JERIC'S POV
Umaga na ng magising ako. Medyo nabawasan na ang sakit ng ulo ko at hindi na ako nahihilo. Pagpaling ko sa kabilang side ng kama, nakita ko ang mahal ko na nakatungo at natutulog. Ang gandang view naman nito sa umaga. Kawawa naman ang mahal ko, mukhang sobrang napagod kakabantay sa akin kagabi. Lumapit ako sa kanya at nilagyan siya ng kumot.
Pagkatapos noon, marahan kong binuksan yung pinto at dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal namin.
Nagluto lang ako ng fried rice, bacon, ham at egg. Nag-toast din ako ng bread at nagtimpla ng kape. Kahit may mga maids kami, marunong naman akong magluto at gumawa ng ibang gawaing bahay.
Nahanap ko na din pala yung charger ng fone ko, andun lang pala sa mga lalagyan ng CD. Nagtext na din sila mommy at daddy. Nagkaroon pala sila ng business trip sa Hongkong. Si Rein naman, uuwi na daw siya mamaya at panigurado ako na dadating na din yung mga kasambahay namin mamayang hapon.
"Good morning. Are you ok already?" tanong niya sa akin habang naghahain ako.
Ngumiti ako sa kanya, "I guess. Magaling yata ang nurse ko." tsaka ako kumindat sa kanya.
Dinampi niya yung kamay niya sa noo ko, "Buti naman at wala ka ng lagnat. Akin na nga yan." tapos inagaw na niya sa akin yung kutsara't tinidor at siya na nag-ayos nung hapag kainan. "Kilos agad ng kilos eh, baka mabinat ka."
Habang kumakain kami, pinaliwanag ko sa kanya lahat. Simula ng hindi ko siya nasundo noong date dapat namin at nang hindi ako nakapagtext sa kanya. I must be lucky enough dahil naintindihan niya ako. I am really blessed kasi siya yung nagpupuno ng pagmamahal na hinahanap ko sa pamilya ko.
CARRIE'S POV
I already understand everything. Ramdam ko talaga kung gaano siya kaseryoso sa akin.
♫Of all the things I've ever done
Finding you will prove to beThe most important one ♫
Napatingin sa akin si Jeric at nang-aasar na nakangiti. Nakakahiya naman talaga. Bakit kanta niya pa kasi yung ring tone ko?
* Daddy calling...
Lagot si daddy yung tumatawag. Oo nga pala hindi ako umuwi sa bahay kagabi. Patay talaga ako nito pag-uwi ko sa bahay.
Expect sermon at pinindot ko na ang answer button, "Where are you?" medyo kalmado pang tanong ni daddy sa akin.
"Pauwi na po ako daddy. Sorry po hindi na ako nakapagpaalam kahapon." nataranta na kasi ako kahapon nung malaman kong may sakit si Jeric at nakalimutan ko naman magtext sa kanila.
"You explain later." madiin na pagkakasabi ng daddy ko. Good luck talaga sa akin mamaya.
"Opo" sagot ko sa kanya tsaka ko pinindot ang end button. I guess galit talaga si daddy sa akin. Syempre, sino ba namang magulang ang hindi magagalit sa ginawa ko di ba? Tapos lalaki pa ang kasama ko buong gabi. Just great. Kailangan kong mag-imbento ng magandang storya mamaya."
JERIC'S POV
Gusto kong tanungin si Carrie kung bakit kanta ko ang ring tone niya. Pero nag-iba bigla at sumeryoso ang mukha niya kaya hindi ko na tuloy siya mabiro.
"Si Tito Fred?" pagkukumpirma ko kasi narinig kong binabanggit niya yung salitang 'daddy' kanina.
Malungkot siyang tumango sa akin. I guess napagalitan siya dahil hindi siya nakauwi kagabi.
"Hey" hinawakan ko ang pisngi niya. Tapos tumingin siya sa akin. Parang anytime tutulo na yung luha niya, "Don't be upset. Hahatid kita sa inyo at ipapaliwanag ko ang lahat kay Tito."
"Hindi mo alam pag nagalit si daddy." tsaka tumulo na yung luha niya. Ay! Ayokong nakikita kapag umiiyak ang mahal ko. Niyakap ko siya agad at hinagod ang likod niya, "Ako nang bahala." at tsaka ko hinalikan ang noo niya. Akong bahala pero ang totoo nyan sobrang kinakabahan ako. Syempre kahit nakilala ko na si Tito Fred, natatakot ako kasi baka isipin niya na nagti-take advantage ako sa anak niya.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...