JERIC'S POV
Excited talaga ako ngayong araw na 'to kasi pinangako ni dad na bibilhan niya daw ako ng bagong sports car, basta lang sumama ako sa business meeting niya. Ipapakilala niya daw sa akin yung only daughter ng business partner niya at ang pinakabilin ni dad ay huwag daw akong maging pasaway.
Napakabilis naman ng deal ni dad and meeting one girl is so easy for me. Sa rami ko ng naging girlfriend at fans na babae na naghahabol sa akin, sobrang dali talaga at makakamtam ko na agad ang dream car ko.
Nagmamadali na akong kumilos dahil sa sobrang excited ko kagabi, hindi ako nakatulog ng maayos. Tsaka, iniwan na ako ni dad dahil mali-late na siya dun sa meeting at puro text na sa akin ni kuya Simon, my dad's personal assistant.
Nagsuot lang ako ng simple at nilagay ko na ang shades ko. Puro na nga ako overtake at busina sa mga sasakyang nasa harapan ko kasi baka galit na galit na ang daddy ko sa akin at mawala pa ang pinapangarap kong dream car.
Ilang minuto pa at nakarating na din ako sa Bon Appetit restaurant. Buti nalang ito yung napili nilang meeting place kasi napaka-class nitong restaurant at puro business people ang napunta dito. I'm sure na mga busy person sila and they wouldn't mind to take pictures with me or get my autograph. Yes! I'm free at mukhang makakamtan ko na naman ang privacy na hinahanap-hanap ko. Simula kasi ng sumikat ako, ito yung nawala sa akin at paminsan-minsan na hinahanap ko. Nakakamiss ding maglakad sa street na walang pumapansin sa akin. Yung normal ka lang at wala kang masyadong iniingatan na image.
Agad akong bumaba sa sasakyan ko at pumasok sa nasabing restaurant. Nagpalinga-linga ako ng bigla akong tawagin ni dad. Hinubad ko na ang suot kong shades at inipit sa gitna ng long sleeves ko sa may dibdib.
Nakangiti akong naglakad papunta dun sa table nila dad. Nakita ko rin ang isang lalaki na halos ka-edad ni dad at katabi niya ang isang magandang babae. This might be his daughter. Nung tumingin sa akin yung girl, para akong kinabahan bigla. Naalala ko sa kanya yung babaeng nakasabay kong maglaro dati sa Tom's World. Sobrang ganda kasi niya sa mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok.
Hay.. Naalala ko na naman tuloy yung unang babaeng bumihag ng puso ko. Yun yung babaeng binigyan ko ng infinity bracelet kahit hindi ko pa masyadong kakilala.
Inalis ko ang pagkakatingin ko sa kanya at binalik ko na ang atensyon ko kay dad. "Dad" nakangiti kong bati kay daddy at mahinang tinapik ang balikat niya.
"Finally son! Akala ko hindi ka pupunta eh." ngisi-ngising baling ni dad.
"Pwede ba yun dad?" natatawa kong bati sa kanya at tumango din naman ako kay kuya Simon.
"Son, I want you to meet Fred Geronimo. He is my business partner." pagpapakilala ni dad.
Agad naman akong nakipag-shake hands sa kanya. "Nice meeting you po, Mr. Geronimo." at ngumiti pa ako.
"And this is her beautiful daughter, Carrie Geronimo." Maganda naman talaga! Sang-ayon ng isip ko.
Nakangiti kong nilahad ang aking kamay at hinawakan ang kamay niya. Ang lamig ng kamay niya pero parang uminit yung buong katawan ko at lalong bumilis yung tibok ng puso ko. "Nice meeting you!" nasabi ko nalang.
"Nice meeting you rin." tapos ngumiti siya. Lumabas yung dimples niya. Grabe! Ang cute niya din pala. Parang ang sarap pisilin ng pisngi niya.
"Who would have thought na anak mo pala si Jeric. Hindi mo man lang na kwento sa akin dati." parang gulat na tanong ni Mr. Geronimo kay daddy.
"Maybe that's one of the secrets that I should kept. Baka dahil malaki na rin yung business ko eh baka isipin ng tao na ginamitan ko ng pangalan ko ang pagpasok ni Jeric sa showbiz. This guy beside me has his own track to pursue his dream and that's why I really prefer that he used his screen name." sabay tapik ni dad sa balikat ko. "Kung ano man ang narating niya ngayon sa career niya, wala akong ginawa dun kasi pinaghirapan niya lahat nun."
Nakaka-proud naman yung sinabi ni dad. Hindi ko kasi palaging nararamdaman na naappreciate ako ni dad kasi palagi lang siyang busy sa work niya at madalang din kami makapag-bonding. Sobrang masaya lang ako sa mga sinabi ni dad.
"Sobrang nakakatuwa naman talaga yan Lee. Bilib ako sa suporta na pinapakita mo sa anak mo."
"I'm sure parehas lang din tayo, Fred. Just looking at Carrie, she's a polite, lovable and beautiful girl."
"Thank you, Lee. She's totally my precious princess."
Tama naman si daddy at si Mr. Fred. She's totally one of a kind. Pag sang-ayon ng isip ko.
"Thank you very much Tito Lee for your compliment. Like my dad, you're very handsome too." pagsingit ni Carrie at nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Oh! I like her sense of humor huh!
Nag-usap na din sila dad tungkol sa business nila habang kumakain kami. I could not resist myself pero napapatingin talaga ako sa kanya. Parang first time kong ma-addict kakatingin sa babae.
Napapansin niya na ako kaya hindi niya siguro mapigilang magtanong, "Excuse me, Mr. Jeric Tan, may dumi ba sa mukha ko?" medyo alanganin nyang sabi. Napaka-formal niya naman akong i-address.
"Hmmm.. wala naman." para akong lutang ng sinabi ko yan.
"But you keep on staring at me. May problem ba?" Ang direct to the point niya. I'm starting to like her personality. Hindi katulad sa showbiz, madalas plastikan lang.
"There's really nothing wrong. I just like staring at you." Gusto mo ng honest answer ha.
"Excuse me?" parang na blangko siya sa sinabi ko.
"Nothing. Never mind. Let's just continue eating." natatawa kong pag-iiba ng topic.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...