CARRIE'S POV
"Carrie, totoo ba yung balita na break na kayo ni Jeric?"
"Grabe yung pagkakasampal mo kay Jeric!"
"Si Tyrone ba yung kasama mo sa supermarket noon?"
"Yes! May chance ng maging kami ni Jeric!"
Rinig kong mga tanong at usapan nila sa akin. Bwisit lang! Akala ko nakalimutan na yung issue sa amin ni Jeric. Kahit anong iwas ko pala sa showbiz, may mga chismosa pa rin sa paligid. Buti nalang talaga ginawang confidential ng school na dito ako nag-aaral, kung hindi ang rami na sigurong paparazzi na sumugod sa akin.
Hindi ko na sinagot yung mga tanong sa akin at dumirestso na ako agad sa room ko. Absent si Tyrone. Ano na kayang nangyari dun? Sinubukan kong makinig sa lesson, pero hindi ko maiwasan na mag-space out at isipin pa rin ang mahal ko. Buti nalang half-day kami dahil may seminar yung mga teachers namin ngayon.
Sobrang ingay sa labas at puro sigawan. Tuwang-tuwa siguro sila at na suspend agad yung klase.
"Grabe! Nag-iinquire kaya siya dito?" rinig kong usapan ng babaeng kakapasok lang sa room namin.
Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na ako sa room. Nagulat ako ng makita ko ang isang lalaking nakahood, may shades, at may artificial mustache.
"We need to talk." hinawakan niya yung isang kamay ko at mabilis pero maingat niya akong hinatak papunta sa gate ng school.
Hindi na ako nakapagsalita. Kahit todo disguise siya, kilalang-kilala ko na kung sino siya. Namiss ko yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Sobrang namiss ko na ang lalaking 'to. Sobrang namiss ko 'tong mahal ko.
Sumakay agad kami sa kotse niya at walang nagsasalita sa aming dalawa buong byahe. Ni hindi niya man lang ako tinitignan at ang buong atensyon niya lang eh dun sa pagda-drive niya.
Dinala niya ako sa bahay nila at bakas ko ang pagkagulat ng mga katulong nila ng makita ako.
Naghanda sila ng cookies at juice tapos iniwan nila kami ni Jeric sa may sala.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...