To Infinity and Beyond 56

30 1 0
                                    

JERIC'S POV

Sobrang rami kong ginagawa lately dahil inaayos na nila ang second concert ko and they like to do it in Indonesia. Celebrity na din pala ako doon dahil sumikat ng maigi yung single ko doon na "The way you look at me" at minsan na rin akong nakapag-guess sa TV Shows nila doon.

Nakakatuwa lang din yung mga Indonesian fans ko dun kasi para din silang mga Pilipino dahil mababait din sila.

Simula din ng umalis si Carrie dito sa Pilipinas, hindi na ako tinantanan ng media at kumakalat yung issue na hiwalay na kami. Too bad dahil nagkakamali sila. Magce-celebrate na nga din kami ng anniversary naming eh. I've been faithful to her for a year now and that must be a real achievement for me. Wala eh, tinamaan talaga ako sa kanya. I badly miss her and I can't wait to see her very soon.

Sila mommy, daddy at Rein naman, lagi kaming magkakasama sa bahay at mas naging close ako sa kanila ngayon.

CARRIE'S POV

Nakalipas na ang apat na araw at natapos ko na din yung narrative report ko. Nadagdagan pa pala yung mga card na bigay sa akin ng mahal ko.

22. I love your simplicity because that really makes you beautiful.

23. I love the faith that you have in me.

24. I love how you give the word "perfect" a new meaning

At ang pinakagusto ko eh yung natanggap ko ngayon,

{I just love everything about you and I would never get tired loving you. Happy Anniversary, mahal ko! I love you so much!}

Sobrang saya ko talaga ngayon at super excited na akong sopresahin ang mahal ko.

Nandito na ako sa school ngayon at pinasa ko na yung final narrative report ko. Sa wakas natapos ko na rin ang Baking, Pastry and Culinary Arts na course ko.

Sobrang rami kong natutunang bagong techniques at recipe sa pagluluto at pagbi-bake. Talagang ma-aapply ko yun sa restaurant ko pag-uwi ko sa Pilipinas.

Higit sa lahat, natutunan ko na possible pala talagang magwork ang long distance realationship. Kailangan nyo lang talaga ng tiwala sa isa't-isa at bigyan ng effort at time ang bawat isa.

Excited ko ng tinawagan ang mahal ko at isang ring palang, sinagot niya na agad. Aba! Ibang klase 'tong mahal ko ngayon ha.

"Happy Anniversary, mahal ko!" sobrang saya kong bati sa kanya.

"Happy Anniversary din mahal ko."

"Hindi ka ata busy ngayon ha? Ang bilis mong sagutin ang tawag ko eh."

"Hindi nga masyado mahal ko."

"Na saan ka ngayon?"

"Sa school."

"Bah, kelan ka pa naging interested pumunta sa school ha?" pabirong sabi ko.

"Ngayon lang ulit." natatawang sabi nya. "May iniintay kasi ako eh."

"Si Rein ba, mahal? Di mo naman nasabi sa akin na sinusundo mo na si Rein ngayon." pang-aasar ko sa kanya kasi never niya talagang hinatid at sinundo si Rein sa school nito dahil ayaw niya.

"Hindi mahal. Sige na, nakikita ko na siya. Tatawagan nalang kita mamaya." tsaka niya in-end yung call. Aba! Sino naman kaya yung susunduin ng mahal ko at binaba agad yung call na wala man lang "I love you" and to think na anniversary namin ngayon. Nagtatampo ako ha.


To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon