To Infinity and Beyond 45

36 2 2
                                    

CARRIE'S POV

Dalawang araw na yung nakalipas simula nung nangyari sa supermarket at hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Jeric. I am expecting to get a message or call from him pero kahit isa wala. Miss na miss ko na ang mahal ko.

Is it already over? at kasabay ng pag-ulan eh ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ang sakit-sakit na din ng mga mata ko kasi parang araw-araw na din akong umiiyak. Ako lang din mag-isa sa bahay ngayon dahil sinama ni daddy si mommy sa business trip niya sa Malaysia.

Tinawagan na din nila ako after they've heard the news and I pretended that I'm ok. Ayaw kong mag-alala sila sa akin or problemahin pa nila ako dahil alam kong marami din silang iniisip.

Buti din Sabado ngayon kaya hindi ko muna kailangan isipin ang school. Kinuha ko yung dalawang teddy bear na binigay sa akin ni Jeric at niyakap ko ito.

It was a rainy day and I just got to thinking

Of how our lives had changed with all the years

This room was once alive with all your laughter

And when I heard the silence I called you right away

Now please don't say a word hear what I say

Love me like the first time again

Lets pretend that it's never gonna end

For one last night

Just hold me in the way you used to do

You know, love me like the first time and go

Is it my imagination are you lonely

Well I'm sorry but I thought you're sounding sad

I'm not trying to start a fire again please listen

If you're free at all tomorrow the next day who knows when

For the last time can we say goodbye as friends

Oh love me like the first time again

Lets pretend it's never gonna end

For one last night

Just hold me in the way you used to do

You know, love me like the first time and go

* * * * * * *

Namataan ko agad mula dito sa kwarto ko yung kotse ni Jeric. Sabi ko na nga ba eh, alam kong hindi siya basta-basta susuko sa relasyon namin.

Inayos ko yung sarili ko. Nagpulbos ako at sinuklay ko yung buhok ko. Namumugto pa yung mata ko kakaiyak ng ilang araw pero hayaan mo na, ang importante makakapag-usap na kami ng mahal ko.

Narinig ko na ang pagkatok niya sa pinto. Nagmamadali na akong bumaba. Alam kong siya na yun.

Nakangiti kong binuksan ang pinto at tama nga ako. Andito na sa harap ko ang taong gustong-gusto ko ng makita ng ilang araw, "Mahal" malambing na tawag ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko pero base sa itsura niya ngayon, parang hindi din siya nakatulog ng ilang araw. Bakas sa mukha niya ang eyebags at ang messy ng pagka-ayos ng buhok niya. Pero kahit ganoon, gwapo pa rin siyang tignan.

"Miss na mi—" sabi ko sa kanya pero hindi na niya ako pinatapos.

"Carrie, magbreak na tayo. Ayoko na." mahinang sabi niya sa akin at may nangingilid na ding luha sa kanyang mga mata.

"Carrie, magbreak na tayo. Ayoko na."

"Carrie, magbreak na tayo. Ayoko na."

Paulit-ulit na sabi ng utak ko at hindi ko na napigilang umiyak. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. "Please Jeric. I'm sorry. Please let me explain. Ayusin natin 'to." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Tama na Carrie. I've been faithful to you eversince na naging tayo tapos sa huli, ganto pala ang gagawin mo sa akin. Ayoko na Carrie. Pagod na ako." tsaka siya tumalikod sa akin at pumunta na sa sasakyan niya.

"Jeric, please!" tawag kong muli sa kanya pero pinatakbo na niya agad yung kotse niya.

"Jeric, please..." sigaw kong muli at hagulgol pa rin ako sa pag-iyak.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon