JERIC'S POV
Nagpaalam ako kila mommy at daddy na ipapasyal ko muna si Carrie at pumayag naman sila agad.
"Did you enjoy, mahal ko?" tanong ko sa kanya habang magkaholding hands kaming naglalakad dito sa park.
"Sobra, mahal ko." tsaka siya ngumiti sa akin. Medyo malamig na yung simoy ng hangin kasi malapit ng magpasko kaya hinubad ko yung suot kong jacket at pinasuot ko sa kanya.
Dinala ko siya dun sa may taas ng bridge na makikita mo yung city lights at view ng buong Palawan.
"Sobrang ganda dito, mahal!" she sounds so amazed and she really admired the beautiful view of the city.
"Beautiful as you are, mahal ko." nasa likod niya ako at niyakap ko siya.
"Thank you mahal ko for always making me feel special." sabi niya sa akin habang nasa bisig ko pa rin siya at hawak ko yung braso niya.
"You are always worth it, mahal ko." at nilagay ko yung ulo ko sa may balikat niya.
"I love you, mahal ko." seryosong pagkakasabi niya sa akin.
Hinarap ko siya sa akin, "Mahal na mahal din kita, Carrie." niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko ang noo niya.
Nagkwentuhan pa kami saglit tapos nagyakag na din akong umuwi.
"Come on mahal ko, pumasan kana sa akin." tsaka ako umupo at inoffer yung likod ko sa kanya. Feeling ko kasi pagod na din 'tong mahal ko sa sobrang rami naming ginawa kanina.
"Hey mister, I can handle myself." rinig kong sabi niya.
"Ok." tapos tumayo ako. Pumunta ako sa likod niya at binuhat ko siya. Yung parang buhat ng bagong kasal, "Sige, bubuhatin nalang kita." tsaka ako kumindat sa kanya.
"Hey, let me down." at nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Tsk! Ang kulit mahal ko. Ano papasan ka sa akin o bubuhatin kita?" nang-aasar kong sabi sa kanya.
"Ok, sige na papasan na." at tinaasan niya ako ng kilay. So cute mahal ko!
Marahan ko siyang binaba at pumasan na nga siya sa akin.
"Alam mo mahal ko, ang bigat mo." pang-aasar ko sa kanya.
"Hey mister! Ikaw ang may gusto nito and then you're complaining." pagtataray niya sa akin at hinampas-hampas yung likod ko.
"I'm kidding, mahal ko. Ang sexy mo kaya kanina and you're seducing me."
"Hey mister! I'm not seducing you." pinalo-palo niya yung likod ko.
"Masakit na mahal ko ha." nagkunwaring nagtatampo ako sa kanya at nagcomplain ako kahit hindi naman ganoon kalakas yung mga palo niya.
"Sorry mahal ko." playful niyang pagkakasabi, "I love you." tsaka niya hinalikan ang pisngi ko. Ang sweet sweet lang talaga nitong mahal ko! J
CARRIE'S POV
Tulog na sila tita ng dumating kami sa rest house nila. Yung mahal ko naman, wala ng ginawa kundi pakiligin ako. Sobrang sweet lang. Naalala ko noong pasan-pasan niya ako, amoy na amoy ko yung pabango niya kaya siguro hindi ko na napigilang halikan yung pisngi niya.
At nung binuhat niya naman ako kanina, kahit saglit lang yun.. pakiramdam ko kakawala yung puso ko sa dibdib ko at nagtatalunan ang dragons sa stomach ko.
Kinabukasan, pagkatapos naming magbreakfast nagyakag sila tita dun sa may market para daw makabili kami ng mga pasalubong. Ang rami-raming pinamili nila tito at tita at ibigay ko daw na pasalubong kila mommy at daddy. Nakakahiya nga eh kasi kaya ko namang bumili kaso they keep on insisting na sila na daw ang magbabayad at huwag na daw akong gumastos kaya wala na akong nagawa.
Ang mahal ko naman, binilhan ako ng isang malaking white teddy bear at pina-customize niya yung t-shirt ng teddy bear na may nakasulat na:
"You're the greatest gift that I have received. I love you forever and for always, mahal ko. –Jeric"
He is just so sweet. My life became more colorful when I met him and everyday is worth spending with him.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...