To Infinity and Beyond 3

81 4 1
                                    

CARRIE'S POV

Seriously parang na blangko ako at gusto kong tumalon sa narinig ko. "I just like staring at you." Narinig ko naman talaga eh. Grabe! Kinikilig ako. Parang totoo yung idioms na "butterfly in stomach." Yun nga lang, yung akin ata dragons in stomach at nagwawala sila.

Then, sasabihin nyan let's continue to eat? Eh, unang kita ko pa lang sa kanya busog na ako. Hahaha..

"Excuse me. I'll just go to the comfort room." Hindi ko na talaga kaya! Gusto kong magsisigaw sa narinig ko.

Pagpasok ko sa comfort room, hinawakan ko yung pisngi ko at tumingin sa salamin. Grabe! Ang pula-pula ng mukha ko. Parang lahat ata ng dugo umakyat sa mukha ko. Gustuhin ko mang magsisigaw at tumalon-talon, hindi pwede kasi baka isipin ng makakita sa akin na nababaliw na ako. Pero nababaliw na pala talaga ako.. Nababaliw na sa kanya. Hahaha.

Ni relax ko muna yung sarili ko at nagretouch ako bago lumabas at bumalik dun sa table namin. Inubos ko muna yung buko salad na kinakain ko kanina. Si papa Jeric Tan ko, panay pa rin ang tingin sa akin. Medyo conscious tuloy akong kumain.

"Excuse me dad, can I just go to the garden?" paalam ko kay daddy. Yes, may garden kasi sa likod ng restaurant na 'to. Nakapunta na kasi ako dito dati and it's one of the favorite hang-out spot nila mom at dad. I'm very used to it na.

"Yes dear. Just promise me to take care of yourself, ok?" paalala ng sweet kong daddy.

"I will dad." at hinalikan ko sa pisngi si daddy.

Hindi pa man ako nakaka-alis, biglang tumayo si Jeric. Parang nagulat si Tito Lee, "Son, where are you going?"

"I'll go with her dad." tapos tinuro niya ako.

"Take care the both of you." at tumango sa amin si Tito Lee. Gosh! He is going with me?! Hanubeyen! Kinikilig na talaga ako. Parang hihimatayin ako sa pinaggagawa niya. My ultimate crush, huwag ganyan baka makita mo na talaga akong tulo laway. Hahaha.. Todo iwas na nga ako sayo eh, lapit ka naman ng lapit. Sige ka, baka isama na kita sa amin pauwi. Hahaha.

Nung makarating kami sa garden, napaka-refreshing talaga. Ang raming iba't-ibang kulay ng magagandang bulaklak. Iba't-iba rin yung mga sizes nila at meron pang malaking fountain na nasa gitna. Ang tahimik lang din ng paligid, dito masarap mag-meditate.

Umupo ako sa couch malapit dun sa may tabi ng fountain at si Jeric ay naiwang nakatayo malapit sa akin.

"Beautiful, right?" natanong ko nalang sa kanya.

Tumingin-tingin siya sa palagid tapos ay tumitig muli sa akin, "Yes! Very beautiful." at ngumiti sa akin. Shocks! Para ba sa place yun o sa akin? Nakakatunaw naman.

Lumapit siya sa akin at tumabi, "Ang refreshing naman dito." sabay taas nung dalawang kamay niya at wide-arm niyang isinandal dun sa couch na inuupuan namin. Feeling ko tuloy naka-cuddle ako sa kanya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko, parang hindi ko na tuloy mahabol. Hahaha.

"Hmmm.." tumango lang ako sa kanya. "D-dito k-kasi m-madalas din magbonding s-sila ni m-mommy at d-daddy." Nagkakabuhol-buhol ang dila ko eh. Kinakabahan ako na kinikilig. Hindi ko maintindihan eh.

"Ah... Parang ang sarap mag-compose dito ng kanta kasi ang tahimik, makakapag-focus talaga dito."

"Uhm.. D-do y-you w-write y-your own song?" Hello dila ko, please makisama ka.

"Sometimes, usually if I'm motivated."

"Ah.." at tumango nalang ako sa kanya. Tapos biglang tumahimik lang kaming dalawa. Ang rami ko sanang gustong itanong sa kanya eh. Opportunity na sana talaga 'to eh. Kaso kinakabahan talaga ako. Nanlalamig na nga 'tong kamay ko eh.. Kaso ayaw din makisama nitong dila ko. Nagkakanda bulol-bulol na. Nakakahiya. Better if I keep quiet.

"Are you ok?" tanong niya.

"Y-yes! I am."

"You look tensed. Please don't be. I am an ordinary person." Nahalata niya pala. Oo nga, ordinary person ka, pero special ka naman sa akin. Hahaha.

"S-sorry! N-nahalata mo pala."

"Hey, ayan na naman." ngiti-ngiti nyang sabi sa akin.

"Oo nga. Sorry." tapos nagtawanan kami bigla.

"Friends?" at nilahad niya yung kamay niya. Hala parang ayoko naman makipag-shake hands. Friends lang talaga? I wanted more than that.. Maybe boyfriend or my fiancé or my husband huh? Nako, imagination ko talaga.. But for now sige... "Friends" at nakangiti akong nakipag-shake hands sa kanya.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon