CARRIE'S POV
Pagmulat ng mata ko, agad kong napansin ang pag-ulan ng yelo. Nakakatuwa kasi first time kong makakita nito. Kahapon kasi noong dumating ako, sobrang lamig lang at hindi pa nagsisimulang umulan ng yelo.
Nahirapan talaga ako matulog kagabi at umiyak lang ako ng umiyak. Kakaisang araw ko pa lang dito tapos miss na miss ko na agad sila.
"Ma'am Carrie, good morning po! Ready na po yung breakfast ninyo."
Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ng babae na tumawag sa akin. Ako lang nandito kagabi ha? Paano 'to nakapasok sa bahay ko?
Agad kong inayos ang sarili ko at nagmamadali akong bumaba.
"Good morning po, ma'am Carrie." Ako nga po pala si Anne, maid po na inassign ni Sir Jeric." nakangiti nyang pagpapakilala sa akin. "Nga po pala ma'am, pinabibigay po ito ni Sir Jeric sa inyo." tsaka niya inabot sa akin yung isang red rose at may kasamang maliit na card.
Binuksan ko agad yung card.
{"Hey beautiful! Good morning! It's just your first day in New York but I'm already missing you."
One of the reasons that I love about you is your smile. I love your smile, mahal! Keep smiling mahal ko. I love you so much!}
Ito talagang mahal ko, wala ng ibang ginawa kundi pakiligin ako. Lalo ko tuloy siyang namiss.
Kumain na ako ng breakfast. Sinabay ko ng kumain si Anne. Ayoko kasing iparamdam na katulong siya. Dadalawa na nga lang kami dito tapos hindi pa kami magsasabay kumain.
"Ilang taon ka na, Anne?" tanong ko sa kanya dahil gusto ko pa siyang makilala.
"30 years old na po ako, ma'am."
"Matagal ka na bang nagtratrabaho kay Jeric o ngayon lang?"
"Matagal na din po akong nagtratrabaho sa pamilya nila sir Jeric, ma'am. Halos limang taon na din po ata. Sobrang bait po nila sa akin."
"Ah.. May anak ka na ba?"
"Opo ma'am. Dalawa po. Naalala ko dati ma'am noong sobrang taas ng lagnat ng bunso ko. Si Sir Jeric pa po yung nagdrive sa amin papuntang ospital. Nakita niya po kami sa kalsada noon at nag-aantay ng tricyle. Kaya sobrang swerte po talaga kayo sa kanya, ma'am." dirediretso niyang pagkukwento.
"Sobra." nasabi ko sa kanya. Alam ko naman na dati pa mabait ang mahal ko at sobrang nakaka-proud lang kasi kahit ang rami na niyang narating sa buhay, hindi pa rin niya pinaparamdam sa ibang tao na sobrang taas na niya o sobrang sikat niya. Nakatapak pa rin yung mga paa niya sa lupa.
Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin dati noong una kaming nagkita.
-"I told you, I am an ordinary person. I do not bite."
-"But I'm gonna make sure that even though I'm up there or you just level yourself down there, I'll promise that I'm gonna be with you."
Nakakatuwa lang isipin na hindi pa rin nagbago ang mahal ko. Simula ng makilala ko siya dati hanggang ngayon. Namiss ko na naman tuloy siya. :(
Pagkatapos kong kumain, naligo at nagbihis na agad ako para pumasok. Hinatid ako nung lalaking naghatid dito sa amin kahapon ni Jeric. Ang pangalan pala niya ay Sam and he will be my personal driver daw. Syempre, si Jeric na naman ang may kagagawan nyan.
Maganda yung school ko. Sobrang laki. Mas kumpleto din yung gamit sa kitchen at mas masaya kasi puro kami actual. 15 lang kami sa klase. Sampu kaming mga babae at limang lalaki. Feeling ko naman, mababait sila. Yun nga lang, sobrang liberated.
After class, sinundo na din ako ni Sam at pagkadating na pagkadating ko sa bahay, excited kong tinawagan ang mahal ko.
"Hello mahal! Busy ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mahal. Actually, tatawagan na din kita eh. Naunahan mo lang ako. So kumusta ang unang araw mo dyan, mahal ko?"
"Ayos lang, mahal ko. Pero syempre iba pa rin kapag nandyan ako sa Pilipinas."
"Hayaan mo na mahal, ilang araw lang din naman at matatapos mo rin yan."
"Oo nga mahal ko. Nga pala, ikaw ha meron ka pang pa red rose, card at pinadalhan mo pa ako ng personal maid and driver."
"Why? Don't you like it?"
"Hindi naman sa ayaw ko, mahal. Kaso kahit alam kong mayaman ka, kailangan mo ding magtipid, mahal. Marami ka ng ginagastos dahil sa akin eh."
"Don't worry mahal. I like spending my money for you."
"Kahit na mahal. Kailangan mo pa ring magtipid."
"I know mahal. Don't worry, magtitipid na po."
"Very good!" tsaka ako napatawa ng bahagya. "Eh, ikaw mahal ko, kumusta ka dyan?"
"Ayos lang mahal ko. Naglaro kami ni dad ng basketball kanina."
"Really? That's interesting mahal ko."
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...