Julia
Sa wakas, natapos na yung first practice namin. Halos naka 3 hours din kami sa pag ppractice. Marami ring sinabi samin tungkol sa program, and yung mga kailangan naming suotin.
Balak daw nilang i adjust yung schedule nung pageant, gagawin na nilang next month since may ending na daw ng 1st sem yun and sembreak na sya so gagawing August 1.
Woah. July 15 na ngayon and ilang weeks nalang, pageant na. Kinakabahan na ako ngayon palang.
I was so tired. Alas-8 narin ng gabi. Parang kanina lang, nakita ko si ate Aireel.
Actually nung time na yun, natuwa ako na nakita ko sya but at the same time, kinabahan ako. Kahit hindi naman ako nagalit sa kanya dahil sa ginawa nya, masakit din sa part ko yun.
Masakit na sinira nya yung relasyon namin. We were so happy that time pero sa isang iglap, nawala nalang lahat.
"Julia," hinawakan ako sa braso ni Zach. Nakakgulat naman sya. Akala ko, ako nalang mag isa dito sa gymnasium.
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"Can I have a moment with you?" Moment? What kind of moment does he mean?
"Okay,"
Umupo na kami sa bleachers. Ang tahimik, sobra.
"Uhm, may sasabihin ka ba?" Nakatingin lang ako sa stage. Parang ang awkward kasi pag tumingin ako sa kanya.
"I just want to say sorry to you. Sa lahat, lahat, ng ginawa ko sayo since day 1. I guess, naging childish ako nung muntik na kitang ipakulong, nung kinulong kita sa gym, nung ginamit kita para magselos si Caitlyn, nung time na lagi tayong naggagantihan and hindi ko alam, na nasasaktan na kita ng sobra."
Napangiti ako. Buti naman, na realize na nya lahat ng ginawa nya.
"Psh. Wala na yun, past is past na. What's in the past, cannot be repeated anymore."
"Buti naman, napatawad mo na ko." Natawa kami ng konti.
"Dati pa noh. Na realize ko na, wala namang patutunguhan lahat ng 'to."
"Thank you. I owe you a lot." He smiled at me. Woah, for the first time!
"Naks nag-smile na sya oh! Hahaha." Sabi ko sa kanya.
Bigla kong naalala yung sinabi ng mama nya. Na kung sino daw yung unang babaeng sasampal sa kanya, yun yung napapangasawa nya habang buhay.
"Naniniwala ka ba dun?" Bigla kong tanong sa kanya. Curious kasi ako eh.
"Na kung sinong unang babaeng sasampal sayo, yun daw yung napapangasawa mo?"
Tila nagulat sya sa sinabi ko. Hindi sya nakapagsalita agad.
"H-hindi."
"Hindi?" Parang biglang lumungkot yung sarili ko. Bakit ganun?
"Kasi alam ko, na maraming bagay, ang maghahadlang samin..."
"Eh bakit hindi mo ipaglaban? Natatakot ka?"
"Kahit ipaglaban ko, wala din namang mangyayari. I will still end up with something that I don't want to."
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...