Julia
Saktong pagtigil ng fireworks, ang pagtigil din ng paghalik namin sa isa't isa. And then we feel awkward. Parang nag-hihintayan kami kung sino sa amin yung unang magsasalita.
Sino ba naman kasing hindi magiging awkward sa situation na 'to? You kissed in the middle of a perfect night but the both of you are just friends or maybe enemies. Our situation is...I don't know how to define this.
Ilang minuto na ang nakalipas at wala parin ang gustong magsalita samin. Siguro nauunahan lang ako ng takot ko and kaba kaya hindi ako nagsasalita and i guess that he feel the same way too.
Bakit kasi...ugh.
"Uhm, look. I'm sorry if I did that to you...again." Sabi niya saakin. Finally, he broke the silence.
"Ah...I guess we have to forget it nalang since...awkward." Sabi ko. Still feeling awkward.
"I guess so." And then again, silence enveloped us.
Hay. Isa 'to sa pinakaayaw kong pakiramdam. This awkward feeling.
Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa langit...sa mga bituin sa langit.
"Ang ganda ng stars noh?" Tanong niya.
"Ah...o-oo. Maganda siya." Nauutal kong sabi.
Bigla nalang akong nakaramdam ng pagkalamig kaya niyakap ko yung sarili ko para kahit papano mabawasan yung nararamdaman kong lamig.
"Oh, take this." Sabi niya sabay taklob sakin ng sweater nya. Ang galing naman, naramdaman nya na nilalamig ako.
"Thanks." Sabi ko sa kaniya. Gentleman naman pala, kahit papano.
Maya maya lang, biglang humangin ng malakas kaya mas lalo akong nilamig. Feeling ko nasa Antartica ako sa sobrang lamig.
"Nilalamig ka parin ba?" Tanong niya.
Tumango ako. "Ah, oo eh. Pero okay lang ako huwag kang mag-alala." Sabi ko.
Kami na yata ang pinaka awkward na tao ngayon. Why do we feel this way? Bakit kasi niya ako hinalikan? At bakit ako pumayag na halikan niya? Eh hindi naman kami?
Ni hindi nga rin kami magkaibigan
nito. Ano bang naisipan niya at hinalikan niya ko? Ang gulo niya at ang gulo ko rin! I can't understand myself right now.Maya maya lang nakaramdam ako ng sobrang pagkalamig at bigla nalang nagdilim ang lahat.
----
Zach
Why did I do that to her...again. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yun sa kanya? Nababaliw na ako dito kakaisip kung bakit.
Maya maya lang, naramdaman kong parang may nakadagan sa balikat ko. Pagtingin ko, nagulat ako ng makitang nasa balikat ko na ang ulo ni Julia. Nakatulog ba 'to?
Inangat ko 'yun pero bumagsak siya sa lap ko dahil nabitawan ko siya sa sobrang init ng katawan niya. May sakit pala siya, ni hindi nagsasabi. Eh di sana, inuwi ko na siya kanina pa para nakkapag-pahinga na siya ngayon.
Inangat ko ulit siya at inakay papunta sa kotse ko. Ah, ang layo nga pala ng lugae kung saan ko nag park. My bad. Ayan tuloy, nag-ssuffer ako dito sa pag-akay sa kaniya.
Tumingin ako sa kanya at nakitang tulog parin siya kaya binuhat ko na siya. Wala akong choice.
Napatingin ako sa mukha nya . Ang ganda niya pala kapag natutulog.
Finally, nakarating na rin kami sa kotse ko. Kaagad ko siyang sinakay sa shotgun seat tsaka inayos yung seatbelt niya. Pero bago ko pinaandar ang kotse, kinuha ko muna ang bag niya at kinuha ang cellphone niya para itext ang Mama niya para malaman na kasama ko si Julia. p
Pero sa kasamaang palad, wala siyang load at five percent nalang ang battery ng cellphone niya. Great.
Nilagay ko na ang bag nia sa tabi nya at nagsimula ng magdrive.
After almost fifteen minutes of driving, nakarating narin kami sa condo ko. Yes, sa condo ko. Hindi ko naman kasi alam ang bahay nila kaya dito ko nalang siya dinala.
Bumaba na 'ko sa kotse ko at binuhat si Julia papunta sa 23rd floor kung saan nandun ang condo ko . Bakit ba kasi ang taas-taas nun?
Pagpasok ko sa building, binati ako ng guard tsaka ng mga staff na babae dito na konti nalang mamatay na sa sobrang kilig. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero lagi kasi silang nakanganga tuwing papasok ako dito.
Nang makapasok na kami sa elevator, tinignan ko ulit siya para macheck kung gising na siya pero hindi, tulog parin siya. Siguro, dahil sa sobrang pagod niya at sa kakaiyak niya kaya kanina kaya siya nagkasakit. At kahit labag sa kalooban ko, aalagaan at aalagaan ko parin siya.
After ng napakahabang oras sa loob ng elevator, nakarating narin kami sa condo ko at napangiti dahil nakita ko nanaman ang number ng room ko. 143-I love you. How I wish, masasabi ko parin 'yan sa kanya pero hindi na pwede dahil ayoko na siyang masaktan pa.
Ihiniga ko siya sa isang kama at tinakloban ko siya ng kumot at kumuha ng towel na may mainit na tubig. Piniga ko yung towel at nilagay sa kanyang noo para mabawasan kahit papano yung malamig niyang pakiramdam.
Pagkatapos nun, tumayo na 'ko sa kama para umalis pero bago pa 'ko makaalis, hinawakan ni Julia yung braso ko at ramdam na ramdam ko yung init sa kanyang katawan.
"Huwag mo akong iwan, please." Mahinang sabi niya na halata mong punong-puno ng kahinaan.
At nagulat nalang ako ng biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. Why am I feeling the same way na naramdaman ko kanina nung hinalikan ko siya?
"Ano?" Tanong ko sa kaniya. Baka kasi namali lang ako ng rinig.
"Don't leave me. Just stay here."
"O-okay..." Nauutal kong sabi.
Why is she acting like this? Kung sabaga, may sakit siya kaya siya ganito.
Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ulit yung mukha niya. Ang ganda talaga niya pag natutulog. Yung pilikmata niya, yung pisngi niya, at yung labi niya...
'Yun yung tipo ng labi na tinatawag kang halikan siya. Hindi ko namalayan na unti-unti akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...