Julia
Lyn? Sinong Lyn yung tinutukoy niya? Eh wala naman akong kakilala at ka-close na Lyn ah.
"Sinong Lyn?" Tanong ko.
"Di mo kilala si Lyn, ate?" Tanong niya din sakin.
"H-hindi eh."
"Hay, buti naman at hindi mo siya kilala." Huh? Ang weird din nitong taong 'to eh. Nung una sabi niya ka close ko daw tapos ngayon buti nalang hindi ko siya kilala?
Gulo niya!
"Ano bang full name niya?" Tanong ko. Baka sakaling makilala ko na pag sinabi niya yung surname.
"Ah..."
"What is her full name? 'Wag mong sabihin na hindi mo alam?" Tanong ko. Baliw na siya, 'pag ganun.
"Ate pwede bang bukas ko nalang sasabihin sayo? Inaantok na kasi ako eh." Psh. Mga palusot eh.
Umakyat na siya dala-dala ang laptop nya at naiwan ako dito na mag-isa.
*kriiing kriiing*
Gabi na ah. Sino kaya 'tong tumatawag?
---
CJ
Nakakainis talaga si ate, oh! Pinipilit sabihin kung sino yung nagugustuhan ko.
Yung kaninang sinabi ko na bukas ko na sasabihin, sa totoo lang ay hindi ko talaga sasabihin 'yun.
Nagpalusot lang ako kasi para makalimutan na niya yung about 'dun. Wahahaha.
Humiga na 'ko sa kama at tumingin sa mga sticker na glow in the dark sa ceiling.
Hay, kung alam mo lang ate kung sino ang taong nagugustuhan ko.
Pero sorry dahil hindi ko ipapaalam sayo 'yun dahil...bestfriend mo siya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at binuksan ito.
Pinatay ko kasi ito kanina habang nasa biyahe kami papuntang school eh, dahil ma-llowbat na.
Aish! Oo nga pala, kausap ko kanina si Caitlyn!
Malamang ay nagreply 'yun pero hindi ko nasagot dahil sinara ko yung phone ko.
Ah! CJ naman eh!
Pano kung nagalit sakin 'yun o nagtampo? Pano kapag hindi na niya 'ko kakausapin sa susunod?
Ah, 'wag naman sana.
Nag-open na yung phone ko at nakitang may text nga siya.
'On the way na 'ko diyan sa campus, medyo na traffic lang. And you're right, nag-away kami. Kaya sana makita niyo na siya at makausap.'
Nag away sila ni ate? Bakit? Paano? Kailan? Saan?
Bakit ba ang dami kong tanong?
Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto ng biglang may narinig ako.
"Zach please, itigil na natin 'to. Hindi ko na kayang maulit yung pag-aaway namin ni Caitlyn."
Huh? Sino si Zach? Siya ba yung nasa ospital...na ex-boyfriend ni Caitlyn?
Anong ititigil nila ni ate? At bakit ba sila nag-aaway?
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...