Julia
Binuksan ko yung pintuan sa kwarto ni CJ. Hindi pa daw kasi sya kumakain sabi ni Kim.
"CJ?" nakita kong nakacover sya ng kumot sa buong katawan nya. Hindi ba sya naiinitan?
"Uy, CJ." Tinapik ko yung balikat nya ng ilang beses.
"Mmm," tinanggal nya yung kumot at tumingin sakin.
"Kumain ka na nga muna. Tulog agad eh."
"Ayoko kumain. Wala kong gana." Cinover nya ulit yung kumot. Problema nito?
"Oy, bakit? Problema mo?"
"Wala,"
"Psh. Bahala ka nga dyan." Hindi ko sya pipilitin kung ayaw nya. Mukhang may problema nga 'to.
Pumunta na ako sa kwarto ko. 9 o'clock na pala. Parang kanina lang, nasa mall pa kami nila Caitlyn.
Teka nga, speaking of Caitlyn, gusto ko syang makausap.
Nag- open ako ng skype at kaagad ko syang tinawagan. Uso pa ang skype samin.
"Napatawag ka?" Sabi nya habang inaayos yung kama nya. Parehas pala kaming nasa kwarto.
"CJ." Dahil sa pangalang yun, napahinto sya sa kanyang ginagawa.
Umupo na sya sa kama and narinig kong huminga sya ng malalim.
"What's with him?"
"Hindi pa kasi sya kumakain eh and I think, may problema sya. Do you know what is it? Ikaw ang una kong naisip 'cause you two are very close. Nagseselos na nga ako eh."
Natawa sya ng mahina. But I know that it's a fake laugh. "Uhm, I don't know either. It's been a long time since nag usap kami."
Napansin kong hindi sya mapakali. Confirmed, hindi totoo yun.
"Hindi nag usap? Are you sure, Caitlyn Mae?"
"Okay, fine. You got me. Alam mo, kanina ko pa nga pinoproblema yan eh." Sabi na tama ako eh.
"What's the problem with my brother?"
"Look, Julia. He's not the problem, okay? It's me."
"Eh ano namang problema mo?"
"Remember nung nasa mall tayo? Bigla ka nalang umalis and Hana did the same way too 'cause may emergency sya. Then after that, nagkita kami ni Joshua. And, nag confess sya sakin." Woah. I can't believe it. Ang ganda talaga ni Caitlyn.
"Then? Ano ng nangyari after nun?"
"Then, yun. I recieved a text message from CJ and he says that he's happy when I am too even if he's not the reason of it. And I think, nandun din sya at that moment."
Gulo nito ah. Bakit kasi nagpunta ng mall si CJ? Eh hindi naman mahilig yun dun.
"Tapos? You can't choose between the two of them?"
"Yeah. You got me once again. You're so great, Julia Faye."
"Alam mo, choose the one that you think that is right for you. Because it's for your own sake, it's for the sake of your life. Kung iniisip mo na baka may masaktan sa kanila, yes they will. Pero mas masasaktan sila, kung hindi ka pa mamimili. Kung, para kang isang amo na may alagang aso't pusa, tapos, parehas mo silang kinu-cuddle every second, aba syempre magtatampo yun." Whoo. Haba ng speech ko.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...