To Infinity and Beyond 37

40 2 0
                                    

JERIC'S POV

After ng dalawang araw kong nakakabiting bakasyon, balik na naman ako sa celebrity life ko. Maraming reporter na nagtatanong sa naging bakasyon ko but I rather keep it within myself. I always want to have privacy with my family and with Carrie as much as I can kaya ibalato nalang nila sa akin yun.

Marami ding nag-offer sa akin ng commercial and movie pero tinanggihan ko yun. It's really not my thing, kuntento na ako sa pagkanta. VN Media is planning to release my third album as part of my successful concert and in December 28, I'm turning 23 years old.

Now, I'm having a mall tour in Montalban, Rizal. After kong kumanta, I signed CD's of my fans. I got to have some chance to greet them and took some photos with them. Isa sa dahilan ng successful career ko eh yung mga fans ko at malaking bahagi sila ng buhay ko. Kaya naman binibigyan ko din sila ng oras ko. Sila yung nagtatanggol sa akin kapag may mga bashers ako at botong-boto sila sa girlfriend ko. Ganoon pa man, kahit paano dumidistansya na din ako sa mga babaeng fans ko dahil ayokong magkaroon kami ng issue ng mahal ko tungkol dito.

Pagkatapos ng mall tour ko, excited kong sinundo ang aking mahal sa kanila. Meron kasi akong basketball game kasama yung ibang kaibigan kong artista. Si Christian Bautista yung nag-organize nitong event na 'to kasi hindi na daw kami madalas nagkikita-kita. Pribado din naman yung game kaya it's just really for fun.

Isa-isa kong pinakilala yung mga kaibigan ko kay Carrie at nakangiti niyang kinamayan ang mga ito.

"She's a goddess, pare" comment ni Daniel Henney.

"Absolutely pare and she's mine." balik ko namang sagot sa kanya.

"Ikaw yung unang babaeng pinakilala sa amin ni Jeric." comment naman ni Paul Han. Pero seryoso, siya ang unang babaeng pinakilala ko sa mga kaibigan ko at sa parents ko.

"Hindi nga?" narinig kong pagtatanong ni Carrie sa mga kaibigan ko at halata namang gulat na gulat siya.

"Seryoso kami. Maraming naging girlfriend yan si Jeric pero madalas fling-fling lang at hindi niya pinapakilala sa amin." I guess na explain na lahat ni Paul.

"Hey mister, you never told me about that." playful nyan pagkakasabi at nakangiti sa akin.

"Well now, you know how much I'm freaking serious about you., mahal ko." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh wow! You sounds so gay, pare." wikang muli ni Daniel Henney tsaka nagtawanan yung magagaling kong kaibigan.

"Ganyan talaga nagagawa ng in love, pare." sabat naman ni Bernard Park.

"Nakaka-inggit kayo ni Carrie, pare." si James Cruz naman.

"Hoy pare, kabubukas lang ng club ni Rayver ha. Inuman tayo." yakag sa akin ni Paul sabay akbay sa balikat ko.

"Nagbagong buhay na ako, pare." sagot ko sa kanya. Oo nga pala, simula ng dumating sa buhay ko si Carrie, hindi na din ako nag-iinom. Mas gusto kong kasama ang mahal ko kaysa sa alak.

"Ang raming nagbago sa buhay mo pare simula ng dumating si Carrie. You changed for the better. Now tell us, may kapatid ba si Carrie na babae para maligawan ko." si Danniel Henney.

"Too bad bro, solong anak lang si Carrie." tsaka ko tumawa sa kanila.

Pagkatapos ng mahabang kamustahan namin ng mga kaibigan ko, nagsimula na yung game. Mas motivated akong maglaro ngayon knowing na nanunuod ang mahal ko. Hindi din naman siya nailang kasi kasama niya naman yung ibang girlfriends ng mga kaibigan ko.



CARRIE'S POV

Ang messy na ng buhok ng mahal ko at tagaktak na ang pawis pero ang hot at gwapo pa ring tignan. Nakakatuwa lang kasi everytime na nakaka-shoot siya, kumikindat at ngumigiti siya sa akin.

Tapos yung nalaman ko pa sa mga kaibigan niya na ako yung unang babaeng pinakilala niya at natandaan ko yung sinabi sa akin ni Rein na ako pa lang yung girlfriend ng kuya niya na pinakilala sa parents niya. Gosh! He's freaking serious about me talaga.

Natapos yung game sa score na 95-99 at syempre, panalo ang aking mahal. Ang galing niya kaya talaga maglaro ng basketball.

Inasikaso ko agad ang mahal ko pagkatapos ng game nila. Pinunasan ko agad ang pawis sa mukha niya at pinainom agad ng tubig. I wonder how he manage everything like this. He's busy but he always have time for everything.

After noon, hinatid niya na ako sa amin.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon