CARRIE'S POV
Sa sobrang nerbyos ko na kasama siya, yung pagpapa-picture sa kanya yung dapat ang una kong ginawa pero nakalimutan ko na. Grabe kasi yung pagwawala ng mga dragons sa stomach ko. Parang nila-lovenat na ako. Buti nalang siya na ang nag-insist ng picture-picture na yan. Hay! Ganito ba siya magpa-cute sa mga girls niya? Hmm.. Parang nakakaramdam ako ng selos ha.
"Carrie, let's go?" parehas kaming nagulat ni Jeric ng makita si daddy dun sa may pinto.
"Yes dad! I'm coming." nakangiti kong sabi kay daddy.
Tapos humarap na ako ulit kay Jeric, "Pano ba yan, uuwi na kami. Thank you, Mr. Tan" at tumayo na ako.
"Thank you too, Ms. Geronimo." nakikipagkulitan niya pang sagot sa akin. "It's really nice to meet you." at nilahad niya ulit yung kamay niya.
Nakangiting tumango ako sa kanya at nakipag-shake hands ako, "Same here. Bye." at tumalikod na ako sa kanya.
* * * * * * *
Pagdating namin sa bahay, bumaba ako agad sa kotse at hinalikan ko si mommy sa pisngi. Inabot ko din sa kanya yung isang box ng cookies na pasalubong namin ni dad.
"Thank you anak!" at tsaka niya kinuha yung box. "Kumusta ang lakad ninyo?" nakangiti nyang tanong sa akin.
"Ayos naman po mommy. Masaya! Won't you believe mommy, anak pala ng business partner ni daddy si Jeric Tan." excited kong pagku-kwento sa kanya.
"Really?" nanlaki yung mata ni mommy.
"Yes mommy. Look at this." tsaka ko pinakita kay mommy yung picture namin ni Jeric sa cellphone ko.
Namangha talaga si mommy, "Ke-gwapong bata." nasabi niya nalang habang nakatitig sa picture.
"Mas gwapo pa siya sa personal mommy." nakangiti kong paliwanag sa kanya. Open talaga ako kay mommy. Lahat ng nangyayari sa akin sa school, tungkol sa mga kaibigan ko, pati si crush syempre o kahit ano pa man, kinukwento ko yun lahat kay mommy. Para kaming magbestfriend at kapag nakikita naman kami ng ibang tao sa labas, napagkakamalan naman kaming magkapatid. Solong anak lang ako at kahit wala akong kapatid, hindi ko naman nararamdaman na parang kulang ang buhay ko kasi punong-puno naman ang pagmamahal sa akin nila mommy at daddy.
Pumasok na si dad sa bahay galing sa pag-park ng kotse namin at agad na lumapit sa kanya si mommy, "Hon! Thanks for the pasalubong."
"No problem honey!" at hinalikan ni dad si mommy sa noo.
"Daddy, thank you po sa pagsama sa akin kanina." nakangiti kong sabi kay daddy.
"Did you enjoy anak?" lumapit sa akin si daddy at hinalikan ako sa pisngi.
"Yes dad, super. He seems to be a nice guy."
"That's good to know anak."
Umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga at makapagpalit na ng pantulog. Saglit akong humiga sa malambot kong kama. "Dreams really do come true." naibulong ko nalang sa sarili ko at nakangiti kong tinaas yung dalawang kamay ko na para akong nanalo sa lotto. "Yes!" naisigaw ko with full determination.
Nagflashback na sa akin lahat ng nangyari kanina. Yung nakipag-shake hands ako sa kanya, ang killer smile niya, yung pag-akbay niya sa akin, yung mga pick-up lines niya at yung autograph niya sa panyo niya at ibinigay niya sa akin. Kinikilig na naman ako. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Yung mga dragons sa stomach ko nagwawala na naman. Hahaha..
* * * * * * *
Excited akong pumasok ngayon. Matapos ng dalawang buwan na bakasyon plus yung meeting namin ni Jeric kahapon.. Hay! Ang rami kong ikukwento kay Juris nyan.
4th year college student na ako. I'm taking up Culinary Arts. I really like to be a chef. Mahilig akong mag-imbento ng kung anu-anong pagkain at mag-bake ng mga pastries.
"Sis!" nakangiting salubong sa akin ni Juris. Siya yung long time best friend ko since Grade 1. Alam na niya lahat ng sikreto ko, mga kalokohan ko at mga gusto ko. Syempre, maganda din siya like me.
"Best! Namiss kita!" sabay yakap ko sa kanya.
"Ito naman, parang hindi tayo magka-usap kahapon. Pero syempre, namiss din kita sis." at humiwalay kami ng pagkakayakap sa isa't-isa. "So, kamusta ang lunch date ninyo ng business partner ng daddy mo?" nang-aasar niya pang sabi.
"Lunch date nga." natatawang sambit ko at naisip ko na naman lahat ng nangyari kahapon, "Alam ko hindi ka maniniwala pero yung anak pala ng business partner ni dad ay ang oh-so-hot-and-handsome kong si Papa Jeric lang naman."
"Come on sis, stop day dreaming." at napalo niya ako ng medyo malakas sa balikat.
"Oh come on best, I'm not dreaming!" tsaka ko kinuha yung cellphone ko at nakangiti kong pinakita yung picture namin ni Jeric.
Nanlaki bigla yung mga mata niya, "Hala sis! Omo! Nagkita talaga kayo?!"
"See, I've told you." tsaka ko siya tinaasan ng kilay at ngumisi.
"So, kwentuhan mo ako. Anong nangyari sa meeting ninyo kahapon?" at lalo siyang lumapit sa akin.
* * * Kring!!!
"Aish! Wrong timing naman yung bell." napakamot siya sa ulo niya.
"Best, mamaya na tayo magkwentuhan sa canteen ha?"
"You owe me your kwento ha?"
"Huwag kang mag-alala best, kukwentuhan kita mamaya." at naghiwalay na kaming dalawa at nagtungo sa kanya-kanya naming room. Si best kasi business management ang kinukuha niya at nako yan ang pinaka-ayaw kong course, yung may mga numbers. No way talaga! Hindi ko na nga maintindihan mag-solve ng sobrang raming numbers tapos dinadagdagan pa nila ng letters. Most of all, bakit ba kailangan hanapin palagi yang 'x' na yan sa lahat ng problem solving. Haller! Hindi pa rin maka-move-on. Kaya huwag na ninyo akong asahan sa Math na yan kase I just hate that subject.
Nakinig ako sa lesson ng teacher ko pero medyo boring kasi mas gusto ko kapag baking kami o di kaya actual yung activities namin. Medyo matalino naman ako at masipag naman ako mag-aral. Naniniwala kasi ako na wala naman talagang batang mahina, madalas tinatamad lang mag-aral. Kahit gaano naman kasi kahirap yung isang lesson, kapag pinagtutuunan mo ng panahon at determinado kang matuto, malalaman mo din naman. Tiyaga lang dapat. Kaya nga proud ako sa sarili ko kasi consistent honor student ako and now, I'm running for Cum Laude. Kaso syempre, kahit anuman ang marating mo, dapat maging humble ka pa rin at huwag kalimutan tumanaw ng utang na loob at pasasalamat sa mga taong tumulong sayo. Yan ang isa sa mga importanteng aral na tinuro sa akin ng parents ko.
Noong break time namin, kinuwento ko kay best lahat ng nangyari kahapon at kinikilig talaga siya. Siya nga eh, sobrang kilig niya. Paano pa ako kahapon di ba?
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...