CARRIE'S POV
Excited talaga ako pumasok ngayon sa school kasi meron kaming baking. Mas gusto ko talagang maghalo-halo ng mga ingridients kaysa umupo at makinig lang sa lesson ng teacher ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa side table para i-check kung anong oras na and 7:00 am palang pala, 8:30 pa yung pasok ko. Then my phone beep.. Sobrang aga naman nitong magtext.
│From:Jeric
Good morning, Carrie!│Ang simple ng message pero ang aga-aga namang magpakilig nitong lalaking 'to.
│Good morning too, Jeric.│mabilis kong reply sa kanya. Nag-intay ako sa reply niya pero hindi na siya sumagot. Nagiging assuming na ata ako ha. Pero di bale na, siya naman ang unang bumati sa akin ng "Good Morning" at panigurado akong magiging good talaga ang morning ko! Eh, akalain mo ba naman yun, nagsisimula pa lang ang araw, binuo at kinumpleto na niya agad. :)
Pumasok na ako sa comfort room at naligo. Sinuot ko na yung uniform ko at sinuklay ko na yung mahabang buhok ko. Pagkatapos noon, lumabas akong nakangiti sa kwarto ko.
"Good morning, mo—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko at tumingin sa lalaking nakangiti sa akin. Omo! Ang killer smile na yan, parang nanghihina ang tuhod ko.
"Good morning, anak!" salubong sa akin ni mommy sa may hagdan.
"Good morning, princess." si daddy naman. Pero hindi maalis yung tingin ko kay Jeric.
"Good morning, Carrie" bati niya sa akin na mas lumapad pa ang pagkakangiti.
"Good morning too, Jeric." parang ganyan yung pagtext namin kanina ha. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"Anak, manliligaw mo siya. That's normal." pag-eexplain ni mommy. She's just so blunt parang ako yung nahiya sa mga sinabi ng mommy ko. Tinignan ko naman si Jeric at binigyan niya naman ako ng I-guess-your-mom-already-answer-your-question look at ngumiti sa akin.
"Come on, let's eat our breakfast. Jeric iho, sabayan mo na kami." pagyayaya ni daddy.
"Tito, hindi na po. Busog pa po ako." mabilis namang sambit ni Jeric.
"No iho, I insist." at inakbayan ni daddy si Jeric. Nakakatuwa si Jeric, wala siyang nagawa at sumunod nalang kay daddy.
Habang kumakain kami ng breakfast, puro tawanan at kwentuhan lang sila mommy, daddy at Jeric. Yung totoo? Sino ang tunay na anak? Nakaka-OP sila ha. Pero nakakatuwa lang isipin kasi naging close agad si Jeric sa parents ko.
JERIC'S POV
Kinabahan ako ng sobra ng magparking sa harap ng bahay nila Carrie. Sa umpisa, nagulat ang parents ni Carrie sa pagpunta ko pero pinatuloy naman nila ako at sobrang bait lang talaga ng parents niya. Sila pa nga yung nagsabi na tawagin ko sila ng tito't tita eh.
Si Tita Ariel nga nakipagpicture pa sa akin habang hinihintay ko si Carrie na lumabas sa kwarto niya. Medyo marami din kaming napag-usapan at tinanong nila ako tungkol sa pagiging artista ko. Hindi rin nawala yung paalala nila na huwag kong saktan si Carrie. Only child kasi kaya sobrang protective nila.
"Hindi mo naman kailangan na sunduin pa ako." wika ni Carrie habang nandito na kami sa kotse ko.
"But I like doing it." at ngumiti ako sa kanya. "Sobrang bait ng parents mo." dagdag ko pa.
"Naging close ka nga agad kila mommy at daddy eh." napapatawa nyang sabi. "Ang rami ninyo agad napag-usapan."
"Oo nga, kung ganyan lang din sana sila mommy at daddy sa amin ni Rein eh." at napabuntong hininga ako. Medyo nakakainggit ang pamilya ni Carrie. Kahit kasi sobrang busy ng daddy niya, still gumagawa pa rin siya ng time para makasama sila. Ang mommy niya naman, plain housewife at nakikita ko yung sobrang pag-aalaga niya kay Carrie at kay Tito Fred.
Napansin kong napatingin sa akin si Carrie at sumeryoso yung mukha niya, "Hey, ok lang ako." at pilit akong ngumiti sa kanya.
"Alam mo swerte ka pa rin sa parents mo kasi nagtratrabaho sila ng maigi para sayo at si Rein nandyan din siya palagi para sayo." pagkukumbinsi niya sa akin.
"Uhmm.. swerte talaga ako sa kapatid ko at syempre, sayo." at kinindatan ko siya.
"Loko ka talaga" at tinapik ko siya sa braso. Napatigil ako bigla at natawa ako sa kanya. Siya lang yung babaeng kaya akong ganyan-ganyanin.
"Ay sorry." parang nailang siya. Sabay nagtawanan kami. "Basta kung kailangan mo ng makakausap, andito lang ako." nakangiti nyan sabi sa akin.
"Thank you. Ganoon din ako sayo." pinarada ko na ang kotse ko dun sa harap ng school gate nila. Sinuot ko na yung shades at cap ko tapos pinagbuksan siya ng pinto, "Sorry hindi na kita maihahatid sa loob."
"No problem. Thank you sa paghahatid, Jeric." at sobrang lapad ng pagkakangiti niya. Lumabas tuloy yung dimples niya. Ang cute!
"My pleasure. Have a good day, Carrie."
"Ikaw din. Drive safely, ok?"
"Uhm.. I will. Sige na, pasok kana."
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...