To Infinity and Beyond 8

51 3 0
                                    

REIN'S POV

"Kuya! Andyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." masaya kong inakbayan si kuya. San-san kasi nagpupunta 'tong kuya ko. Pumuporma na naman eh. Hahaha.

Pero sobrang ganda nitong girl na 'to ha. Walang make-up, ang simple lang ng suot pero agaw atensyon. Feeling ko matalino din siya at malayo sa mga dating naging girlfriends ni kuya.

"Hello!" nakangiti kong bati sa magandang babae.

"Hi!" at ngumiti din siya sa akin. Ang cute naman ni ate at ang ganda niya. Ang kuya ko naman sobrang makatingin sa kanya. Oh my! Inlove ang kuya ko.

"By the way Carrie, this is my sister, Rein." nakangiting pag-iintroduce sa akin ni kuya.

"Nice meeting you, Rein." nakangiti niyang nilahad yung kamay niya sa akin.

"Nice meeting you too, ate Carrie." at agad akong nakipag-shakehands sa kanya.

"Ate, pwede ba kaming maki-share sayo ng table ni kuya?" dagdag ko pa.

"Look Rein, she's bus--"pagsaway sa akin ni kuya pero hindi ko na siya pinatapos kasi siniko ko siya.

Napansin naman ako ni ate Carrie at napatawa sa amin.

"No.. no, it's ok. You can join me here." nakangiting sabi ni ate at sinarado niya yung laptop niya at itinabi ito.

"I'm sorry Carrie. Ang kulit kasi nitong kapatid ko eh."

"No, that's ok. Ang cute nga niyong tignan na magkapatid eh."

"I told you kuya." sabay belat sa kuya ko. "Ang ganda talaga dito." hindi ko maiwasan pero sobrang comfortable talaga ako sa lugar na 'to.

"Definitely." sagot ni kuya sa akin.

"Ate, graduate ka na po ba?" tanong kong muli kay ate Carrie.

"Hindi pa eh. Hmm.. Graduating ako this year."

"Parehas po pala kayo ni kuya."

"Ah.." nakangiti niyang sabi. Si kuya naman, tulala lang sa beauty ni ate. "Ikaw? Anong year ka na?" tanong sa akin ni ate.

"2nd-year college na po ako."

"Anong course ang kinukuha mo?" tanong ulit sa akin ni ate.

"Tourism po."

"Bagay sayo yung course mo kasi you're very beautiful." Nahiya naman ako sa compliment ni ate eh mas maganda pa siya sa akin eh!

"Ate, you're prettier than me."

"I'm not pretty either tapos prettier pa." natatawa nyan sabi sa akin. Ay! Gusto ko na talaga 'to si ate. Maganda na pero humble pa. Boto na talaga ako sa kanya para kay kuya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Believe me ate, bagay kayo ni kuya and I like you for him."

"What's with the whisper?" nakakunot noo na tanong sa amin ni kuya.

Nagkatinginan kami ni ate Carrie at parang nagkabasahan kami ng isip, "Nothing" sabay naming nasabi at nagtawanan kami ni ate. Parehas kami ni ate. She's meant to be my sister-in-law.

"Rein!" inirapan ako ni kuya.

"Kuya!" nang-aasar ko pang biro kay kuya tsaka nagtawanan kaming tatlo.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon