To Infinity and Beyond 28

54 3 0
                                    

Hinatid ako ni Jeric ngayon sa school. Andito na ako sa canteen at iniintay ko ang best friend ko.

"Sis, sorry na late ako. May inayos lang ako para dun sa meeting ng mga officers mamaya." sabi ni Juris tsaka niya nilagay yung gamit niya dun sa bakanteng upuan at umupo na kaharap ko.

"Ok lang best. Oh, para sayo yan." ngumiti ako sa kanya tapos inabot ko yung small brown envelope.

"Ano naman 'to?" nagtatakang kinuha niya sa akin yung hawak ko.

"Ticket yan sa concert ni Jeric."

Nilabas niya yung ticket at nanlaki yung mata niya, "Oh my gosh sis, eh VIP ticket 'to. Ang mahal nito di ba?"

"Huwag kang mag-alala best. Sabi sa akin ni Jeric, libre lang yan. He can get 10 VIP tickets at pinabibigay niya talaga yan sayo."

Na excite talaga siya, "Tell him salamat talaga sis!"

"Sige, mamaya sasabihin ko."

"Ibang klase na talaga ang boyfriend mo sis. Dati pakanta-kanta lang, magre-release ng album tapos ngayon meron ng major solo concert."

"Oo nga eh. Nakakaproud lang kasi kahit sobrang busy siya, gumagawa pa rin siya ng time para magkasama kami."



JERIC'S POV

Pagkatapos kong ihatid ang mahal ko sa school niya, dumiretso na ako sa Araneta Colliseum. Yung totoo, kinakabahan ako kasi first time kong magconcert and knowing na sold out na lahat ng tickets, mas malaki yung pressure sa akin. Gusto ko talagang makapagbigay ng magandang show sa mga fans ko tsaka manunuod ang mahal ko kaya prinactice ko yung ibang blockings at tinandaan ko yung ibang dinagdag at binago dun sa mga kailangan kong gawin.

After ng practice, sinundo ko na ang mahal ko at dumiretso kami dito sa bahay namin. Nandito kami sa home theater namin at nanunuod kami ng movie.

"You look tired, mahal ko." sabi niya sa akin habang nakahiga ako sa may lap niya.

"Na pagod lang siguro ako sa practice kanina, mahal ko." pag-amin ko sa kanya.

"Come on mahal ko, I'll give you a back massage."

"Huwag na mahal ko. Just staring at you relieve my stress. Ganda talaga ng mahal ko." tsaka ko siya kinindatan.

"Puro ka na naman kalokohan. I'll give you a back massage and I insist." tapos tinaasan niya ako ng kilay.

Wala tuloy akong nagawa kundi sundin siya. Believe me, ang sarap magmasahe ng mahal ko. Nakakawala talaga ng pagod yung pagmamasahe niya. Inaantok tuloy ako.

Nagising nalang akong naka-ayos na ang higa ko sa sofa at may kumot. Nakapatay na rin yung TV at wala na yung balat ng mga junkfoods na nakakalat sa center table kanina. Shit! Nakatulugan ko ang mahal ko.

Nagmamadali akong lumabas sa kwarto at agad kong nasalubong yung isang maid namin, "Manang, nakita ninyo po ba si Carrie?"

"Nandoon po sa may kusina sir. Nagluluto po. Ayaw nga po namin siya patulungin kaso ang kulit niya po, kaya wala po kaming nagawa. Pasensya na po sir." tsaka tumungo sa akin si manang.

Nagpunta na agad ako sa kusina at nakita kong enjoy na enjoy ang mahal ko sa pagluluto. No doubt, she really has the passion in cooking.

Lumapit ako sa kanya at sumandal dun sa may counter, "Sorry mahal ko, nakatulog ako."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "You don't have to explain mahal ko, alam kong pagod ka."

Niyakap ko siya habang nakatalikod, "Thank you mahal for always understanding me." tsaka ko siya tinulungan mag-gayat ng carrots. She'll be cooking menudo for our dinner.

"Oh my gosh kuya! Andito ka na." nakangiting tumakbo sa akin si Rein. "And ate Carrie, you're here. I'm so happy." Isip bata pa rin talaga itong kapatid ko. Sobrang saya niya kasi minsan lang kami mag-abot nyan sa bahay.

"How's school?" tanong ko sa kanya.

"It's ok kuya. Kakatapos lang ng graded recitation namin kanina."

"May nasagot ka naman ba?"

"Syempre naman, kuya."

"That's good. Magpalit kana muna tapos sabayan mo na kami ng ate Carrie mo kumain ng dinner."

Pagkatapos nyang magpalit ng damit, sabay-sabay na nga kaming kumain ng dinner.

"Ate, sobrang sarap mo talagang magluto." compliment ni Rein kay Carrie.

"Ikaw talaga, bolera ka rin katulad ng kuya mo." si Carrie. Casual lang silang mag-usap ng kapatid ko. Parang barkada nga lang sila ng kapatid ko eh.

"No ate. I'm just telling the truth." tsaka nag-pout yung kapatid ko.

"Mahal ko, may family dinner pala kami tomorrow. Sama ka ha, para makilala kana din nila mommy." Dadating na kasi sila mommy at daddy galing sa business trip nila sa Hongkong. Gusto kong makilala na din nila si Carrie para legal na talaga kami sa mga pamilya namin.



CARRIE'S POV

Hala ipapakilala niya na ako sa pamilya niya. Oo gusto ko rin naman makilala na din yung mommy niya, kasi nakilala ko na yung daddy niya dati. Pero it's a different thing pa rin. Hindi pa ako handa.

"Hey mahal ko, ikaw na ang may sabi na family dinner. Hindi mo ako kailangan dun." pag-iwas ko sa topic. Huwag muna. Hindi ko pa kaya.

"Si ate, para ka namang iba. Soon, magiging pamilya mo na kami nuh!" sabat ni Rein, sabay kindat sa akin.

"Oo nga naman mahal ko.. Please?" pluffy eyes ang mahal ko at nagpapacute. How could I resist that handsome face huh?

"Pretty please, ate?" nakiki-usap din si Rein sa akin.

My gosh, parang wala na akong magagawa. "Ok na. Ok na. Tigilan na ninyo ako." Did I just say yes? I already did. Good luck to me. Kinakabahan na tuloy ako.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon