To Infinity and Beyond 38

38 1 0
                                    

JERIC'S POV

Ang bilis ng panahon at pasko na agad. Bukod nga pala sa pasko, special din ang araw na 'to sa aming dalawa ng mahal ko kasi ito yung first monthsary namin. Parang sobrang rami ng nangyari at pinagdaanan namin ng mahal ko di ba? Pero nakaka-isang buwan pa lang kami. Siya na ang naging pinakamatagal kong girlfriend dahil madalas umaabot lang ng isang hanggang dalawang linggo ang relasyon ko sa mga naging previous girlfriends ko. I would mind spending another day, countless weeks and months, beyond forever years and my whole lifetime with her. She may not be my past, but she's my girl now and I will make sure that she will be my wife in the future.

Nakausap na namin ni Rein si mommy at daddy sa Skype. Nasa Singapore sila ngayon para subaybayan yung bago naming company dun. Hindi pa ganoon ka-stable yung company namin dun that's why they really need to be involved in it. Sana'y na naman din kami ni Rein na hindi sila kasama tuwing pasko.

Kahit na holiday, dumiretso ako sa studio para magrecord ng dalawang kanta to be involved in my third album, mostly ballad yung genre ng mga kanta ko in this album; having those so cheesy and romantic lines dahil inspired na inspired daw ako which is totoo naman talaga.

Sinundo ko si Rein sa bahay namin. Pupunta kami kila Carrie para doon magcelebrate ng Christmas. Naikuwento yata ni Carrie kila tito at tita na wala sila mommy at daddy ngayong pasko kaya pinilit nila kaming dun na sumama sa kanila.

"Good afternoon po tita, Merry Christmas po!" bati ko kay Tita Ariel, mommy ni Carrie na siyang nagbukas ng pinto.

"Good afternoon din, hijo! Pasok kayo." nakangiti niyang sabi at binuksan ng malapad ang pinto. Binati din naman ako ni Tito Fred na naka-upo dun sa sala. Pinakilala ko din pala sa kanila si Rein.

Napansin kong pababa ang aking mahal sa hagdanan wearing simple blue three-fourth blouse at nakapusod lang yung buhok niya. Still she's so sexy and gorgeous.

"Hey beautiful!" salubong ko sa kanya.

"Hello there, handsome!" nakangiti siyang nang-aasar sa akin.

Mamaya ko na siya babatiin tungkol sa monthsary namin para may surprise.

Nag-movie marathon kami kasama sila tito at tita, kumain at nagkwentuhan. Kaso hindi ko naman malambing ang mahal ko kasi andito yung parents niya. Medyo nakakahiya.

Nakakatuwa lang din kasi lalo kong nakilala sila tito at tita. Nilaglag nga ni tita si Carrie eh, matagal na daw akong crush ng mahal ko at halos lahat ng youtube videos ko nakadownload sa laptop niya. Akalain mo yun, matagal na pala akong gusto nitong mahal ko pero ang tagal ko din siyang niligawan. Hayaan na nga, worth the wait naman ang pag-aantay at akin na siya ngayon.

Pagkatapos naming kumain ng dinner, nagpaalam muna ako na maglalakad-lakad lang kami ng mahal ko sa labas.

Nakasuot kami parehas ng jacket at magka-holding hands kaming nagtungo dito sa may garden nila. It's so cold outside but holding her hands felt just so warm.

"You never told me na crush mo na pala ako dati." pag-oopen ko ng topic sa kanya.

"Hey drop that topic, mister." nakataas kilay niyang sabi sa akin.

"Until now mahal ko, you're so shy admitting that you really love me." pang-aasar kong muli sa kanya.

"And until now mahal ko, mayabang ka pa rin." balik niyang pang-aasar sa akin.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon