To Infinity and Beyond 29

47 3 0
                                    

"Hello sis! Are you listening?" tapos kumaway sa harap ko si Juris.

"Sorry, kinakabahan kasi talaga ako mamaya eh." sabi ko.

Andito kami ngayon sa salon habang naka hot-oil treatment ang buhok ko. Katatapos ko lang bumili ng dress at heels na gagamitin ko mamaya. Buti nalang walang pasok ngayon at nakapagprepare ako.

"Sis naman, nawawala na naman yang confidence mo. Huwag ka na nga mag-isip ng kung anu-ano. I have a feeling na magugustuhan ka ng parents niya."

"Do you think so?"

"I'm so sure of it. Relax sis. You're just stressing yourself." Buti nalang nandito ang best friend ko. At least kahit pano nabawasan yung kabang nararamdaman ko.

Pagkatapos naming magpa-salon, dumiretso na ako sa bahay at nag-bake ng cookies na dadalhin ko mamaya. Sobrang inayos ko yung pag-bake at patingin-tingin ako sa recipe to make sure na tama talaga lahat ng mga measurement sa ingriedients.

Nung naluto na yung cookies. Naligo na rin ako at inayos yung sarili ko. Bagong treatment ang buhok ko kaya ang dulas-dulas. Ang sarap suklayin. Naglagay lang din ako ng konting make-up. Syempre, ayoko namang magmukhang clown sa parents niya. Suot ko nga pala yung dress na binili ko kanina sa kamiseta. It has a combination of pink and white colors match by my silver heels.

"Too beautiful anak." sabi sa akin ni mommy ng makita ako.

"Dalaga na talaga ang prinsesa ko." si daddy.

Narinig ko na yung doorbell. Kinuha ko na yung binake kong cookies at tsaka ako nagpaalam kila mommy at daddy.

"You're way beyond beautiful, mahal ko." Salubong sa akin ng mahal ko at nilagay niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko sa likod ng tenga ko. Tapos he kissed me in my forehead.

Hinawakan niya yung isang kamay ko at siya na yung nagbitbit nung box ng cookies na dala ko. Tapos sumakay na kami sa kotse niya.

Hindi ako nagsasalita sa byahe namin. I'm just too damn nervous.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, "Relax mahal ko. I'm sure that my parents will really like you." tsaka siya ngumiti sa akin. Omo! That killer smile! Buti nalang nandito ang mahal ko at buong byahe namin, hawak niya ang kamay ko. Then I felt safe and secured.



JERIC'S POV

Pagdating namin sa tapat ng bahay, ramdam ko pa rin na kinakabahan ang mahal ko. But much better kaysa kanina na sobrang lamig ng kamay niya. Her hand is so soft. It perfectly fit in the gaps of my fingers. I could hold at it forever.

"Mommy and daddy, this is my beautiful girlfriend, Carrie." proud na proud kong pagpapakilala sa kanya. I want to assure her that's she's perfect to me.

"Nice meeting you po." nahihiyang sabi niya at nakipagkamay sa parents ko. "Nga po pala, this is for you." tsaka niya inabot yung box ng cookies na sure ako na siya yung nagbake.

"Did you bake this, hija?" tanong ng mommy ko sa kanya.

"Opo ma'am." tsaka siya tumango sa mommy ko.

"You're too formal hija. Just call me tita." nakangiting sabi ni mommy.

"Sige po, ma'am. Ey este tita." nahihiyang sabi niya sa mommy ko at nagtawanan naman sila ni mommy.

"I think I met you before." sabi naman ni daddy sa kanya na nag-iisip pa rin. "I got it, ikaw yung anak ni Fred, right?"

"Opo."

"Hon, siya yung anak ni Fred, our business partner. Do you remember?" tanong ng daddy ko kay mommy.

Nag-iisip naman si mommy at inaalala niya, "Hmmm.. naalala ko na. Meron na palang dalagang anak si Fred at Ariel and this girl is really beautiful. Bagay na bagay sa anak natin." dagdag ni mommy.

"Come hija, kumain na muna tayo." tapos hinawakan ni mommy yung kamay ni Carrie at nagpunta kaming lahat sa dinning area. Sabi ko na nga ba eh, my mom will really like her.

Puro na sila kwentuhan at ang rami na nilang tanong tungkol kay Carrie at tungkol sa aming dalawa. I really dreamed to have this kind of family, yung kumpleto kami at sabay-sabay kumakain, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Kaso once in a blue moon lang mangyari yan kaya sinusulit ko talaga yung mga pagkakataon na 'to.

After namin kumain, nagpunta naman kami sa sala. Puro naman kami picture taking. Ang saya-saya din ng kapatid ko ngayon.

"Why not isama natin si Carrie sa rest house natin sa Palawan after your concert Jeric? sabi ni daddy. Hindi kasi makakapanuod sila daddy ng concert ko bukas. Meron kasi silang important business trip sa client nila sa France and it cannot be move dahil sobrang tagal na noong naka-schedule at ang hirap makakuha ulit ng appointment dun. Syempre business, naiintindihan ko naman and for exhange pinangakuan nila ako ng 2 days vacation sa rest house namin so it's not a bad offer though.

"That's a great idea, hon!" nakangiting sagot ni mommy.

"I'm so excited na!" si Rein.

"Is it ok, mahal ko?" nagpapacute akong tumingin sa kanya.



CARRIE'S POV

Ayan na naman yung nagpapacute na tingin ng mahal ko. Gwapo-gwapo talaga. "Ok lang kaso hindi ko alam kung papayagan ako nila mommy at daddy." Wala naman masama kasi start na ng Christmas vacation ko bukas. Hindi ko lang alam kung papayagan ako.

"Problema ba yun, mahal ko? Ipagpapaalam kita kay tito at tita."

Matapos ng mahabang kwentuhan namin ng pamilya ni Jeric, hinatid na ako ng mahal ko sa amin at pinagpaalam niya na agad ako kila mommy at daddy para dun sa outing. Walang kahirap-hirap at pumayag agad ang parents ko.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon