CJ
Ah! Naiinis talaga ako. Hindi ko alam kung naiinis ako kay ate o sa sarili ko, kaya hindi ko sila pinansin ni mama kanina.
Kasi kapag alam ni ate na badtrip ako, hindi na 'yun magtatanong. I mean, hindi na niya tatanungin yung huling sinabi ko kay Caitlyn kagabi
Buti nga hindi niya tinanong kagabi nung nag-usap kami tungkol sa deal nila nung Zach na yun eh. Sana nakalimutan na niya.
Talagang naiinis ako sa Zach na 'yun dahil nalaman ko nga na nanakit siya ng tao, at babae pa talaga.
Subukan lang niyang saktan din si ate, hinding hindi ko papalampasin 'yun.
Paglabas ko ng bahay, may nakita akong babae...na sobrang ganda.
"CJ, sabay ka na sakin." Alok niya sabay ngumiti sakin.
Si Caitlyn, ang babaeng hinahangaan ko.
"A-ah, diba malayo yung school m-mo sa kin?" Hay, nauutal ka nanaman CJ.
"Kaya nga. Sabay ka nalang sakin hanggang sa sakayan ng tricycle."
"H-ha? Sige na n-nga." Hay, bakit ka ba talaga nauutal? Dahil ba sa sinabi ko sa kanya kagabi?
Tsaka bakit nagpapasabay siya sakin? Hindi ba siya nagagalit dahil sa sinabi ko kagabi sa kanya? O baka hindi niya narinig?
Hindi kayan gusto niya rin ako makasama? 'Wag ka namang ganyan, mas lalo akong naiinlove sayo.
Naglakad na kami papunta sa sakayan pero, hindi niya ko kinakausap.
Hindi kaya naiilang siya sakin? Dahil sa pag I love you ko sa kanya?
"Uhm, Caitlyn?" Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?" Sagot niya ng hindi tumitingin sakin.
"Sorry kagabi ah." Hindi ko naman kasi sadya 'yun, nadulas lang ako.
"Tungkol saan?" Teka, hindi niya alam? Hindi niya narinig?
"Sa..." Kinakabahan ako. Sasabihin ko ba ulit?
"Sa alin?" Tanong niya.
"Sa pagsabi ko ng..." Hay, sasabihin ko ba?
Ah! Ituloy mo na nga, please. Para mabawasan na yung inaalala mo.
"Ng alin ba?" Natatawa niyang tanong. Baka naiinis na siya sakin dahil hindi ko masabi sabi.
"Ng late." Ah! Natatakot kasi ako sa sasabihin niya.
Ang nasabi ko ay yung hindi ko pagreply sa kaniya ng matagal. Hay nako, CJ.
"Ah. Okay lang, ano ka ba." Sabi niya sabay ngumiti, na nakakatunaw.
Pero bigla akong nainitan. Eh umaga palang naman? At patapos na yung summer?
"Cait, may pamaypay ka ba?" Nakakahiyang humiram pero ang init talaga eh.
"Huh? Wala eh, bakit? Malamig naman ah." Seryoso, malamig? Bakit hindi ko ramdam?
"Naiinitan kasi ako eh." Sabi ko. Pinaypayan ko yung sarili ko gamit yung kamay ko.
"Ah ganun ba. Pasensya na, lumalamig na kasi kaya hindi na 'ko nagdadala."
"Sige, ayos lang." Sabi ko habang pinapaypayan parin anh sarili ko.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...