To Infinity and Beyond 26

45 2 0
                                    

CARRIE'S POV

After nung mangyari sa restaurant, para akong naging instant celebrity sa school. Pagpasok ko, ang rami-rami nilang tanong tungkol sa relasyon namin ni Jeric at may mga nagpapapicture na sa akin. Merong ibang paparazzi na pumupunta dito sa restaurant ko asking for an interview, some even check my personal background at meron ding ibang managers na nagtatanong sa akin kung gusto kong mag-artista. Pero tinatanggihan ko sila. Kuntento na ako sa buhay ko at ayokong maging public figure masyado. Ito ngang hindi ako artista eh medyo nabawasan na yung privacy ko, what more kung maging artista ako. Paniguradong hindi ko kakayanin yun.

Nakakatuwa naman ang mahal ko kasi he always supports and respects me with my decisions. Kahit bagay daw ako sa showbiz dahil maganda ako, still he never insist na mag-artista ako and he protects me in anyway that he can. Sobrang swerte ko lang talaga sa boyfriend ko.

Nandito ako ngayon sa restaurant ko waiting for him. Hindi na ako nagpasundo sa kanya kanina sa school kasi alam kong busy siya sa rehearsal ng concert niya. He will be having his first major concert in one week at umabot na agad ng platinum yung album niya after 2 days matapos niya itong ma-released. Nakakaproud talaga ang boyfriend ko at kahit napaka-busy ng mahal ko, palagi pa rin siyang nag-eeffort sa relasyon namin.

"Hey beautiful!" nakangiting bati niya sa akin.

Agad akong tumayo at niyakap siya, "How's your day mahal ko?" tanong ko sa kanya tsaka kami umupo ng magkatapat.

"Ito medyo nakakapagod yung rehearsal kanina." Sa one week naming relasyon, he became so honest and expressive sa mga nararamdaman niya sa akin at mas nadagdagan lalo yung admiration ko sa kanya.

"Kawawa naman ang mahal ko" tsaka ako nag-pout sa kanya. "Wait, I'll get you some drinks. What do you prefer ba, juice, tea, coffee or do you want some soup, mahal?" tsaka ako tumayo.

"Can I have you instead, mahal?" nang-aasar siyang ngumiti sa akin at kumindat. Para tuloy umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.

"Hey mister, puro ka na naman kalokohan." tsaka ko mahinang tinampal yung balikat niya.

"Mag-soup nalang ako mahal. Namimiss ko na yung soup na luto mo eh." nakangiti nyang sabi.

Pumunta na ako sa kitchen at kumuha na ako ng pagkain namin.

"Mahal, di pala kita maihahatid bukas. Susunduin ko si Sandy bukas. Siya yung personal manager ko." pagpapaalam niya sa akin habang kumakain kami.

"Ok lang mahal. Nagyayakag din pala si Rein na magshopping kami bukas."

"So I guess, I'll see you at dinner tomorrow."


JERIC'S POV

Nandito na ako sa airport ngayon and I'm waiting for the arrival of my manager na kakakasal lang sa Koreano nyang boyfriend. Nakakaramdam na ako na magiging sobrang busy na ako. Workaholic kasi 'tong manager ko na 'to.

Sandy has been my manager since I started my career in showbiz at daig pa niya ang mommy ko sa pakiki-alam sa buhay ko. Panigurado akong she will really like Carrie for me.

"Jeric!" nakangiti nyang tawag sa akin habang tulak-tulak niya yung malaking maleta niya. "Oh gosh! Namiss kita!" tsaka niya ako niyakap.

"Exaggerated Sandy, ok? It's just only one month." pang-aasar ko sa kanya. "So kamusta ang bagong kasal?"

"It's good. Believe me, masarap ang buhay ng may asawa. Nabalitaan ko yung ginawa mo dun sa restaurant where you dedicated a song for your girlfriend ha." tuloy pa rin yung kwentuhan namin dito sa kotse ko.

Napangiti ako at naisip ko ang mahal ko, "Ah, that's Carrie. Don't worry, ipapakilala kita sa kanya mamaya."

"You must been really in love with her huh?"

"Of course I am. She's very different from my previous girlfriends. She really changed me and she brought new meaning in my life." proud na proud akong nag-explain sa kanya.

"Glad that you're taking your relationship seriously, kiddo. I can't wait to meet her." tsaka niya ginulo ang buhok ko. Ito lang ang ayoko sa manager ko eh, kung i-trato ako para akong bata.

Dumiretso na kami sa Araneta Colliseum para magpractice na ako sa nalalapit kong concert.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon