CARRIE'S POV
Andito na ako sa bahay namin ngayon. Grabe lang talaga, dalawang beses na kaming nagkikita ni Papa Jeric at na meet ko pa yung magandang kapatid niya. Buti na nga lang nandoon yung kapatid niya eh, kung hindi parang ang awkward sa amin dalawa at baka tanda buhol-buhol na naman ang dila ko plus matinding pagpaparty ng mga dragons sa tiyan ko. I don't know but he's driving me damn crazy!
* * *Tok! Tok! Tok!
Napabaling sa atensyon ko yung kumakatok sa pinto at binuksan ito.
"Kamusta ang restaurant nak?" si mommy na pumasok at umupo sa gilid ng kama ko.
"Ayos naman po mommy. Nagpunta ako dun kanina tsaka nagresearch ng mga recipe na pwede kong gawan ng sarili kong version."
"That's good anak."
"Tsaka mommy nagkita ulit kami ni Jeric. Nagpunta siya sa restaurant kanina."
"Really?" parang nabiglang tanong ni mommy.
"Yes ma at nakilala ko rin yung younger sister niya."
"Mukhang dumadalas ang pagkikita ninyo ng Prince Charming mo ha?" pang-aasar ng mommy sa akin.
"That's fate ma." natatawa kong paliwanag kay mommy.
"Ikaw talaga." tsaka niya ginulo yung buhok ko. "Nga pala, did you already sign the application for your master's degree in US?"
Oo nga pala buti nalang pinaalala sa akin ni mommy. "Not yet ma. I'll do it later."
"Sige, huwag mong kalimutan ha. Para daw ma follow-up na ng daddy mo yung registration."
"Yes ma. I will." Hindi ko na talaga kakalimutan mag-sign ng application at gagawin ko na yun mamaya. Gusto ko talaga kumuha ng short course sa US about Baking, Pastry and Culinary Arts. Siguro one month lang yun, sayang din kasi yung opportunity tsaka alam naman ninyo kung gaano ko kamahal ang pagluluto at pagbi-bake. After pa naman ng graduation ko dito before ko i-take yung course na 'to para less hassle.
"Ok anak. Baba muna ako, magpre-prepare muna ako ng dinner natin. Tatawagin kita pag dumating na yung daddy mo. Paalam ni mommy at umalis na sa kwarto ko.
Nagbeep yung cellphone ko at agad kong binuksan yung message.
│From: Unknown Number
Ate, this is Rein. Salamat po talaga kanina. Enjoy ako ng sobra ate. Bonding po ulit tayo soon. │
Ang sweet talagang bata ni Rein at take note, kapatid ng aking pinakamamahal na si Jeric. Sana kuhanin din ni Jeric ang number ko kay Rein at magtext siya. Hay! Ok.. Asa-asa din pag may time. Malabong mangyari yun. Artista siya at sobrang layo ng level naming dalawa.
"Pero sinabihan ka niyang maganda" pagsagot ng kabilang parte ng isip ko.
"Kasi nga, artista siya. Sana'y na siyang gumamit ng mga ganoong lines." ayaw magpatalo nung kabilang parte ng isip ko.
"Ok! Ayokong mag-expect. Baka nga sweet lang talaga siya." naibulong ko nalang sa sarili ko.
Nagtype na ako bigla sa cellphone ko.
│Ako rin, sobrang saya! Salamat din. I'll see you soon. Good night [Sent to: Rein]│
Pagkatapos nun, bumaba na ako at sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Kinamusta din ni daddy yung nangyari sa akin buong araw at nalaman kong sobrang busy si daddy sa company namin kasi inaayos na yung merging ng company namin at nung kila Tito Lee. Ganoon pa man, sobrang thankful ako kay daddy kasi kahit anong busy niya, gumagawa pa rin siya ng time para makasama kami ni mommy.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...