JERIC'S POV
Pagkadating agad namin dun sa dressing room ko, di ko talagang mapigilang yakapin ang mahal ko. Sobrang saya ko talaga.
"I love you mahal ko ng sobra-sobra!" sabi ko sa kanya.
"Mahal na mahal din kita, Jeric." sagot niya sa akin at hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
Magkaholding hands kaming nagpunta dun sa parking lot at ilang oras lang eh nakarating na kami dito sa tapat ng bahay namin.
Tinurn-on ko yung ilaw at "Happy Birthday!" sigaw nilang lahat.
Bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha nila mommy, daddy, Rein, andito din sila Tito Fred, Tita Ariel, Sandy, ibang record producers at composers nung album ko, at present din ang mga kaibigan kong basketball player. Parang maiiyak ako kasi first time kong magcelebrate ng ganito.
"Happy Birthday, anak!" lumapit sa akin sila mommy at daddy tapos niyakap ako.
"Kala ko po nasa Singapore kayo?"
"It's our surprise for you anak. Plilano lahat ni Carrie 'to." sabi ni mommy.
"Kuya, Happy Birthday!" si Rein at inabot niya sa akin yung birthday gift niya.
"Oh ikaw? Akala ko meron kang project?"
"Sorry kuya, wala talaga akong project. Utos yun ni ate Carrie." nakangiting sabi niya sa akin.
Isa-isa na akong nilapitan ng mga bisita ko at binati nila ako. Si Carrie naman sobrang busy din makipag-entertain sa mga bisita ko. Even yung mga pagkain at ang birthday cake, napag-alaman kong siya ang nagluto at nagbake. Sobrang sarap ng handa niya at sobrang busog ang lahat ng bisita ko.
Ito ang pinakamagandang birthday celebration ko dahil lahat ng importanteng tao sa buhay ko, nakasama ko.
"Can I excuse Carrie for a while?" tanong ko kay Sandy. After nung i-explain ko kay Carrie na may asawa na si Sandy, hindi na siya nagseselos dito at naging magka-close na din sila.
"Syempre naman." nakangiting sagot ni Sandy tapos uminom ng juice.
"May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong ni Carrie. Hinawakan ko nalang yung kamay niya at nagpunta kami doon sa may pool area.
"Thank you so much mahal ko for planning all of this. This is the best birthday I ever have." tsaka ko siya niyakap ng mahigpit na mahigpit.
"Glad that you like it." humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin, "Happy Birthday mahal ko. I love you." tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.
Pagkatapos noon, magkaholding hands ulit kaming bumalik sa loob ng bahay.
"Jeric, andito ka lang pala. Can I talk to you and Carrie?" salubong sa akin ni Mr. Drake Soriano, ang record producer ko.
Tumango ako sa kanya at pumunta kami dun sa may isang sulok.
"Iniisip ko kung pwede ba nating isama si Carrie dun sa album mo. She really has a good voice." panimula ni Mr. Soriano, "Why not isama natin talaga yung 'my girl, my woman, my friend' dun sa album na ginagawa natin?"
Tumingin ako kay Carrie at hinawakan ko siya sa may bewang, "Salamat po sa compliment sa mahal ko pero siya pa rin po yung magdi-decide nyan."
"Ah.. eh... Salamat po sa compliment per—"
Hindi na niya pinatapos ang mahal ko sa pagsasalita, "Try considering my offer, hija. Pag-isipan mo muna. Just tell Jeric if you're interested."
"Bro, ang ganda talaga ng girlfriend mo. Bakit hindi mo siya papasukin sa showbiz?" pagsali ni Daniel Henney sa usapan namin tapos umalis na din si Mr. Soriano.
Pabiro kong sinutok si Daniel Henney sa tiyan niya, "Hoy ikaw ha! Tigil-tigilan mo ang girlfriend ko." tapos inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...