Sid's POV
Nandito kaming tatlo sa kwarto ko at sinasabi nila sa akin ung plano nila para mapagayos kami ni Kristine..
"Paano ako makakasigurado na hindi nio ako ginagago?"Tanong ko
"Pagpunta ko palang dito,malaking effort na,kaya makinig ka nalang" Dale
"Basta Sid,para sa inyo din to" Charlie..
Habang nagpapatuloy sila biglang dumating sina Zach at Cedric...Ay,oo nga pala,natawagan ko sila...
"Anong meron?" Zach
"Pasok kayo dali."Sabi ko sabay sara ng pinto.
"Tutulungan namin sila na magkaayos" Dale
"Huh?Eh db ikaw ung lalake sa picture na kasama ni Kristine nung isang araw?"Cedric na nakturo kay Dale
"Oo nga,sa totoo lang ayoko nito eh,kasi mahal ko si Kristine,tapos tutulungan ko pa tong mokong na to makipagayos?Kung ako ang tatanungin nio,hindi ako papayag,pero....Haay may sinabi sakin tong babaeng to kaya napa-oo na rin ako.." Dale
"Panu kami makakatulong dyan eh hindi nga namin alam kung baket naging ganun ung mga pangyayare sa mundong ibabaw" Zach
"Yun na nga ung dahilan kaya ko kayo pinapunta dito eh,sasabihin ko na sa inyo ang lahat" Inakbayan ko silang dalawa at dinala sa terrace,naiwan muna dun sina Dale at Charlie...
**
Zach's POV
Nandito kami ngayon kna Sid,ayos!buti naman sasabihin na niya,ang tagal kong inisip kung anong dahilan nito....
"Ganito kasi yun.......Nung papunta palang tayo kina Cedric pumunta sa bahay namin ung mommy ni Charlie at kinausap ako,inipit niya ako,sabi niya,ipupull-out niya ung shares nila sa kompanya namin,pag nangyare yun,pwedeng lumubog agad agad ung kompanya namin,kaya ayun,dahil sa pagkakaipit ko,nakagawa ako ng maling desisyon,kaya ibig sabihin nun,si Kristine pa rin ung mahal ko,lahat ng nakikita niyo palabas lang...."
"-______- Yun na yun?"Sabi ko kay Sid
"Yep.." Sagot niya.
"Eh kung sinabi mo agad sakin,pinatulungan kita kay Daddy -__-"
"Ako rin,pwede rin naman akong humingi ng tulog kina Papa eh" Cedric
"Hindi eh,sinabi niya rin sakin na madadamay kayo pag humingi ako ng tulong,dun ko lang naisip na ipit na ipit na talaga ako"
Oo,sinabi sakin ni Tita Via na pag humingi ako ng tulong sa dalawang to,gagawa at gagawa rin sia ng paraan para mapalubog sila,malakas din ang hatak ng pamilya nila Charlie,Malaki rin ang pangalan nila sa industriya ng business...Kaya sinubukan kong ayusin to ng mag-isa,pero hindi ko siya naayos,gumulo lang lalo..
"Yun,at kaya naman nandito ung dalawang yun,eh tutulungan daw nila akong makipag ayos kay Kristine...Tutulong din ba kayo?"
"Oo naman!" Cedric
"Ano pa't naging matalik tayong magkaibigan kung hindi rin tayo magtutulungan hindi ba kaibigan ko?" Ako x)
"Ayos!" Sid.
**
Dale's POV
Haay,ito na naman ako..
Tanga alert! Tanga alert!
Pssh,kelan ba ko matututo...Ito kasi yung nangyare kaya ako napa-oo ng babaeng to -__-
*FLASHBACK*
Dito na ako pinatulog ni Tito sa bahay nila,para naman daw mabantayan ko si Tintin...Kinabukasan ang aga ko nagising,kaya bumaba na ako at nagluto..Pagdating ko sa sala nakita kong nakaupo si Charlie sa sofa at nakatingin sakin..
"Anong ginagawa mo dito huh?!" Tanong ko
"Sinisilip ko lang ung crush ko..." Sia na yumakap sakin
"Yuck! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" Sabi ko habang tinatanggal ung mga kamay niya sakin..
"Haha,grabe ka naman crush,pero anyway kaya ako nandito ay para kausapin ka...."
"Tungkol saan na naman yan?"
"Naalala mo yung usapan natin sa mall nung nakaraan?"
"Oh?Anong meron dun?Ayoko na nun!"
"Hindi pwede crush,tutulungan mo akong ayusin to..."
"Baket pa?Ano bang mapapala ko pag tinulungan kita huh?"
"Mapapasaya nating dalawa ung mga taong mahal natin,pero tayo,syempre masasaktan"
"Yun naman pala eh!Masasaktan tau,baket pa natin itutuloy yan?!"
"Kasi alam ko namang gusto mong masaya si Kristine eh,at ito ang pinakamalaking dahilan para sumaya sia...Kaya tulungan mo na ako dito crush.."
"Haay,mahal ko siya,pero,aissh! Oo na,Oo na!" Ako na ginulo nalang ung buhok ko.
"Yan ang gusto ko sayo crush eh,haha!O lika na!"
"Saan? ?__?"
"Dun sa bahay ng lalakeng mahal ko.."
"Anong gagawin natin dun.."
"Ngayon na agad tayo magsisimula"
"Pssh,sige na nga.."
Nag-iwan nalang ako ng note sa cup ni Kristine na may pupuntahan ako...
Haay,nako Kristine talaga,kahit ano gagawin ko..Haay lugeng luge ako dito (_ _)
*END OF FLASHBACK*
Yun..Haay so,nandito kaming lima,ako,Charlie,si Sid,at yung dalawa niyang kaibigan...
"So ano,may naisip na ba kayo?" Zach ba to?
"Hmm,actually meron na kaso hindi pa napopolish.." Charlie
"Ano yun?" Cedric ata to eh.
"Ganito....yayayain ko si Kristine na magmall,para mamili ng mga damit mo SID,basta lahat ng bibilhin namin,para sayo,tapos sia yung tatanong-tatanungin ko kung anong mga gusto mo..Tapos kayong mga lalake naman gagawa kayo ng parang venue ng engagement party,tapos namin sa mall dun kame pupunta sa 'venue' na ginawa niyo....Pag tinanong niya kung anong meron ,sasabihin ko engagement party namin ni Sid...pero oo nga pala,kailangan mapapunta niyo,LAHAT,as in buong angkan namin ni Kristine,para nga kunwari talagang suporta sila sakin,tapos parents mo din Sid dapat nandoon ah,tapos nun mamamatay lahat ng ilaw pero magtututok tau ng spotlight kay insan,tapos ipe-play natin lahat ng nirecord mo Sid" Charlie
"Huh?Alam mo yun?" Tanong ni Sid
"Oo,anyway yun na nga,tapos syempre magtataka sia,tapos nun lalabas ka Sid,at ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo,ikaw na ang bahala sa mga sasabihin mo dun ah,tutulungan ka lang namin na magkaroon ng time para makausap sia,ikaw na bahala ok?"
"Ok,kaya yan.."
"Oh?Ano pang tinutunganga niyo dyan?? Galaw galaw din alauna na ng tanghale,kailangan 6 ng happon tapos na tayo!!" Charlie
Lahat naman kami nag-usap usap na kung panu gagawin ung venue...
Kami ni Zach ang gagawa,si Cedric,tatawagan nia lahat,tapos sia na rin ung magsasabi sa kanila ng 'plano'
Si Charlie pinuntahan na si Kristine...At si Sid,ayun sa sulok,nagpapractice...
Haay nako....Hndi ako makapaniwalang sasabihin ko to,pero sana nga Tintin magkaayos na kayo at sana maging masaya ka sa kanya...
**
Cut po MUNA! :PP
Hahahah..Vote,Comment,Share ^o^
Ediit ediit lang po,haha,Sorry po di magaling eh,trip lang yan kumabaga x))
Kayo na Lang gumawa,wala akong talent sa ganyan eh xD
Collage na trip lang ni Otor ~~~~~>
![](https://img.wattpad.com/cover/5230790-288-k166825.jpg)
BINABASA MO ANG
Seryoso Ako Ngayon ;)) *C O M P L E T E D*
Lãng mạnIsang casual na story tungkol sa tatlong magkakaibigan... Isang mabilis mainlove,isang magture,at isang balasubas.. And by balasubas I mean Cassanova,manloloko,babaero,ano pa?! May makakapagpaikot kaya sa lalaking lahat ng relasyon ay 2 weeks lang a...