To Infinity and Beyond 18

47 3 0
                                    

CARRIE'S POV

"Best!" nakita ko agad ang bestfriend ko at nakipagbeso-beso sa kanya.

"Ikaw sis ha, may nanliligaw na sayo pero hindi mo ikinuwento sa akin. Nagtatampo ako sayo." at nag-pout siya.

Nanlaki yung mata ko at napakunot ng noo, "Paano mo nalaman?"

"Nakita kong may naghatid sayong lalaki kanina at ang elegante ng kotse ha. Now, tell me about the guy." nag-crossed arms pa siya.

Lumapit ako sa kanya, "Si Jeric yun" mahina kong sinabi.

"Oh my!" nakita kong nanlaki yung mata niya at niyakap ako bigla. "Sis, dream come true!" parang kinikilig pa siya.

"Best, huwag OA. Nanliligaw pa lang. Hindi ko pa boyfriend." natatawa kong sabi sa kanya.

Nagbell na at pumasok na kami sa kanya-kanya naming klase. Binigyan pa kami ng assignment ngayon. Mukhang magiging busy ako nito mamaya ha.

Sabay na kaming naglakad ni best palabas ng school. "Sis, nandyan na ang sundo mo." sabay nyan turo dun sa eleganteng kotse ni Jeric.

"Sinundo na naman niya ako." napapangiti kong sabi.

"Ang sweet ng manliligaw mo sis. Partida, busy pa yan"

"Oo nga. Sabi ko sa kanya, hindi naman niya kailangan gawin 'to. Lika at ipapakilala kita sa kanya."

Naglakad na kami ni Juris palapit sa kotse niya at agad naman siyang bumaba doon. As usual, with his cap and shades.

Ngumiti siya agad sa akin at kumaway. Omo! Ang gwapo talaga.

"Hi!" nakangiti kong bati sa kanya.

"How's your day?" tanong niya sa akin.

"Good. Ikaw?"

"Ayos lang, medyo busy lang din."

"Sabi ko naman sayo eh, hindi mo naman ako kailangan ihatid at sunduin."

"I insist. Di ba sabi ko naman sayo, I like doing it." Kinikilig na naman ako. "By the way, I want you to meet my best friend, Juris. Best, this is Jeric. Jeric, this is Juris." pagtanggal ko sa awkwardness. Buti nalang andito ang best friend ko tapos nagkamayan sila.

"Sis, tama pala yung sinabi mo. Gwapo niya pala talaga sa personal." sabi ng best friend ko.

"Really?" natatawang sabi ni Jeric.

"Oo, tsaka alam mo ba na crush na crush—" siniko ko na yung bestfriend ko. Napakadaldal. Nilalaglag niya na ako. Inirapan ko nga siya.

"Sorry sis. Ang daldal ko pala." guilty na sabi ng best friend ko. Napatawa namang maigi si Jeric. "Sige na, ingat kayong dalawa." pagpapaalam niya sa amin. "Jeric, ikaw na bahala sa best friend ko ha."

"Hmmm.. sabay kana sa amin. Hatid na kita sa inyo." si Jeric. Dahil sa pangungulit ni Jeric wala na din nagawa ang best friend ko. Una siyang hinatid ni Jeric tapos hinatid niya na ako sa bahay namin. Meron pa rin kasi siyang work tsaka may mga assignment din akong kailangan gawin.


JERIC'S POV

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung sinabi sa akin nung bestfriend ni Carrie. "Tsaka alam mo ba crush na crush.."

Si Carrie kaya ang may crush sa akin? Pero bakit hindi ko naman halata? Pero bakit niya din siniko si Juris at inirapan? Ay! Ayoko na ngang mag-isip. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya, basta ang sure ako.. Ako... Gustong- gusto ko siya.

Nandito ako ngayon sa studio para magrecord ulit ng kanta para sa album ko. Mas masarap talagang kumanta kapag may inspirasyon. Tapos mamayang gabi, meron naman akong gig. Next time ko na lang isasama si Carrie sa gig ko kasi marami daw siyang assignment ngayon. Sana kapag dumating yung time na sobrang busy na ako, sana maintindihan niya.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko siya. Parang namiss ko agad ang prinsesa ko ha.

Maka-sampung ring din ata bago niya sagutin yung tawag ko.

"Sorry, busy ka pa rin ba?"

"Hindi na naman masyado. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala naman. I just miss listening to your voice."

"Puro ka talaga kalokohan."

"No, I'm just telling the truth and nothing but the truth." napapatawa kong sabi sa kanya.

"Hmmm.. so kamusta ang recording mo?"

"Ayos naman. Want to hear my song?"

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon