Julia
In one...
Two...
Three...
*slaps*
Saktong pagkaharap ng lalaking 'to ay agad ko siyang sinampal.
"Anong karapatan mo para sampalin ako, ha?!" umuusok na ilong na sabi nya.
"Isa lang ang masasabi ko sayo, YOU. DESERVE. IT. You a*shole!" sabay sampal ulit.
"Julia, tama na please!" umiiyak na sabi ni Caitlyn sakin.
Bago pa ko makagawa ng mas malala pa dun, umalis na ko sa harapan nya sabay hila kay Cait papunta sa loob ng bahay nila.
"You b*tch!"
"Wala kang karapatang saktan ang baby Zach ko!"
"Bakit mo siya sinampal, ha?!"
"Mas deserve ng babaeng yan na masampal kaysa kay Zach!"
"Masasaktan ko na 'tong babaeng 'to eh!"
"How dare you! Eh mas mukha pa nga syang a*sshole kaysa kay Mr. Lopez eh!"
Yan ang mga bulong bulungan ng mga babaeng mukang bading sa malapit sa main door ng bahay nila Cait.
Naramdaman kong hindi na sya umiiyak compared kanina.
Umakyat na ko sa taas at walang hiyang papasok ako sa kwarto ni Cait.
Pero bago ko pa mabuksan yung door knob, naramdaman kong may sasabihin sakin si Cait.
"Julia hindi dyan, CR yan." sabi niya.
"Ah ganun ba? Okay." CR pala yun? Eh kalahati na nga ng bahay namin yun eh, kaya akala ko kwarto.
Sabagay, mayaman nga naman sila.
Umupo na ko sa sofa dito sa kwarto yata 'to ni Cait.
At siya naman ay abala sa pagkuha ng drinks sa may ref nya dito.
Elegante ang klase ng kwartong ito. Pero medyo may pagka girly din naman.
"Uhm Julia, bakit mo pala ginawa yun kay Zach? Dapat di mo na pinatu---"
"Cait, please, wag na natin pag-usapan pwede? It's just that, gusto lang kitang ipagtanggol. Kilala mo naman ako, diba?"
Di ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil alam ko naman na pagagalitan nanaman ako niyan.
Para kasi yang si mama eh. Pero alam ko naman na concern lang sakin yung tao, kaya okay lang sakin.
"Okay fine, wag na natin pag usapan if ayaw mo." sabi ni Cait sakin sabay abot sakin ng bote ng softdrinks.
"Thanks." sabi ko.
*hello, it's me🎶*
Narinig kong tumutunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yun mula sa pouch.
Tinignan ko kung sino yung tumatawag at nalaman kong si mama pala yun.
Bakit kaya? Miss na kaya nya ko? Or nag aalala yun sakin?
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fiksi Penggemar(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...