To Infinity and Beyond 20

45 4 2
                                    

CARRIE'S POV

Nandito ako sa library ngayon at nagri-review para sa susunod na exam ko.

"Excuse me ma'am, pinabibigay po ni Sir. Jeric." mahinahong sabi sa akin nung delivery boy at inabot sa akin yung napakagandang bouquet ng bulaklak.

May pa bouquet-bouquet pa talagang nalalaman si Jeric. Wala na talaga siyang ibang ginawa kundi pakiligin lang ako palagi. "Thank you." at kinuha ko yung bouquet ng red roses. Umalis na yung delivery boy at agad kong napansin na may kasama itong card sa loob. Agad ko naman binuksan yung card.

- Good Luck sa exam, beautiful! I know you can do it. I love you.-

Napangiti naman ako bigla. Iba talaga ang effort ni Jeric. Palagi nalang siyang gumagawa ng paraan para iparamdam sa akin na importante ako sa kanya.

Medyo mabilis naman yung exam ko kasi nagreview naman ako and I guess mas motivated ako dahil sa natanggap kong bouquet at note na galing kay Jeric.

"Sis, ang tagal ng nanliligaw sayo ni Jeric ha. Alam ko naman na dati mo pa yun crush na crush tsaka pakiramdam ko seryoso talaga siya sayo. Bakit hindi mo pa siya sinasagot?" nagtatakang tanong sa akin ni Juris.

Halos isang buwan na din kasing nanliligaw sa akin si Jeric. Sobrang saya ko lang kasi hindi pa rin siya sumusuko sa akin. Kahit na pakiramdam kong pagod na pagod na siya from his work, practices sa nalalapit nyang concert and schooling, kapag kaharap ko siya, palagi pa rin siyang nakangiti at hindi niya pinaparamdam sa akin na nahihirapan siya. Wala siyang school days na pinalampas para ihatid at sunduin ako. Siya yung nagmo-motivate sa akin at nagbibigay ng magandang suggestions para sa restaurant ko.

"Best naman, bakit parang mas excited ka pa sa akin na sagutin siya?"

"Sis, nakikita mo ba talaga yung lahat ng effort ni Jeric?"

"Oo naman. Sobrang swerte ko nga sa kanya eh."

"Yun naman pala eh. Then, what's stopping you?"

"Best, natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng sabihin ng ibang tao pag naging kami." pag-amin ko sa bestfriend ko.

Yung totoo kahit gustong-gusto ko na siyang sagutin, nakakaramdam ako ng takot kung sakaling maging kami na. Alam ko yung mga possibleng mangyari, nandyan yung mga comments ng mga taong nakapaligid sa amin, lalo na yung mga fans niya, nandyan yung pag-adopt ko sa buhay na meron siya at ang rami pang mga negative thoughts and insecurities na nasa isip ko.

"Sis, love is worth taking a risk. We cannot please everybody. May sabihin man silang positive or negative sa buhay mo, who the hell cares? Jeric will be there for you and would be willing to sacrifice everything for you." Ibang klase din talaga mag-advice 'tong bestfriend ko. Pero tama siya, kailangan mag-sacrifice din ako.

* * * * * * *

Nakangiti kong sinalubong si Jeric at sumakay na ako sa kotse niya. "Thank you sa bouquet. I really like it." sabi ko sa kanya habang inaayos ko yung seatbealt.

"Glad that you like it. Pero may bayad yun. Wala na kayang libre sa panahon ngayon." nang-aasar nyan sabi sa akin.

"Now tell me, how much it is and I promise you that I will give you a large tip." pagtataray ko sa kanya. Kala mo ha, ikaw lang marunong mang-asar.

"Sungit naman" tsaka siya nagpout. Ang cute naman. Nako! Tigilan mo ako sa pout na yan, baka masagot kita ng wala sa oras. Hahaha.

"But sorry miss, I don't need your money. I have plenty of that."

"Yabang" sabi ko sa kanya. "So paano naman ako makakabayad ng so called 'utang' ko?" inexaggerate ko yung word na 'utang'.

"Hmm.. para naman makabayad ka ng utang mo sa akin, you have to date me tonight." tsaka siya nang-aasar na kumindat.

"Excuse me, tonight mister?" Baka nakakalimutan mo na meron kang gig mamaya." medyo napataas yung boses ko. Alam ko kasi na busy siya.

Ginaya niya yung pagsasalita ko, "Excuse me miss, I maybe busy these past few days but I always find time for you." Ok talo na ako. Kinikilig na naman ako.

"So, I'll see you later." tsaka siya kumindat ulit at nagkiller smile. Ok later.. Ibibigay ko na din sayo ang iniintay mong "Oo."

To Infinity and Beyond (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon