JERIC'S POV
Inalalayan ko na silang dalawa na bumaba sa helicopter at agad namang kinuha nung driver namin yung mga bagahe.
Sumakay na kami dito sa kotse and after 15 minutes, nakarating na kami sa rest house namin dito sa Amanpulo, Palawan.
Sa pagkakatanda ko, last year ako huling bumisita dito. Wala naman gaanong nagbago dito sa rest house namin, maganda pa rin at peaceful. Our resort house is surrounded with many trees kaya sobrang relaxing sa pakiramdam.
Binili ito ni daddy when I was still 5 years old at dito ako madalas pumunta kapag stress ako sa trabaho. May malalapit ding mga bahay dito at yung mga kapitbahay namin dito, workaholic kaya hindi big deal sa kanila yung pagiging artista ko. Kaya normal ang buhay ko dito and no need para magdisguise pa ako.
Hinatid ko na sila Carrie at Rein sa room nila. Dapat magkahiwalay sila ng room eh, but both of them kept on insisting na magsama nalang sila sa isang room para makapagbonding pa daw sila kaya wala na akong nagawa.
Pagkatapos noon, pumunta na ako sa kwarto ko at humiga sa malambot na kama. Yung totoo, napapagod talaga ako dahil doon sa concert ko kagabi pero ayoko namang sirain itong bakasyon na 'to kasi minsan lang talaga ako mabigyan ng leave sa work kaya dapat sulitin ko 'to.
Pumunta na ako sa room ng girls at kumatok, "Girls, tapos na kayong magbihis?" pilit kong magsalita. Ang sakit na talaga nitong lalamunan ko.
"Yes, kuya. You can come in." rinig kong sigaw ng kapatid ko.
Pumasok ako sa room nila at nakita kong nag-aayos pa rin sila ng gamit, "Mamaya na yan girls. Gala na muna tayo." yakag ko sa kanila.
"Where do you think you're going, mahal?" at nagcrossed arms ang mahal ko. Anong problema nito?
"Sa labas, gagala." explain ko sa kanila tapos nagmostra pa ako ng thumb ko sa labas.
"Anong gagala? You need to take a rest mahal ko." medyo malakas niyang sabi sa akin. Medyo nakakatakot palang magalit ang mahal ko. Hahaha.
"Oo nga kuya, napag-usupan na namin ni ate na kailangan mo munang magpahinga." nakangiti namang pag-eexplain ng kapatid ko. Na appreciate ko naman yung concern nila sa akin pero sayang din naman yung gala.
"Pero—" mag-eexplain pa sana ako pero sabay silang nagsalita.
"Mahal ko!" "Kuya!" and then giving me a dangerous glare with matching crossed arms pa silang dalawa. Ang galing nila! Sabay na sabay eh! Prinactice kaya nila yun? Seriously, nakakatakot silang tignan.
"Besides kuya, napagod din kami ni ate Carrie sa byahe. We need some beauty rest." pagpapaliwanag naman ni Rein.
"Ok. Ok. Sige na, pahinga na muna tayo." tsaka ako lumabas sa kwarto nila at bumalik ulit sa kwarto ko.
CARRIE'S POV
Nakatulog agad si Rein pagkatapos niyang mag-ayos nung mga gamit niya. Napagod din siguro siya sa byahe. Medyo inaantok na rin ako kaso naisipan kong gawan muna ng salabat ang mahal ko para kahit paano naman maging ok ang boses niya.
Buti nalang merong luya sa kitchen nila. Pagkatapos kong gawin yung salabat, nagpunta ako sa kwarto ng mahal ko at kumatok.
Agad niya namang binuksan yung pinto at pinapasok ako sa kwarto niya, "Can't sleep, mahal ko?" pilit niyang sabi sa akin. His voice is getting worse.
"Hindi pa mahal ko eh. Ginawan kita ng salabat." Tsaka ko inabot sa kanya yung tasa.
"Salamat ng ma—" Hindi ko na siya pinatapos. Paubos na kasi talaga yung boses niya, "Stop talking mahal. You should take a rest, ok?"
Kinuha niya yung cellphone niya at nagtype dun. Curious ako kung sino kaya tinitext nito habang magkausap pa kami.
Inabot niya sa akin yung cellphone niya at tinuturo niya yung screen ng cellphone niya kaya tinignan ko.
│I know you'll be mad at me if I keep on talking. Thank you so much mahal ko for always taking care of me. No words can express how much I love you.│
That really touches my heart. Ang sweet talaga ng mahal ko. "My love for you is infinite, mahal ko." nasabi ko nalang sa kanya at niyakap siya.
Tumabi muna ako sa mahal ko at binigyan ko siya ng back massage hanggang sa naramdaman ko na rin ang pagpikit ng mata ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...