To Infinity and Beyond 16

52 4 0
                                    

CARRIE'S POV

Bakit ganoon yung simpleng biro ko kapag siya yung nagbibiro kinikilig ako ng sobra? At grabe lang kasi lahat ata nung tungkol sa akin, alam na niya. More than anything else, ang first date ko lang naman eh sa ultimate crush ko. Sa isang artistang nag-disguise pa para lang makasama ako. Isn't it amazing? :)

Pero mukhang lagot ako ngayon dahil andito na ang daddy ko at si mommy naman tahimik lang na nakaupo sa may sala at mukhang kanina pa sila nag-iintay sa akin.

Ok, ano bang ipapalusot ko? Ang panget namang sabihin na late na ako umuwi kasi nakipagdate ako. Hay... Bahala na. Humalik ako sa pisngi ni daddy at ni mommy.

"D-daddy.. m-mommy, s-sorry po kasi na late na ako ng uwi. M-may.." Argh! Wala na akong maisip na dahilan at napakamot ako sa ulo ko.

"May date kasi kayo ni Jeric." pagdidiretso ng mommy ko at sobrang lapad ng pagkakangiti sa akin.

"Come on baby. Why don't you tell us about your date?" sambit naman ni daddy na nakangiti rin.

"Honey, she's not a baby anymore. May prince charming na ang ating princess!" pang-aasar ni mommy.

"Paano po ninyo nalaman?" gulat kong tanong sa kanila.

"Tumawag kanina sa akin si Jeric at pinagpaalam ka. Then tinawagan ko agad ang mommy mo para hindi siya gaanong mag-aalala sayo." pagpapaliwanag ni daddy sa akin.

"I like the determination of Jeric, hon. He's a brave man." sabi naman ni mommy.

"Yes honey. Gusto ko rin yung ginawa niya."

Ako, nakatulala lang at todo pakinig sa usapan nila mommy at daddy. Mukhang botong-boto na ang parents ko sa kanya ha.

"Teka hon, dapat si Carrie ang nagkukwento di ba?" nang-aasar si mommy.

"Oo nga nuh." natatawang sabi ni daddy at sabay nilang binaling yung atensyon sa akin. "So kamusta ang date ninyo princess?" at inaasar na nila ako parehas.

Now I'm the center of their attention, "It's good dad. Feeling ko naging artista ako ng isang araw kasi palagi kaming tinitignan ng mga tao kahit pa naka-cap at shades siya. Agaw atensyon pa rin." natatawang pagkukwento ko habang inaalala ko lahat ng nangyari kanina.

"Seems like he's really doing an effort para lang makasama ka anak ha?" napapa-bilib na compliment ni daddy.

Puro lang pa kwento sila mommy at daddy tungkol sa mga pinuntahan namin kanina. After nun, umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama. Hay.. nakakapagod yung araw na 'to pero sobrang saya ko naman.

Maya-maya pa'y napa-upo ako at kinuha yung cellphone ko sa bag. Pinagmasdan ko ulit yung picture naming dalawa nung unang pagkikita namin. Hay! Sobrang gwapo nya lang talaga and he's making me fall inlove with him evenmore. Kaya mo nga kaya akong intayin at mahalin ng seryoso?

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko at agad ko namang binuksan yung message.

From: Unknown Number

Good Evening, misis!

Napangiti nalang ako bigla. Unknown number man yung nakaregistered sa cellphone ko, kilalang-kilala ko na talaga kung sino 'to. Pero syempre kailangan kong siguraduhin.

Jeric?│mabilis kong reply sa kanya.

You really know me huh?

Ikaw lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan eh.│pag-eexplain ko sa kanya.

Syempre, akin ka lang kaya.│At nagawan pa nya yan ng banat ha?

Excuse me?│reply ko nalang sa kanya, kahit ang totoo.. kinikilig na ako.

I'm just kidding. But I know someday, you're goanna be mine.│Ok! There you go, mukhang nagpa-party na naman ang mga dragons sa tyan ko. Iih! Buti hindi niya ako nakikita, kung hindi makikita nyan sobrang pula ng mukha ko.

JERIC'S POV

Hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko sa pagsabi kung gaano ko siya kagusto.

Salamat nga pala kanina kasi pinagpa-alam mo ako kila mommy at daddy.│reply niya sa akin kanina.

Kung alam lang niya yung kabang pinagdaanan ko ng itext ko ang daddy niya. Yan yung ginawa ko habang iniintay ko siyang lumabas sa school nila. Katulad ng sabi ko sa inyo, seryoso ako sa kanya at tama lang sigurong malaman ng parents niya na nanliligaw ako sa anak nila. Ang unang babaeng pinagpaalam ko sa magulang niya para lang makipagdate ako sa princessa nila.

Wala yun. Ginawa ko lang yun para hindi sila mag-alala sayo. Siya, sige na. Ayokong mapuyat ka. Good night, Carrie.

Hindi ko na siya tinatawag na misis. Baka kasi mainis na siya sa akin. Tatawagin ko nalang siyang "misis" kapag kasal na talaga kami. :)

I'm really falling for you every single day.│ nakangiti kong dinagdag sa message ko kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko.

Bolero! Good night din, Jeric  :)│reply niya sa akin. Sobrang lumawak ang pagkakangiti ko. I guess I will really have a good sleep tonight. See you sa panaginip prinsesa ko.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon