Pagpapakasal ng Dalawang Abno :">

141 0 0
                                    

Tasha's POV

Girlfriend niya lang ako NOON ngayon??.

..

.

.

.

.

.

Magiging asawa na :)

Yeep ngayon na ung araw na yun,at Oo hindi na namin sinabi kung ano ung mga preparations,basta nandito kami sa isang simbahan ngayon! XD

Grabe ung feeling ko kabadong-kabado ako dito sa harap ng simbahan,nakasuot na ako ng puting gown,nakaayos at nakasuot ng belo.. Tae yan naiiyak ako habang naglalakad papasok,dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon..

Habang papalakad ako palaki ng palaki ung ngiti ko at palaki din ng palaki ang ngiti niya..

Noon pag sumasama ako kay Uncle pag pumupunta sia sa kasal kasal naiinis ako sa bride at groom kasi parehas silang umiiyak na parang mga tanga,akala ko kaya sila umiiyak kasi napilitan lang silang magpakasal,kaya ako naiinis..Pero ngayon ako na ang nasa pwesto,hindi pala sila umiiyak kasi napilitan lang sila,umiiyak sila kasi un lang ung paraan para maexpress ung nararamdaman mo..

Nagmano na sia kay Dad (Daddy ni Paul) Oo nandito sila ngayon pero wala si Paul,nasa Canada sia at inaasikaso ung business nila..Umupo na sila Dad at Uncle..

Nung nagtama ang tingin namin ay lalong lumaki ang ngiti naming dalawa..

"Ang gwapo mo ngayon ah" Bulong ko sa kanya sabay ngiti..

"Ikaw hindi masyad--Aray!" Sabi nia sabay hinawakan ung part ng ulo nia na binatukan ko.

"Grabe ka a-" Natigil sia kasi biglang nag fake na ubo ung pari...Kaya tumahimik na kami..

Habang sinisimulan ng pari ung seremonya ay ang daming pumasok sa isip ko,ung unang kita namin sa bar,ung pamatay niyang linya na sinabi sakin XD 

Yung pagkikita namin sa eroplano,paggala gala namin sa Australia,nung engagement party namin ni Paul at nung naging kami na talaga,yung mga problema na pinagdaanan namin,mga selosan,kabaliwan at kung ano ano pa..Nung tumingin ako kay Zach na nakatingin lang sa harap ay lalong tumulo ung luha ko,di ko inaasahan na dito ako babagsak sa gagong to,hindi naman nagrereklamo,hindi lang talaga inaasahan...

"Ngayon kung sino man ang tutol sa kasal na ito ay magsalita na o habang buhay nalang manahimik." Nung sinabi un nung pari ay halata sa mukha namin ni Zach na kinakabahan kami kasi baka may manggulo na naman o ano.....

Pero buti nalang ay walang nagsalita pero hindi pa rin tinutuloy ng pari kaya nagsalita na si Zach..

"Oy may hinihintay ka ba?Ituloy na nat--Araay!" Bastos talaga tong balasubas na to!

"Hoy!ano bang problema mo?Nakakadalawa ka na ah!" Sigaw ni Zach sakin.

"Para ka kasing tanga eh!Pari kausap mo ganyan ka?!" Sigaw ko din.

"Eh hindi ko naman sia minumura o binubugbog ah!" sia

"Eh sinisigawan mo eh!" Ako

"Eh ngayon naman ako na ung sinisigawan mo ah! Ako pwedeng sigawan ung pari hindi? Close kayo? Edi kayo na!" Sigaw ni Zach na parang tanga dun,

"Pati pari?Seriously?=____=" Ako

"Baki--" Natigil si Zach kasi nag fake na naman ng ubo ung pari at nung tumingin kami sa paligid namin ay lahat sila nakatulala lang samin,shete nakakahiya..

Bigla akong inakbayan ni Zach at sinabing "Heheh,ganito lang po kami pramis!" 

Ako naman ay umakbay din sa kanya at sinabing "Hehe,maniwala po kayo mahal namin isa't isa,lambingan lang po yun ^__^" 

Inayos ng pari ung sarili nia at tumuloy na kame,Hoo..

Ngayon naman ay nandito na kami sa part na isusuot namin ung singsing..

"Alam mo ba nung una kitang nakita dun sa bar ay alam ko ng babaero ka,lalo pa nung lumapit ka sakin,tas nung nakilala kita lumalala lalo tingin ko sayo,wala kang kwentang kausap,balasubas ka,hinayupak,palamura,at malayo ka sa dream boy ko." Ako

"Hala!Sige lang laitin mo pa ako!" Sigaw ni Zach

"Patapusin mo nga ako!Batukan kita eh! So un na nga kahit SOBRANG layo mo sa dream boy eh kahit papano thankful pa rin ako at nakilala kita,hindi ka man perfect na prinsipe eh kahit papano tinrato mo ako na parang prinsesa,inalagaan at minahal.. Mahal na mahal kitang hayop ka." Sabi ko at sinuot ko na sa kanya ung singsing..

"Dati wala akong pakealam sa inyong mga babae,kinokolekta ko kayo na parang Batman collection ko,pinaglalaruan,ang motto ko dati ay "FLIRT.KISS.LEAVE" Oo pagkatapos kita paglaruan ay iiwan nalang kita basta,wala akong pakialam kung mag-iiyak ka o mabroken hearted ka,ang akin lang,naentertain ako sayo..Wala sa dictionary ko ang seryoso at kasal lalo naman ang pamilya,ni minsan hindi yan pumasok sa utak ko..Pero dahil sayo,dahil sayo Tasha Flynn Adams,nagbago ang paniniwala ko,dahil sayo naniwala akong may love pala talaga sa mundong ito,salamat sayo kase hindi mo ako sinukuan kahit ang laki kong sakit sa ulo,kaya sana tanggapin mo ang apelyido ko at ang pagmamahal ko,mahal na mahal kitang hinayupak ka.." Sabi nia at saka sinuot ung singsing sakin..

"Weee--" Babarahin ko na sana sia pero ayan na naman ang hayop,hinalikan na naman ako ng biglaan..

"I now pronounce you man and wife,you may now kiss the bride" Nahuling sabi nung pari kasi nahalikan na ako ni Zach XD

Nagpalakpakan na ung mga tao sa loob,syempre kumpleto ang barkada,pati pamilya namin ni Zach...Pero namamalik mata lang ba ako o si Tristan yun?? Kumaway lang sia atsaka ngumiti ng malungkot bago lumabas..

"Tatanga tanga pa?Diretso na tayo reception gutom na ko oy!" Sigaw sakin ni Zach

"Grabe noh? Feel na feel ko ung pagkasweet mo,kinilig ako grabe!*sarcasm*"

"Mas magiging sweet ako sa honeymoon tasha kaya humanda ka! ;)" Sabi ni sabay smirk >\\\<

"Bastos kang hayo--" Naputol ako kasi nagsalita sia

"Hindi ako bastos kasal na tayo at tinanong ko na kay Lord kung pwede,at dahil close kami sabi nia Oo na daw ;)"

Natahimik nalang ako kase tama sia,kasal na kami,kaya legal na un.. *lunok laway*

Nung palabas na kami ng simbahan ay buhat buhat ako ni Zach,ngayon ko lang naisip na ako na pala si Mrs.Zachary Travis Chase Montreal. :) Asawa ko na tong gunggung na to..

Paglabas namin ay sumakay na kami sa isang puting limo at dumiretso na sa Reception..

Ako na si Tasha Adams Montreal :)) 

Habang buhay na yun :))

******

Cut po muna! XDDD

Eto nga po pala ung kanta nila dun sa kasal nila :DD ~~~~~~> 

At eto po ung dalawang abno :)) 

Seryoso Ako Ngayon ;))  *C O M P L E T E D*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon