To Infinity and Beyond 50

34 1 0
                                    

CARRIE'S POV

Sobrang saya ko na talaga dahil nagka-ayos na kami ng mahal ko. Iba talaga sa pakiramdam na ayos na kami. Para siyang isang piraso ng parte ng puzzle na nagbuo ng puso ko at nagpapasaya nitong buhay ko.

Bumalik na kami sa dati at matapos noong nangyari sa amin, parang mas tumatag yung relasyon namin, mas naging mature kami sa isa't-isa, mas inintindi na namin yung mga bagay at mas lalong naging sweet kami sa isa't-isa.

Naging ayos na rin ang career niya. Alam kong sa una naging mahirap sa kanya na bumalik sa industriya dahil nga ang panget ng naging tingin sa kanya ng ibang tao matapos mangyari yung suntukan sa supermarket pero dinoble niya ang effort niya sa trabaho at pinakita niya sa publiko na tao lang din siya, hindi perpekto at nagkakamali rin.

Nakapagrelease na siya ng third album niya at katulad ng dalawang album na narelease niya dati, naging successful ulit ito.

Higit sa lahat at kahit ayaw na ayaw niya kasi wala daw sa personality yun, humingi siya ng tawad kay Tyrone.

At matapos ang dalawang buwan ng pagod, hirap at puyat sa pag-aaral, ito na ako ngayon at tatanggapin ko na ang aking diploma.

"Carrie Geronimo, Cum Laude." tawag sa akin ng adviser ko.

Umakyat ako sa stage kasama sila mommy at daddy. Si daddy yung nagsabit sa aking ng medal. "Congratulations, anak." sabi niya tapos niyakap niya ako.

Si mommy naman umiiyak na at niyakap din ako ng mahigpit, "Proud na proud kami sayo ng daddy mo, anak."

"Congratulations, mahal!" nakangiting salubong sa akin ni Jeric ng bumaba ako sa stage at inabot yung boque ng roses. Tsaka niya ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ang pisngi ko. "I'm proud of you." Buti nalang formal event 'to. Kung hindi kanina pa siguro pinagkaguluhan itong boyfriend ko.

Bumalik na ako sa upuan ko at nakinig naman dun sa speech nung Suma Cum Laude na kumuha ng Business Management. Hindi ko maiwasang hindi mapabilib sa kanya. Hindi na kaya siya natutulog at puro aral nalang ang ginagawa niya?

Nga pla, hindi na tinapos ng mahal ko yung program kasi meron pa daw siyang mall tour sa Greenbelt, Makati kaya mamaya na daw kami magce-celebrate. Ang imporante lang daw sa kanya eh makita akong umakyat sa stage at makuha yung diploma ko. Ang sweet talaga ng mahal ko di ba? Kahit kasi sobrang busy niya, nagawan pa rin niya ng paraan na magpunta sa graduation ko.

"Sis!" patakbong tawag sa akin ni Juris "Congratulations!" at niyakap ako ng mahigpit. Matagal na din pala kaming nagka-ayos ng best friend ko. Nung araw na nagkaayos kami ni Jeric, yun din yung mismong araw na nagkabati kami ng best friend ko.

"Babe,ang bilis mo namang tumakbo." sabi ni Tyrone. Sabay akbay kay Juris.Magdadalawang linggo na silang magkasintahan. Nakakatuwa yang dalawang yan kasiparang aso't pusa. Hindi kumpleto ang isang araw na hindi nag-aaway yangdalawang yan pero ganoon pa man, alam ko at the end of the day, nagkakabati yanat na mahal nila yung isa't-isa.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon