To Infinity and Beyond 32

42 2 0
                                    

JERIC'S POV

Nakatanggap na ako ng tawag galing kila mommy at daddy at binati nila ako. They keep on telling me how proud they are to me at sa lahat ng na-achieve ko. Nagsosorry din sila kasi hindi nga sila nakapanuod sa concert ko. Sinabi din nila that they will be late for an hour kaya mauna na daw kami dun sa rest house namin.

Ang rami ko ding natanggap na mga text messages and gifts from my fans after that concert. Sandy, my manager, even told me na ako ang headline ng dyaryo ngayon at ang sold out concert ko naman ang laman ng balita sa TV at radyo ngayon.

Nakakatuwa lang kasi naging successful ang concert ko.

Medyo namamalat ako at masakit ang buong katawan ko. I guess ngayon lang naramdaman ng katawan ko lahat ng pagod pero ok lang kasi I've got my two days vacation from work.

Kasama ko na yung kapatid ko ngayon dito sa kotse at susunduin ko na ang mahal ko.

Nagplain white T-shirt lang ako at pantalon. Sinuot ko din yung shades ko ng bumaba ako ng kotse feeling ko kasi anlaki ng eyebags ko dahil ilang oras lang din ang tinulog ko.

"Good morning, mahal ko." hindi pa maayos ang pagkakasabi ko nyan dahil hinahabol ko yung boses ko na nawawala-wala pa.

Nakasuot din ng plain white T-shirt ang mahal ko at nakapantalon din siya. Hindi namin pinag-usupan yan ha pero destiny talaga kami nitong mahal ko.

"Good morning din, mahal ko. Kawawa naman ang baby ko, paos tuloy ngayon." tapos nag-pout siya sa akin and she just called me 'baby'. Ang sweet naman ng mahal ko.

"Are you making fun of me, mahal ko?" nag-smirk ako sa kanya.

"Hey, don't talk a lot. You don't have enough voice, mister." nang-aasar niyang sabi sa akin.

Nakakatuwa talaga ang mahal ko. She's cheerful talaga. Kahit pagod ako at nang-aasar siya, bigla nalang nawawala. Para siyang may dala-dalang araw everytime na napapagod ako 'cause she just give me energy and her smile always brighten my day.

Lumabas na sila Tito Fred at Tita Ariel tapos nagpaalam na din kay Carrie. Kinuha ko na din yung dala niyang maleta at nilagay ko dun sa compartment ng kotse ko.

Dito siya umupo sa may passenger seat at hinawakan ko yung isang kamay niya habang nagda-drive ako. Parang nagiging habit ko na talaga 'to kapag magkasama kami.

"Hello ate Carrie!" bati agad ni Rein sa kanya. Si Rein na rin ang nagkwento sa kanya na mali-late sila mommy.

Papuntang hotel sila lang ni Rein ang nagkukwentuhan at everytime na sasali ako sa usapan nila. Nang-aasar na iniirapan ako ng mahal ko at pinipisil yung kamay ko.



CARRIE'S POV

Medyo naawa ako sa mahal ko kasi hindi ko talaga siya gustong pagsalitain. Well, I'm just conserving his voice.

Nagtaka ako kasi tumigil yung kotse namin sa isang building. Dala-dala na ni Jeric yung bagahe namin ni Rein at yung isa naman nyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.

Sumakay na kami sa elevator at bumukas ang pinto nito sa may roof deck.

Nagulat ako sa helicopter na tumambad sa harapan namin. Ganto ba talaga kayaman ang mahal ko at sasakay pa kami dito sa helicopter?

Nilahad ng mahal ko ang kamay niya at inalalayan niya kami ni Rein na maka-akyat sa helicopter, tapos umupo siya sa tabi ko at binaba niya yung bagahe namin sa harapan niya.

My gosh! First time kong sumakay sa helicopter. Nakaka-excite lang. Nakangiting hinawakan niya yung kamay ko at ramdam kong unti-unti ng umaangat ang sinasakyan naming eroplano.

Yung view dito sa taas, sobrang breathtaking. Sobrang ganda!

"Ate, alam mo ba trending yung pagharana sayo ni kuya kagabi?" si Rein sabay pakita sa akin ng cellphone niya.

"Oo nga nuh." tapos nakita ko pa na meron kaming videos. Pinindot niya agad yung play button sa video at pinanuod namin ito parehas.

"Ang sweet talaga ninyo, ate" kinikilig-kilig pang sabi ni Rein.

"Ikaw talaga. Kaso nakaka-awa naman ang kuya mo. Sobrang paos naman ngayon." tsaka kami tumingin kay Jeric na nakatulog na.

"Naku ate, napagod talaga si kuya kagabi."

"Oo nga." naawa naman ako sa mahal ko. Isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko at cinuddle ko siya.

Hindi ko alam kung ilang oras din kami sa himpapawid. Nung maramdaman kong lumapag na yung sinasakyan namin, mahina kong tinapik si Jeric sa pisngi, "Mahal ko, andito na tayo."

Inangat na niya yung ulo niya sa balikat ko, "Sorry mahal, nakatulog ako." namamalat pa rin niyang sabi sa akin at nag-inat. "Did you sleep well?" tanong ko sa kanya.

"I did. I feel safe in your shoulder, mahal ko." tapos kumindat siya sa akin.

Siniko ko yung tiyan niya, "Puro ka talaga kalokohan." at inirapan ko siya.

"Ate, kuya.. baka gusto na ninyong bumaba ha?" singit ni Rein at nagtawanan kaming tatlo.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon