To Infinity and Beyond 46

31 1 0
                                    

* * Buzz... Buzz... Buzz...

Nagising nalang ako na basang-basa ang pisngi ko dahil sa luha. Panaginip lang pala. Masamang panaginip. Pero tapos na ba talaga ang lahat sa amin katulad ng panaginip ko?



JERIC'S POV

"Kuya, tigilan mo na nga yan." saway sa akin ni Rein at pinigilan akong inumin yung beer na hawak ko. Kauuwi niya lang galing sa school niya at hindi ko na kailangan sabihin pa sa kanya ang mga nangyari dahil panigurado napanuod na niya sa TV.

Dalawang araw na din pala akong hindi nagtratrabaho. Si Sandy, ang manager ko, ang sumasagot sa mga interview at pinagtatakban niya kung bakit nawawala ako sa mata ng publiko.

Dalawang araw na ding hindi ko nakikita si Carrie. Siya ang unang babaeng iniyakan ko ng ganito. Hindi ko siya maintindihan pero miss na miss ko na siya. Miss ko ng makita yung magandang mukha niya. Miss ko na ring marinig yung boses niya. Damn! I miss everything about her. Hindi ko din matiis na wala akong balita sa kanya, that's why I asked George Cheng, my personal assistant, para i-report sa akin kung ano yung mga ginagawa niya.

Sabi sa akin ni George, hindi naman daw lumalabas ng bahay nila si Carrie. Ni hindi nga daw ito pumupunta sa restaurant niya. Siya lang mag-isa sa kanila ngayon at wala naman daw siyang nakikitang bumibisita sa kanya.

"Look kuya, alam kong namimiss mo na si ate Carrie. Bakit kaya hindi mo nalang siya puntahan at mag-usap kayo?" tanong sa akin ng kapatid ko.

"Pero niloko niya ako Rein. Sa kanya ako nagmahal ng totoo, pero niloko niya ako."

"Did you ever give her a chance to explain, kuya?"

"Why would I?! I saw it with my own two eyes. I saw her betraying me!"

"But you never give her a chance to explain herself, kuya?" at napabuntong hininga siya. "Kuya, I've known ate Carrie for almost a month now, I'm sure hindi din siya papayag ng ganoon without any valid reason. Maybe you're so much blinded by your jealousy"

"Eh paano kung sila talaga ng g*g*ng lalaking yun?"

"Mahal mo pa si ate Carrie, kuya?"

"Sobra"

"Yun naman pala kuya eh, eh di ipaglaban mo. For Pete's sake kuya, mas gwapo ka dun at alam ko naman na mas mahal ka ni ate Carrie kaysa dun. Already giving up while the battle is just starting. I don't know that you're such a coward, kuya."

Parang nagising ako sa lahat ng sinabi ng kapatid ko. Seriously, kapatid ko ba 'tong kausap ko? Bakit sobrang mature na niyang nag-isip? Sobrang mature na niyang mag-isip. Tama nga lahat ng sinabi ng kapatid ko. Kailangan talaga naming mag-usap.

"Thank you." nasabi ko nalang sa kapatid ko at ginulo ko yung buhok niya.

"Hmmm.. coward!" tsaka siya nagbelat sa akin.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon