Chapter 29

559 19 1
                                    

Caitlyn.

Nandito na ko sa amusement park at hinihintay ko sila Julia at Hana. Speaking of Hana, kaano-ano kaya nya si kuya? What i mean is, bakit sinabi ni kuya kanina na amo nya si Hana? Kaya ba sya umuwi dito ay dahil nawalan sya ng trabaho doon? Pero bakit?

Ah. Naguguluhan ako. Ang daming tanong sa utak ko na di ko masagot sagot.

Hinawakan ko yung ulo ko dahil bigla nalang itong sumakit dahil sa mga iniisip ko.

Maya maya, bigla akong nakakita ng mga stuff toys sa may entrance. Ang cute nila, para tuloy akong bumabalik sa pagkabata.

Naalala ko si kuya....

" Caitlyn! Nandito na si kuya! " dali dali akong bumaba para makita sya. Isang linggo na kasi simula nung umalis sya papunta sa lugar kung saan sya nag o-ojt.

" Namiss mo ko noh? " sabi nya habang nakangisi sakin. Dumila lang ako sa kanya at tsaka ko tinignan ang laman ng malaking bag na may nakalagay na 'Blue Magic' .

Nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko ang laman nito. Isa itong teddy bear na kulay pink. Kaagad kong niyakap si kuya.

" Thank you kuya! " sabi ko habang niyayakap sya ng mahigpit.

" Tss. Kahit 12 years old ka na, mahilig ka parin sa stuff toys."

" Eh bakit ba? Hindi naman masama yun ah! " pagrereklamo ko sa kanya sabay hampas sa balikat nya.

" Hahaha, joke lang. " sabi nya sabay nagpeace sign sakin.

Natawa ako sa kanya dahil sa itsura nya. Mukha kasi syang unggoy.

Nung natawa ako, natawa din sya sabay niyakap ako ng mahigpit.


Nakakatuwa lang balikan yung mga alaala na kasama ko sya. Pero di ko lubusang maisip na pwede pa naming ibalik yun, yung dating kami.

" Caitlyn? " bigla akong natauhan sa tumawag sa pangalan ko. Ang lalim kasi ng iniiisip ko.

Nagulat ako nung makita ko sya,

" Kuya..."

Kaagad syang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko sya ginantihan sa pagyakap sakin, hindi katulad ng dati.

Ilang segundo pa ang lumipas noong kumalas sya sa pagkakayakap sakin. At tinignan nya ko ng naiiyak.

" Kumusta ka na? " nag aalalang tanong nya sakin.

" Okay lang. " tipid na sagot ko. Wala naman kasing dahilan para humaba ang sagot ko sa kanya, sayang lang ang laway ko.

Tumungo lang sya sakin at ngumiti habang ako naman, naglakad na palayo. Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba at takot at hindi ko narin kaya pang tumagal sa harapan nya at makipag usap ng matagal. Ni hindi ko rin sya matignan ng diretso.


Ah. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Kailan ba 'to matatapos?

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko sya at tinignan na parang hindi ko sya kuya.

" Pwede ba tayo mag-usap? "

Ah. Napaghandaan ko na 'to. Alam kong darating ang panahon na kakausapin nya ko at ito na yung panahon na yon.



Umupo kami sa bench na nasa tapat namin at sya ay nagtanong sakin.



" Ang laki mo na ha. Pero, sa tingin ko isip bata ka parin. "

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now