Gabi na ng dumating kami sa NAIA.
"Mahal, dito ka muna. CR lang ako saglit." paalam sa akin ni Jeric.
"Sige mahal ko." sabi ko sa kanya at iniwan niya akong nakaupo dito sa may waiting area.
Ginawa kong busy ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa mga tao sa paligid. Hindi gaanong marami yung nasa airport ngayon. Sila mommy at daddy naman, hindi daw ako masusundo ngayon dahil nagbakasyon sila sa Malaysia. Ang daya kasi hindi ako sinama. Hahaha.
Ang tagal naman ni Jeric, naiinip na ako.
Tapos biglang namatay lahat ng ilaw. May gosh! Kinakabahan na ako at sobrang dilim. Naramdaman ko ring may parang tumutulo mula sa itaas pero hindi naman ulan kasi pakiramdam ko medyo malaki yung mga bumabagsak.
Tumahimik din yung paligid at pakiramdam ko na parang ako nalang yung tao dito. Hindi ko napigilang mapatayo sa kinauupuan ko. "Hello po! May tao po ba rito?" sigaw ko at dahan-dahan akong naglalakad pero walang sumasagot sa akin.
"Mahal ko?!" sigaw ko.
"Jeric!" mas malakas na sigaw ko pero wala pa ring sumasagot. Nanlalamig na 'tong mga kamay ko at nakakaramdam na ako ng kaba at takot.
Maya-maya'y unti-unti ng nagbukas ang mga ilaw. Pero hindi na yung ordinaryong ilaw sa NAIA. Punong-puno na ng Christmas light yung paligid at yung nararamdaman ko palang bumabagsak sa akin kanina ay mga petals pala ng bulaklak at may nagkalat na ding iba't-ibang kulay lobo sa lapag.
Kasabay nito ang pagtugtog ng pamilyar na musika sa akin.
♫ Of all the things I've ever done
Finding you will prove to be
The most important oneI would never trade the tears
The conversation no-one hears
The learning how to walk before we run ♫Nanindig ang balahibo ko sa katawan ng unti-unti siyang lumapit sa akin habang kumakanta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakapagpalit na siya ng damit at mas lalo siyang guwapo sa suot niyang color gray na button down long sleeve na itiniklop niya hanggang siko at simpleng blue na jeans.
♫ Of all the kites I ever flew
Most came tumbling down
Except the one I sent up with you
I don't want to change a thing
Break the spell
Cut the string
When every wish I made is coming true
With you ♫Hindi niya inaalis yung titig niya sa akin at nakangiti siya sa akin. Omo! That killer smile.
♫ Sometimes I forget
To say how much I love you
Purposely I bet
'Cause I'm so busy thinking of you ♫Hinawakan niya yung isang kamay ko at dinala niya ako sa gitna. Doon ko lang napansin na napapalibutan na kami ng mga taong importante sa amin at masayang tinitignan kami.
♫ So, in this world of odds and ends
I'd rather have a part of you
Than all of my so-called friends
You have taught me how to feel
What is false and what is real
Of all the things I ever want to do
I think I'll start and end with loving you
Oh, you have taught me how to feel
What is false and what is real
Of all the things I ever want to do
I think I'll start and end with loving you ♫Sa lahat ng kanta niya, ito talaga ang favorite ko. Ito pa nga ang ring tone ng cellphone ko eh. Iba pala talaga kapag kinanta niya ng live, mas nakakakilig.
Pagkatapos niyang kumanta, nagpatuloy pa rin ang instrumental song na tinutugtog ng isang live band na nandun sa gilid.
Dumukot siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan yung luha ko na kanina pa tumutulo.
"Hmmm.." malalim niyang buntong hininga. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya at nangingilid na ang luha sa mga mata niya.
"If there's one thing that I'm really thankful mahal ko, yun yung araw na nakilala kita." panimula niya. "You taught me a lot of wonderful things that I never imagine and you really made me a better person." Hindi pa rin maalis ang pagtitig niya sa akin at tumutulo na rin yung luha sa mga mata niya. "I just love everything about you mahal ko and I want to spend the rest of my life loving you."
May dinukot siya sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumuhod sa harap ko. Ibinaba niya na yung microphone na hawak niya at binuksan niya yung maliit na box.
Sobrang ganda ng singsing. Yung design na infinity symbol nito sa gitna, kumikislap talaga at halatang gawa sa diamond.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
"Will you be with me through infinity, mahal ko? Please be Mrs. Carrie Geronimo Tan?"
"Will you be with me through infinity, mahal ko? Please be Mrs. Carrie Geronimo Tan?"
"Will you be with me through infinity, mahal ko? Please be Mrs. Carrie Geronimo Tan?" parang inuulit-ulit sa utak ko. Hindi ko lubos maisip na magpro-propose siya sa akin ngayon.
"Yes, mahal ko." buong puso kong sabi sa kanya. No doubt, I really want to be Mrs. Carrie Geronimo Tan. I love him and I gladly want to be with him through infinity.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...