To Infinity and Beyond 7

62 3 0
                                    

CARRIE'S POV

After class dumiretso ako sa restaurant na binigay sa akin ng parents ko. Actually kabubukas lang nito three days ago kaya busy ako ngayon kaka-research ng new recipes na pwede kong gawan ng sarili kong version. Medyo natatakot ako to handle this business kasi medyo malaking pera din yung nilaan nila mommy at daddy dito but they are just so supportive and they motivated me kaya i-give it a try.

Dito ako umupo sa medyo dulo para walang mang-istorbo sa akin while doing my research.

"Excuse me miss" narinig ko nalang at naramdaman kong may lumapit sa akin. Hay.. Nakakainis naman, kaya nga dito ako umupo sa dulo para walang mang-istorbo eh. Pero parang familiar at narinig ko na yung boses niya kung saan.

"Yes, anything that I can do for you?" hindi ko pa rin inaalis yung pagkakatingin ko sa screen ng laptop ko.

"Hmmm.. Busy huh?" tsaka ako napatingin sa kausap ko at nag-smirk siya. My gosh! Am I day dreaming right now? Bakit nandito ang gwapong-gwapong Jeric Tan sa harap ko?!" Talaga bang gumagawa na ng paraan si kupido para sa amin?

"Ms. Carrie Geronimo, right?" tanong niya sa akin na nagpabalik sa katinuan ko. Oo nga pala, kinakausap niya ako.

"Y-yes and M-mr. J-jeric Tan, r-right?" Hala ano na naman nangyari sa dila ko? Nati-tense na naman ako.

"Hey! Why don't you just drop "mister" and just call me by my name? Ang formal kasi masyado."

"Then just call me by my name too." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ok then, Carrie." nakangiti nyang sinabi ang pangalan ko. Omo! Lalong naging gwapo.

"Ok mister.. I-i m-mean Jeric." nagtanda-bulol-bulol na naman ang dila ko sa isang pag ngiti niya palang. Ultimate crush, huwag mo naman akong pinapapahirapan ng ganito oh! Mukhang nagpaparty na naman yung mga dragons sa stomach ko.

"Sounds even better right?" at ngumiti ulit siya.

Tumango ako at nahihiyang napangiti sa kanya.

"Mas gumaganda ka kapag nakangiti ka." compliment niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Gosh! Kinikilig na naman ako.

"Bolero ka talaga nuh?" yun nalang ang nasabi ko sa kanya.

"No, I'm just telling the truth. Maganda kana pero mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka." hindi niya inaalis yung pagkakatingin niya sa akin at seryoso ang pagkakasabi niya. Feeling ko sobrang pula na talaga ng mukha ko. Hindi na ako nakasagot sa kanya. Kinikilig ako na hindi ko malaman ang gagawin ko.

"What are you doing?" pagbasag niya sa katahimikan at tinignan niya yung laptop ko.

"Hmmm.. just researching something."

"About foods?"

"Uhm.." at napatango ako sa kanya.

"Nako sige, baka naistorbo na talaga kita. Babalik na a--"

"Kuya!!" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi may tumawag sa kanyang magandang babae.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon