CARRIE'S POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung surprise sa akin ni Jeric kagabi. Nakakakilig yung F4 at Fahreheit. Sobrang gwapo nila pero syempre pinakagwapo pa rin sa paningin ko ang aking mahal. :) Tapos yung iba't-ibang kulay ng fireworks! Grabe! Sobrang sarap pagmasdan. Akala ko sa mga libro at movies lang yun, pero pwede pa lang mangyari yun sa totoong buhay at napakaswerte ko lang kasi nangyari yun sa buhay ko.
Kaso kahit ano pang saya ko kagabi, sobrang bigat naman ng nararamdaman ko sa pag-alis ko ngayon. Hindi ko alam na ganto pala ang kapalit ng pagkuha ng course sa ibang bansa.
Ayos na ang mga bagahe ko at nasa likod na nung sasakyan namin. Sila mommy at daddy naman ang katabi ko dito sa likod.
Si mommy nakayakap sa akin at panay pa rin ang pag-iyak naming dalawa. Si daddy naman nakapatong yung isang kamay sa balikat ko at tahimik lang.
Pagdating ko sa airport, nakita ko agad sila Tyrone at Juris. May pinuntahan kasi sila kanina kaya sabi nila dito nalang kami sa airport magkita.
"Sis, mag-ingat ka dun ha." naiiyak na sabi ni Juris sa akin at niyakap ako.
"Carrie, have a safe trip." si Tyrone at kinamayan niya naman ako.
"Ingatan mo ang best friend ko ha. Lagot ka sa akin kapag pina-iyak mo yan." biro ko pa sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Takot ko lang dito kay Juris." tapos siniko naman siya ni Juris. Ito talagang dalawa na 'to eh. Puro kalokohan.
Maya-maya pa'y dumating na sila Tito Lee, Tita Shin at si Rein.
"Ate, ingat ka dun ha. Magti-text pa rin tayo at magcha-chat ha?"
"Syempre naman. Mag-aral kang mabuti ha?" tsaka ko siya niyakap.
"Hija, mag-ingat ka dun ha." sabi naman ni Tito Lee at niyakap din ako.
"Hija, huwag pabayaan ang sarili ha? Kumain ka palagi ng tama sa oras." malambing naman na paalala ni Tita Shin.
"Opo tita, maraming salamat po sa inyo." at niyakap ko din si tita.
Nagcheck-in muna ako ng mga gamit ko tapos lumabas ulit at tinabihan ko sila mommy. Ang tagal din ni Jeric. Sabi niya he'll be here at 9 o'clock, meron kasi siyang photoshoot. Pero 9:30 na at wala pa rin siya. Tinatawagan ko naman siya pero hindi naman niya sinasagot.
This is the final boarding call for all the passengers booked on flight PR 126 to New York City. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for all the passengers for flight PR 126. Thank you.
Hala! Tinatawad na yung flight ko at wala pa rin ang mahal ko. :(
"Nak, ingat ha. Yung mga bilin ko sayo, huwag mong kalimutan ha? Always give us a call. I love you, anak." si mommy. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at humalik ako sa pisngi niya. Iyak na talaga ako ng iyak. First time ko kasing mahiwalay sa kanila.
"Nak, tumawag ka palagi ha. Mag-ingat ka dun." tsaka yumakap sa akin si daddy.
"Opo dad, tatawagan ko kayo palagi ni mommy." at hinalikan ko din siya sa pisngi. Sobra na talaga ang pag-iyak ko.
Panay pa rin ang pagtingin ko sa paligid pero wala talaga ang mahal ko. :( Na saan na kaya siya? Hindi ko man lang ba siya makikita bago ako umalis? Nakakalungkot lang pero hindi ako magagalit sa kanya. Alam ko naman na may trabaho siya ngayon at palagi naman siyang gumagawa ng way para sa relationship namin. Siguro nga, hindi lang talaga siya maka-alis dun sa photoshoot niya. Sayang naman.. :(
Tumingin pa akong muli kita mommy at daddy, pero hindi pa rin talaga dumating ang mahal ko. :(
Tinulak ko na yung maleta ko at diretso ng naglakad. Pagpasok ko ng eroplano, nakakapagtaka kasi ako lang mag-isa. Alam ko naman na tama itong sinakyan ko kasi ilang beses ko ring chineck yung plane ticket ko at hindi ako ganoon kayaman para magprivate ng flight ko.
"I always hate seeing you cry." sabi niya. Hindi ko namalayan na nandito na siya sa harap ko at nakasandal dun sa may pinto ng eroplano.
Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ako ng sobra. Kala ko hindi ko na siya makikita bago ako umalis.
"You miss me that much, mahal ko huh?" sabi niya sa akin.
"What are you doing here?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
"Hahatid kita mahal hanggang bahay mo dun sa New York para ma sure ko na safe ka dun." tsaka niya ako hinalikan sa noo.
"Pero mahal, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Ok na akong makita ka bago ako magpunta sa New York."
"Wala ng pero mahal ko. Kung hindi lang ako nakapirma ng kontrata sa VN Media, sasama na ako sana ako sayo eh. For now, sosolohin muna kita." tsaka niya ako muling hinalikan sa noo.
Hindi ko magawang matulog sa byahe at sinulit ko talagang maigi yung oras na magkasama kami ng mahal ko. Puro kami picture taking at kwentuhan. Kung pwede lang talagang hindi na matapos pa ang oras na 'to eh.
Mr. Tan and Ms. Geronimo, now we're approaching New York where the local time is 7 o'clock in the evening. We hope that you have enjoyed the in-flight entertainment and we are now preparing to land.
Medyo gabi na ng dumating kami ni Jeric sa New York. Isinuot sa akin ng mahal ko yung jacket niya at hinawakan niya ako sa isang kamay. Yung isang kamay niya naman hila-hila yung bagahe ko.
"Good evening, Sir Jeric and Ma'am Carrie. Welcome to New York!" nagulat ako sa isang lalaki na sumalubong sa amin kasi kilala niya kami. Kinuha nito yung bagahe ko kay Jeric at siya na yung nagsimulang magtulak.
Sinundan namin yung lalaki at sumakay kami dun sa kotse niya na naka-parking sa harap ng airport.
Hindi pa rin ako makapaniwala na andito na kami sa New York. Grabe ang tataas ng buildings dito at halos lahat ay gawa sa mga malalaking salamin. Napapalibutan din ang lugar ng iba't-ibang kulay ng ilaw, mga restaurants, movie theater at iba't-ibang store. Makikita din dito ang napakaraming billboards ng mga Hollywood stars at syempre ang pinakasikat na Statue of Liberty.
Buong byahe hindi na ako nagsasalita habang naka-dantay ang ulo ko sa dibdib ng mahal ko. Naka-akbay naman yung isang kamay niya sa may balikat ko at hawak ko naman yung isang kamay niya. Hindi niya din inaalis yung labi niya sa may ulo ko. Panigurado akong sobrang mamimiss ko 'tong mahal ko.
"We are here." sabi nung lalaking driver at pinagbuksan kami ng pinto.
Tumambad sa akin yung ang isang modernong bahay. Simple lang dito pero ang ganda ng pagkakagawa. Marami ding puno sa paligid kaya naman ang presko din ng hanging dito.
"Mahal, everything is ok in this place. I asked them to check it before we arrived here." sabi niya habang nagsisindi ng chimney.
"You call me if you need something ha?" at tinabihan niya ako sa couch.
Di pa rin ako kumikibo sa kanya at tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Sabi ko naman sayo, ayokong nakikita kang umiiyak di ba?" at pinahid niya na naman yung luha ko. "Be a good girl, hmmm?" tapos tinaas niya yung kilay niya na parang hinihingi yung approval ko.
"Hey mister! Ikaw dapat ang mag-behave dyan." tinaasan ko siya ng kilay at siniko ko yung tagiliran niya. "Ang rami kayang babae na naghahabol sayo." dagdag ko pa.
"Eh di mapagod silang maghabol. Ikaw lang naman ang laman nitong puso ko eh." tsaka siya kumindat sa akin. Kinikilig na naman ako sa kanya! Niyakap ko siya ng mahigpit, "I love you, mahal ko." sabi ko sa kanya.
"Mas mahal kita, prinsesa ko." at hinalikan niya yung noo ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (Book 1)
Romance"I'm so glad that my previous relationship didn't work-out because I ended up having you and if I will have to wait all over again just to get you, I don't care because you are always worth it." -Mr. Jeric Tan "Meeting you is the best and the swee...