inabot sa akin yung kahong kulay puti na may sticky note at may nakasulat na:
{"Wear this. I see you later, mahal ko. I love you."}
Ang mahal ko talaga! Ano na naman kaya 'tong pakulo nito? Hindi na talaga siya naubusan ng surprise sa akin.
"I love you, anak." tapos niyakap ako ni mommy. Ang weird ng mommy ko ngayon. Lalong naging sweet dahil malapit na ata akong ikasal.
"I love you too, mommy." sabi ko sa kanya at pagkatapos noon eh lumabas na siya sa kwarto ko.
Binuksan ko na yung puting box na padala ni Jeric at tumambad sa akin ang napakagandang wedding gown. Sobrang ganda nito. Simpleng tube yung pang itaas at may mga kumikinang na beaded embroidery. Napaka-elegante din ng dating at meron itong ribbon na nagsilbing belt sa gitna. Kung hindi nga ito binigay sa akin eh parang ako talaga yung pumili. Wala talaga akong masabi dito sa mahal ko eh, pati ba naman wedding gown.. ready na.
Ibinalik ko na yung takip ng kahon at nabasa ko ulit yung message na nakadikit dito.
{"Wear this. I see you later, mahal ko. I love you."}
"I'll see you later... later..." paulit-ulit na sinasabi ng utak ko at nanlaki ang mata ko. "Omo! Are we going to get married later?"
Agad kong kinuha yung cellphone ko at natatarantang tinawagan ang mahal ko. Buti nalang at sinagot niya agad.
"Hello mahal! Good morning!" cool na cool na bati niya sa akin.
"Hey mahal, nareceive ko na yung box na padala mo. Why do you want me to wear that gown later? Are we going to get married later?" diri-diretso kong tanong sa kanya.
"Yes mahal. Di ba nagpropose na ako sayo kagabi, tapos pumayag ka na naman. What's wrong with that? Are you changing your mind hmm?"
"Hindi naman sa ganoon mahal. Hindi naman magbabago ang sinabi ko sayo at gusto kong magpakasal sayo, kaso talagang mamaya na mahal? As in?"
"Yes mahal. Absolutely."
"Kaso mahal, paano yung church, mga bisita, reception—" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"You're overthinking mahal ko. Trust me, I already prepared everything."
"Pero mahal.."
"Stop it mahal ko. I'll see you later. I love you." tsaka niya in-end yung call. Just wow! Seryoso ba talaga ang mahal ko? Bigla tuloy akong kinabahan pero mas nangingibabaw sa akin yung excitement.
Pagkatapos namin mag-usap ng mahal ko, agad na dumating sa kwarto ko si Pat McGrath. Siya yung isa sa prominenteng make-up artist ng Amerika at sila Jennifer Lopez lang naman ang mga inaayusan niya. Siya din pala yung global cosmetics creative design director ng Procter & Gamble's ngayon. I can't believe na siya yung mag-aayos sa akin.
Dumating din si Liz Uy, ang famous sylists ng Pilipinas at si Bonheur Chanel, isa sa magaling na French fashion designer, at ang may ari ng sikat na brand na 'Chanel'. Dala-dala nila yung sapatos at mamahaling accessories na gagamitin ko.
Nang matapos na nila akong ayusan, tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Sobrang fit sa akin yung gown na suot ko. Ang light lang ng make-up ko pero pakiramdam ko sobra akong nag-glow. Hindi ko talaga mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko. I can't wait to see him. I can't wait to say "I do".
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...