To Infinity and Beyond 11

49 4 2
                                    

JERIC'S POV

Bakit ko ba kasi nakalimutan kunin yung brown envelope sa table ko? Malalaman ko na sana yung profile niya. Sabay kamot sa ulo ko.

Pero ok na rin kasi nagkita kami kanina. Ang ganda niya lang talaga. Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko siya eh.

Wala naman akong masyadong gagawin bukas. Buti nalang wala pa si Sandy Bum. Si Sandy Bum, siya nga pala yung talent manager ko. Naka-leave siya ng one month dahil nagpunta siya sa Korea para pakasalan yung fiancé nyang Koreano. Kung hindi, nako! Tadtad na siguro ako ng schedule ngayon.

* * * * * * *

Pagkagising na pagkagising ko, nag-ayos ako agad at dumiretso sa studio para makuha yung brown envelope sa may drawer ng table ko.

Umupo muna ako sa swivel chair at pagbukas ko ng folder na nasa brown envelope, tumambad agad sa akin ang magandang litrato ni Carrie. No doubt, she's really gorgeous, hot, sexy, humble, intelligent at lahat na ata ng magandang adjectives bagay sa kanya. Exaggerated but she's definitely one of a kind and I may sound gay but I am head over heels in love with her.

Nandito yung cellphone number niya, e-mail address, home address, class schedule and everything I want to know about her. One thing that surprises me the most eh sa kanya pala yung The Kitchen na restaurant na kinainan namin ni Rein kahapon. Pero hindi niya sinabi sa amin. She is just so hunble and take note, she's running for Cum Laude. Beauty and brains pa.

Habang patuloy kong binabasa yung profile niya, patuloy lang akong humahanga sa lahat ng achievements niya. Siya yung tipo ng babae na kailangan sineseryoso at hindi dapat paglaruan. Parang sobrang fragile ng puso niya. Kaya ko nga kayang maging seryoso sa isang relasyon para sa kanya?

Kinuha ko yung shades ko at isinuot ko yung cap ko. Tinulak nalang ako ng paa ko papunta sa school nila at ito ako ngayon, matiyagang nag-aantay sa labasan niya. I think, it's worth taking a try. I don't wanna miss a single day without her. I'm goanna be serious and would never hurt her.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon