To Infinity and Beyond 53

35 2 0
                                    

JERIC'S POV

* Sandy calling...

Kahit ayokong sagutin ang tawag ng manager ko, kailangan eh dahil may contract signing pa ako mamaya as new endorser of apparel.

"Mahal, saglit lang. I need to take this call." paalam ko kay Carrie at sinagot ko yung tawag niya.

"Jeric, pabalik ka na ba? Just reminding you na may contract signing ka mamaya." paalala ni Sandy.

"Yeah, I know. Pabalik na ako." sabi ko sa kanya. Pag end ko ng call, napatingin ako sa mata ng mahal ko at ramdam ko na alam na niya yung ibig sabihin ko. Nalungkot ako bigla kasi iiwan ko na siya dito. I will surely miss those eyes staring at me.

"Sige na mahal. I understand." sabi niya sa akin.

Tumayo na kaming dalawa at magkayakap kaming pumunta sa may pintuan.

"Paano mahal, I'll keep going. Always remember to give me a call ha?"

"I will mahal. I'll see you soon. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal na mahal din kita." tsaka ko hinalikan yung likod ng kamay niya.

Nagmamadali na akong sumakay sa kotse at hindi ko na siya niligon. Nangingilid na yung luha sa mga mata ko at kapag lumingon pa ako, bago mas lalo akong mahirapan na iwan siya. Alam kong kailangan niya 'to at gustong-gusto niya 'tong gawin at ayoko lang maging hindrance sa pagkamit ng pangarap niya. Sobrang mamimiss ko siya and I can't wait to see her very soon.

* * * * * * *

Gabi na ng dumating ako dito sa Pilipinas. Agad akong dumiretso sa kumpanya ng Exquisite Apparel para magcontract signing.

Pagkatapos noon, umuwi na ako sa bahay dahil nandun sila mommy, daddy at Rein. Sabay-sabay daw kaming magdi-dinner.

"Kumusta si Carrie, anak?" tanong ni daddy sa akin kasi alam nila yung ginawa kong paghatid kay Carrie sa New York at sobrang nakakatuwa lang kasi hindi man kami palaging nagkikita ng parents ko, palagi naman nila akong sinusuportahan sa desisyon ko.

"Ayos lang dad. She's very surprised na kami lang yung passenger sa plane." masayang pagkukwento ko.

"Oh Jeric nakI I really love that girl." si mommy naman habang hawak yung plato ng kanin at inaabot sa akin.

"Me too, mommy. Para na kaming magkapatid ni ate Carrie." si Rein naman na para pa ring bata sa pagkukwento.

Napangiti ako kasi sobrang gusto nila si Carrie. Ano na kayang ginagawa ng mahal ko ngayon? :(

"Kumusta po pala yung business trip ninyo sa Singapore?" pag-iiba ko ng topic kasi baka lalo ko lang mamiss ang mahal ko.

"It's doing great anak and guess what, dito na talaga kami mag-stay sa Philippines." masayang pagkukwento ni mommy.

"So you mean to say that you won't be attending any business trip anymore?" pagkaklaro ni Rein.

"Yes dear. No more." tsaka nakangiting tumango si dad.

"But who will attend our company's business meetings in abroad?" hindi ko mapigilan na itanong sa kanilang dalawa.

"Si Simon nak. Alam kong kaya na niyang gawin yun."

Naniwala naman ako kay dad. Si Simon Wu, may dad's personal assistant for almost 20 years. I'm sure he can really do it.

"Nakakatuwa nga eh kasi kahit paano magkakaroon na ako ng time para sa inyo." sabi naman ni mommy.

"Mommy, shopping naman tayo minsan." pagyayakag ni Rein.

"Of course dear. I loved too." nakangiting sagot ni mommy.

"Son, let's play basketball tomorrow. Are you free?" tanong ni dad sa akin.

"Yes dad, wala akong work bukas."

"Ay!! Manunuod kami ni mommy." excited na sabi ni Rein.

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon