The Truth.

261 1 0
                                    

Mark's POV (A/N: para po sa mga nakalimot sia po ung Unce ni Tasha ^_^)

Pag-alis ni Zach sa ospital ay hindi ko na sia nakita pa....

Umalis na din muna ako at bumalik sa hotel para kunin ang mga gamit...Hindi muna ako pumunta sa Morgue dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang makita na ganun si Tasha,wala na siya...

Kinabukasan na ako bumalik sa ospital,actually hindi ako natulog,kase hindi ako makatulog..Sino ba namang makakatulog sa panahong to?Umiyak nga lang ako eh,magdamag pa...Haay napakalaking parte na ng buhay ko si Tasha dahil simula bata siya ay ako na ang nag-alaga sa kanya kasama ang mga magulang ni Paul...Pagbalik ko sa ospital ay laking gulat ko dahil.........Abo na sia ngayon...

Pagtingin ko,ang daming tao ang nakapalibot sa sunog na ospital...

"PANO NASUNOG?!" Sigaw ko,dahil naisip ko na dahil dun ay nasunog din ung bangkay ng pamangkin ko..

"Hindi pa nga alam eh,kaninang madaling araw lang daw yan nasunog.." Sabi ng isa sa mga nakikiusyoso...

Nag-ikot ako at nakita ko ung Doktor na nag-opera kay Tasha..

"NALIGTAS NIYO BA ANG MGA BANGKAY SA MORGUE?" Sigaw ko habang hawak ko ung kwelyo nia...

"H-hindi po sir.....S-sorry po Mr.Alvarez"

"Anong Mr.Alvarez?!! Mr.Adams ako!" Pagkasabi ko nun,binitawan ko na sia 

"h-huh?! Mr.Adams po ba kayo?!!"

"Oo baket?"

"Akala ko po asawa kayo nung inoperahan dahil may tumor  na si Mrs.Alvarez,kayo lang po kase ung tao sa labas ng emergency room eh,kaya akala ko po kayo ung kamag-anak niya....Mr.Adams po pala kayo! Kaya pala walang dumadalaw dun sa kwarto nung babaeng inoperahan ko sa puso,nakaya niya po ung operasyon pero hindi pa rin po sia gising,pero dahil po sa sunog,marami din pong namatay,kaya hindi po tayo sigurado.."

Pagkasabing pagkasabi niya nun,umalis na sia at iniwan ako dung nakatanga...S-so maaaring buhay si Tasha?!

Ngayon,pano ko to sasabihin kay Zach??!

**

Tristan's POV (A/N: Sa mga nakalimot nmn po kay Tristan eto po ung 1st love ni Tasha,na tinatawag ni Zach na Titan xD)

Andito ako ngayon sa Davao dahil pinakuha sakin ni Dad ung mga X-RAY results niya...Dire-diretso lang ang lakad ko ng napatigil ako sa isang kwarto,dahil nagulat ako sa pangalang nakasulat sa pinto nito,nandito si Tasha sa Davao?!

Pumasok ako at umupo sa tabi niya,buti walang tao....

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ung kamay niya...

"Tasha,pasensya ka na dun sa nagawa ko noon huh?Nagawa ko lang un dahil sa pagmamahal ko sau,sana mapatawad mo pa ako..."

Maya maya narinig kong nag-alarm yung ospital,lumabas ako at nagtanong kung anong meron..

"SIR!MAY SUNOG PO!" Pagkasabi niya nun,tinanggal ko muna ung Dextrose ni Tasha at binuhat siya palabas ng ospital at dinala sa Condo ko...

Dun inalagaan ko siya,kahit hindi sia nagigising,pinapalitan ko ung dextrose niya...

..

..

..

Isang linggo na ang nakakalipas pero di pa rin nagigising to....Lumabas muna ako para bumili ng noodles....

Pagbalik ko nagulat ako ng wala na si Tasha sa kama..At nakita ko siyang kumakain sa kusina...

"Ahmm.S-sorry po kuya ah,gutom na po kasi talaga ako eh,haha,ano pong pangalan niyo? :)"Tanong niya habang nakangiting nakatingin sakin...

H-hindi niya ako kilala?Agad akong tumawag ng doktor para malaman ko kung anong meron dito kay Tasha....

"Ah,may diperensya puso nito hijo,at may mga gamot na kailangan iinject sa kanya na maaaring matamaan ang ibang parte ng utak dahil ung gamot na un ay kumakalat sa buong katawan,kaya kadalasan ng nilalagyan ng gamot na ito ay nagkakaroon ng Amnesia...."

"G-ganun po ba dok?Sige po salamat..."

So may Amnesia si Tasha?Eto na ba ung tamang chance?Ngayon,pwede na akong gumawa ng bagong masasayang memories kasama sia....

"Kuya.." Tasha na pinopoke ako

"Oh?"

"Anong pangalan mo?Pangalan ko,at ano kita?Bat nandito ako sa bahay mo?"

"Ako si Tristan Miel Clofford...Ikaw naman si Tasha Flynn Adams,at ako?

.

.

.

Ako ang Fiancee' mo :)

Eto na ang tamang panahon para ako naman ang mahalin mo Tasha,ako naman..

**

Cedric's POV

Nandito kami ni Sid ngayon sa kwarto ni Zach dito sa ospital,isang linggo na kame dito,pero hindi pa rin makalabas si Zach..panung makakalabas?Hindi kumakain,pag papainumin ng gamot,tititigan niya yung nurse at tatabigin ang kamay,madalas lang siyang nakahiga at nakatingin sa kawalan,kahit sinong bumisita sa kanya,hindi niya kinakausap,maski sina Tito at Tita sobrang nag-aalala na sa kanya,kaming lahat din...Pati nga kame hindi niya kinakausap eh...

Grabe yung pinagbago niya,naiintindihan ko naman kung baket siya nag-kakaganyan eh..Pero hindi nmn tama na parusahan niya ung sarili niya....Awang awa na nga kami ni Sid dito eh,pero ang bago sa kanya,nagagalit siya pag sinasabi namin ung pangalan ni Tasha,example nung isang araw

*FLASHBACK*

Ayaw kumain ni Zach kaya may sinabi si Sid

"Naku kung nakikita ka ni Tasha,malamang papagalitan ka nun!" Sabi ni Sid

Agad namang napatingin sa kanya ng matalim si Zach sabay napaclose fist..

"SABING WAG NA WAG MONG BABANGGITIN YANG PANGALAN NA YAN DB?" Sigaw ni Zach na talagang nakakatakot ung tingin niya..

Yumuko nlng si Sid at lumabas ng kwarto.

*END OF FLASHBACK*

Simula nun ay hindi na talaga namin binigkas pa yung pangalang yun.....

Haay ano nang gagawin namin dito?!

**

Vote/Comment/Share..

Putol putol muna XDD

Seryoso Ako Ngayon ;))  *C O M P L E T E D*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon